Part 1 "Meet with Him"

7.7K 145 2
                                    

"Finally, malapit na! Last semester nalang gagraduate nako sa course ko na I.T."

Hi guys! My name is Miyu Timuwatsu. 20 years of age. I'm a working student in a prestigious University. After school nagtitinda ako ng any kinds of products at nag-papart time sa Jollibee. Ngayon 4th year na ako hindi ko na mapagsabay ang dalawa kaya double time ako sa pagtitinda ngayon para may magagamit naman ako sa pang araw-araw.

Ganito nalang ba ako palagi!

Bulyaw ni Miyu sa isipan nya habang tumatakas sa dalawang lalaking sumusunod sa kanya.

"Nyaaahh!"

Napasigaw si Miyu nang nakita nya ang nakaharang na dalawang malalaking karton na prutas sa tabi ng daan. Buti at nalampasan nya ito sa pag-igtad ng mataas. Daig pa nya ang batang naglalaro ng chinese garter.

"Hoi Miyu ang utang mo!", sigaw sa isang lalaking sinusundan sya sa pagtakbo.

"Habulin nyo dali!!!", dinuduro-duro pa nya si Miyu habang papalayo ito ng papalayo sa kanila.

Ito ay utos naman ng among hindi na halos makalakad dahil sa sobrang katabaan.

Tumakbo siya at paliko sa isang iskinita. Lumingon sya sa likuran at nagpasalamat itong malayo-layo pa ang sumusunod sa kanya. Sa pagharap nya'y may papalabas na lalaki sa isang Music Shop. Hindi na nya mahinto ang sarili kaya ayon nagkabanggaan silang dalawa. Kahit sa tinding pagbangga nito'y hindi naman natumba ang dalawa. Kitang makisig at malaman ang dibdib ng binata. Nakasuot ang lalaki ng white shirt at blackjeans with matching long cardigan trench coat. Naka-suot din ito ng cap at shades.

Nang nakita nyang papalapit na ang mga lalaki sumusunod sa kanya ay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang nakita nyang papalapit na ang mga lalaki sumusunod sa kanya ay..

"Sorry, but I have to do this", wika ni Miyu habang hingal pa ng hingal ang dalaga.

Tumalikod si Miyu at tinakip ang sarili sa trench coat nito. Niyakap nya mismo ang binatang hindi nya kilala habang ang binata namay gulat sa ginawa nya. Natanong tuloy sa isip ng binata kung hindi sya kilala nito.

"Yakapin mo rin ako, please."

Pakiusap nya sa binata. Umakap din naman to sa kanya habang ang dalagang si Miyu nama'y sinusulyapan ang mga lalaking sumusunod sa kanya at kung talagang nakatakas na ba sya sa naghahabol sa kanya. Bumitiw na sya sa pagyakap ng binata nang tuluyan ng nawala na sa paningin ni Miyu ang mga lalaking pinagkaka-utangan nya.

Lumagok muna sya ng laway bago sya nakapagsalita.

"Salamat huh! Kung hindi dahil sayo baka nahuli nako ng dalawang lalaking yon.", wika nya habang hinahabol ang hininga.

"Hindi mo ba kilala kung sino ako ha?", tanong ng lalaking nakatitig sa kanya.

Tinanggal ng binata ang shades nya.
Tumingin naman si Miyu at inilapit nya pa ang mukha sa binata. Napakunot ang noo ni Miyu na halatang nag-iisip kong sino nga ba sya.

"She's Trapped" (FIN) BTSWhere stories live. Discover now