Flower {4}

3.1K 164 146
                                    

Flower {4} - bagay sa chap na 'to ang kantang PAG-IBIG ng Sponge Cola. OST yan ng dangwa. Inspired ang chap na 'to ng song na yan. :) Play niyo guys. <3



Nakatanaw lamang ako sa may bintana. Hindi ako pinayagan ng aking ama't ina na lumabas ng palasyo o maging ng kwarto ko. Nakakabagot na nga eh. Gwapo naman ako pero ayaw nila akong palabasin. Naaaay, bakeeeet?

Nakaramdam ako na parang may lumapit sa akin, at nakita ko ang aking pandak na alalay na si Ji Min. May dala-dala siyang tsaa at ilang minatamis na pagkain na tanging sa maharlikang tulad ko lang hinahanda.

"Mahal na prinsipeng badjao, magmeryenda ka muna. May dala po akong jams para sainyo." nakangiti niyang sabi at inilapag sa harapan ko ang mga pagkain.

"Salamat Ji Min, pero unano ka pa rin." tugon ko sakanya saka kinain ang mga dala niya.

Ilang minuto kaming tahimik. Nakabantay lang si Ji Min sa akin habang ako'y kumakain. Di nagtagal, nakarinig kami ng mahinang katok sa pinto ng aking silid. Inutusan ko si Ji Min na silipin kong sino ang naghahamok na gambalahin ang tahimik kong meryenda time. Malay niyo mga fangulls ko pala at gustong humingi ng signed autograph ng picture ko with hashtag #KimDaily

"Prinsipe Namjoon, nasa labas po ay isang ilong na tinubuan ng mukha, isang alien na pinatapon mula sa planetang Mars, isang baklang nagfifeeling gwapo, isang kabayong nakatakas sa kwadra natin at isang gilagid na takas mula sa dentisa. Papapasukin ko po ba kahit na nakakapunyeta sila?"

"Sige, Ji Min, kahit mga punyatera yan ay kaibigan ko sila."

Sumunod naman si Ji Min at unti-unti niyang binuksan ang pinto, dahil sa excitement nagmadaling pumasok ang limang kumag habang ang aking alalay ay halos matapakan na. Na-stampede. Di siya nakita dahil miniature lang siya.

"Prinsipe Namjoon, lubos kong ikinagagalak ang makita kang masigla." masayang sabi ni Hos Eok sa akin habang naka-bow ng 1000 degrees, kung paano niya iyon nagawa ay itanong niyo sa tagapangala niya sa AnimalCenter.

"Katulad ng iyong baba, mahaba ang buhay ko, kaibigang Hos Eok." tugon ko sakanya.

Ikinabigla ko naman ang biglang pagyakap sa akin ni Prinsipe Jin.

"Lubos akong nag-alala saiyo kamahalan. Mabuti at masigla ka na. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama saiyo." mukhang bading na sabi sakin ni Prinsipe Jin at tila nagsha-shining shimmering pa ang kanyang mga mata.

"Pag-ibig na kaya~ Pareho ang nadarama, ito ba ang simula? Di mapigilan ang pag-ibig na itooo~" bigla namang kumanta si Jung Kook at si Taeh Yung sa harap naming dalawa ni Jin.

"Ayieee~ Hinaharana ako ni Prinsipe Jung Kook." isa pa itong si Ji Min. Malakas kumarengkeng.

"Oh man, holy sh*T" parang nandidiring sabi ni Jung Kook saka siya humalukipkip at nagtago sa likod ni Taeh Yung nang makita niya ang pagmumukha ni Ji Min. Habang buhay na talagang mag-isa ang pandak na ito.

"Bakit kayo nandito? Mangpepeste na naman ba kayo?" tanong ko sa mga kaibigan ko.

"Ow, hondo oh! Nondoto komo poro tolongon ko mohol no pronosopo nomjoon!" ito namang si Taeh Yung, puno ang bibig pero nagsasalita. Hindi ko namalayan na kinakain niya na pala ang pagkain na para sa akin. Magnanakaw pala 'to eh! Alisan ko kaya 'to ng ulo—sa taas?

"Anong sabi mo, Taeh Yung? At bakit ba kinakain mo ang pagkain na dapat ay para sa akin?" sabi ko sabay agaw sakanya ng pagkain na nilalantakan niya.

Uminom muna siya ng tsaa. Walang hiya talaga 'to! "Oh ayan, saksak mo sa baga mo yang pagkain! Di naman masarap eh!" sabi niya. Di masarap pero ubos? Ayos naman. "Ang sabi ko, mahal na prinsipeng badjao, nandito kami para tulungan ka diyan sa sakit mo. Sasamahan ka naming maghanap ng panlunas saiyo." Sagot pa ni Taeh Yung habang nagtatanggal ng tinga. Bastos talaga.

Frozen FlowersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora