{10} - Epilogue

2K 155 149
                                    


The Badjao Epilogue 

Frozen Flower #180 in Fantasy. OMG THANKYOU




Makalipas ang isang taon...

"Ano ba 'yan, Ji Min! Napakahigpit ng iyong pagkakatali sa aking buhok!" reklamo ko habang inaayos ang telang nakatali sa aking noo. Hindi na makahinga ang anit ko dahil sa pagkakatali ng alalay ko na nagfifeeling stylist noona.

"Pasensya na, mahal na prinsipe. Kiss ko nalang." muntangang sabi niya at lumalapit sa akin ng nakanguso. Todo naman ang iwas ko sakanya.

"Eww bro, tayo ay hindi talo. Kung ako'y All Star converse, isa ka lang na flipflops!" ani ko.

Natatawa namang lumayo si Ji Min saka inayos ang laylayan ng aking hanbok. Nakasuot ako ng marangyang hanbok, bagong mga sapatos at may kung anu-anong beads pa na nakadisensyo sa aking kasuotang pang-ulo (head dress).

"Ilang oras nalang hindi na ako magiging alalay ng prinsipe." parang malungkot niyang sabi, sinilip ko siya ngunit sa kabila ng malungkot na tono ng kanyang pananalita, nananaig ang saya sa kanyang mga mata. "Sapagkat, isang hari na aking pagsisilbihan. Ikinagagalak ko ang iyong pamumuno sa hinaharap, mahal na Haring Namjoon." pakatapos niyang sabihin iyon ay yumuko siya sa akin.

Ngumiti ako ng bahagya, "Maraming salamat, Ji Min. Isa kang tapat na alagad. Dahil diyan, may VIP ticket ka sa concert ng Hasht5 sa November 1. Fanboy goals!" asar ko sakanya.

"Isang malaking karangalan ang pagsilbihan ka mahal na hari, at ang iyong pamilya." sabi niya sa akin.


Marahan kong tinapik ang kanyang balikat. Kahit na may pagkagageu minsan si Ji Min ay naging mabait siyang alalay sa akin. Hindi siya gaanong nagrereklamo kahit na tinatawag ko siyang pandak, unano, dwende, dagul jr, at kung anu-ano pa. Maging ako'y nagpapasalamat sa kanyang lubos na pagmamahal sa akin bilang kanyang amo at kaibigan.


Di nagtagal, isang katok ang narinig namin sa pinto. Hudyat na kailangan ko nang lumabas ng aking silid sapagkat magsisimula na ang seremonya. Dalian naman kaming lumabas na Ji Min at nagmadaling pumunta sa bulwagan.


Maraming tao ang dumating, mga hari't reyna, prinsipe't prinsesa ng iba't-ibang emperyo. Naroroon din ang buong punong ministro ng aming emperyo, ang mga tagapagpayo ng hari, ang mga nakakatanda. Hindi rin mawawala ang aming malalapit na kaibigan, ang punong tagapagsilbi, mga sundalo at ang mga aristokratang mamamayan.

Magarbo ang buong paligid. Maliwanag ang mga sulo sa gilid ng palasyo; iba't-ibang palamuti ang nakapalibot sa bulwagan at may mga banderitas pa. Naaaks! Fiesta ang theme. Sa pinakaunahan nakaupo ang aking Ina't Ama kasama ang punong babaylan. Kasama din nila ang mga Ju--ang pamilya ni Hwayang.


Bago magsimula ang seremonya, nilapitan muna ako ng aking mga kaibigan. Isa-isa nila akong niyakap at binati. Hindi ko mapigilan ang saya na namumutawi sa akin ngayon. Nasa iisang lugar ang mga taong lubos kong iniingatan at minamahal; yaong mga taong importante sa akin.

"Binabati kita, mahal na prinsipe Namjoon!" masayang bati sa akin ni Prinsipe Hos Eok saka tinapik ako sa balikat.

"Ano bang meron? Maaari ko bang malamang kung bakit may selebrasyon na naman sa inyon kaharian?" pang gageung tanong naman ni Prinsipe Taeh Yung. Pumunta siya dito ngunit walang alam. Isang mangmang!

Frozen FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon