#21: Unang Iyak ni Dohee

104 5 0
                                    

Hindi ako nasundo ng driver namin kanina. Kaya pala kasi pinag bakasyon ni mama ang lahat ng mga kasama namin sa bahay pati narin ang mga driver namin.


Nalaman ko lang din ang dahilan kay mama nung nakita ko siya sa sala na umiiyak. Niyakap ko lang siya ng mahigpit, hindi naman kasi ako marunong magcomfort ng tao. Sabi niya, maghihiwalay na raw sila ni papa. Sabi ni mama binabahay na ni papa ang babae niya. At nakaimpake na ang mga gamit ko dahil aalis na rin kami ng bahay.


Nasabi ko na ba sayo na hindi ko close si papa? kahit hindi ko naman dapat gawin yun anak lang naman ako. Simula nang mangyari ang araw na yon. Simula ng masaktan ako ng kagagawan ng lalaki nag umpisa ang lahat. At ngayon naman sa kanya. Sinasaktan niya si mama. Sinaktan niya narin ako. Akala ko dati iba si papa. Akala the best dad siya. Mali pala ako. Naisipan ko dati na mag hahanap ako ng lalaki katulad kay papa.


Inilubot ko na ng tingin ko sa bahay. Mamiss ko talaga ito. Lahat ng nemories nun ay nasa loob ng bahay. Simula bata ako hanggang sa magsixteen ako. Masaya ang pamilya namin at mawawala yun sa isang pgakakamali lang.

At satingin ko maiiwan kita dito diary. Ilang pages rin ang nasulat ko sa'yo. Sana magkatagpo ulit tayo. Alam ko pangit ang sulat ko sa entry na to' pasensya na naiiyak ako.

Di ko kasi alam kung saan kukuha ng lakas si mama dahil mahal na mahal ni mama si papa at ako lang ang karamay niya ngayon. Kaylangan na muna ni mama ng super powers ko, ipapasa ko lang sa kanya ang pagmamahal ko.



Dakilang PaasaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt