#22: Pagbalik sayo

85 4 0
                                    

Isang araw hindi ako makatiis na wala ka, sabi nga ni Leah pag mahal ka babalikan ka, yun nga ang rason kung bakit ako nagbalik ako nga pala ang Clark mo sa OTWOL. Nasanay na nga ako na nanjan ka. Nakakamiss ka. Kahit ang panget panget mo. I love you diary.

Nasa bahay si papa pero tulog na siya sa sala nung dumating ako. Naglalasing siya, hindi normal yun. Dahil hindi naman nag iinom si papa. May mga basag din ng bote sa sala. Kaya naisipan kong linisin yun pansamantala. Maraming nabuong masaya moments sa bahay na yun. At iniisip ko nang kalinutan yun na parang naglahong bula. Nagising si papa nung paalis na ako.

Niyakap ako ni papa, ito ang unang yakap niya sakin simula nung grade six ako. At hindi ako nakayakap ng pabalik sa kanya. Tatay ko parin siya bahagi ako ng lamang loob niya at utang ko ang buhay ko sa kanya. Pero, masakit parin eh, nandito parin sa puso ko yun sakit naginawa niya kay mama. Na hindi na ako ang bunsong anak niya dahil may ibang anak na siya.

"hindi ko sinasadya anak, bumalik na kayo." yun ang sabi ni papa.

Kung hindi mo sinasadya dapat hindi ganito. Hindi sana nangyari ito.

"uuwi na po ako, kaylangan ako ni mama." yun lang ang nasabi ko sa kanya.

Dakilang PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon