^CHAPTER 25^

31.7K 361 24
                                    

Masayang natapos ang kasal nila Eugene at Jen. Sa isang esklusibong resort nila napiling idaos ang kanilang kasal.

Imbitado sa kanilang kasal ang malalapit na kaibigan. Andoon sila Marah, Nick, Al at Shiela.

Naging reunion na din ang kasalang Jen at Eugene.

Sa pagkakataong iyon si Jen na ang pinakamagandang babae sa paningin ng lahat. At walang oras na hindi nawala sa pagkakatitig so Eugene sa kanyang mukha na animo'y anumang oras mawawala sa kanyang paningin.

At masayang masaya ang mag-asawa na natapos ang kanilang kasal at makasama na ang isa't isa mula ngayong araw na ito hanggang sa dulo ng walang hanggan......

Mr. CEOHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin