^CHAPTER1^

62.3K 821 22
                                    

Isa sya sa pinakamayaman sa lugar nmin. Ang pamilya nya ay mula sa Amerika na nagtayo ng sariling negosyo sa lugar nmin. Nagiisa lang sya na anak nila Don Leonardo at Donya Patricia Agustin.Si Eugene ang pinakagwapong lalaking nakilala ko. Si Eugene ay matangkad sa edad na bente. Matipuno ang pangangatawan dahil alaga sya sa ehersisyo araw araw. Matangos ang ilong nya at mapungay ang kanyang mga mata na animo nangungusap ang mga mata. Lahat ng babae sa lugar namin,nangangarap na makita sya at makasama.

Kagagaling ko lang sa palengke para bumili ng mailuluto sa bahay. Habang nasa kanto ako malapit sa bahay, "Jen, kailan mo ba ko sasagutin?"pangungulit ni Nick. Si Nick ang isa sa masugid kong manliligaw. Highschool pa lang ako nanliligaw na si Nick sa akin. Mabait naman si Nick pero kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Gwapo nman sya at marami ding nagkakagustong babae sa kanya. kung bakit kasi hindi na lang nya ligawan ung si Marah. Cheerleader si Marah na patay na patay kay Nick.

"Hay naku Nick, kay Marah mo na lang ituon ang pagtingin mo, me mahal na kong iba".

"Lam mo naman sau ko lang itutuon ang puso ko" sabi ni Nick.

Inihatid ni Nick si Jen hanggang makarating sa bahay nila si Jen.



«««comment muna po kung ok ang story »»»

Mr. CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon