MMG chapter six :3

606 26 23
                                    

Ito na po ang chapter 6 --- hehehehehehehe simple lang ;)  pero sana po magustuhan niyo pa rin

*** Danica’s POV***

Nakaupo ako at kinakausap ko si Pochi

“Pochi ! Paano ba naman kita bubuhayin ang mamahal ng mga kinakain mo. Ni hindi pa ako nakakahanap ng trabaho kaya pasensiya kana hindi pa kita mabibilhan ng chocolate na imported kaya tiis tiis kalang muna sa choco choco tag piso lang kasi yan eh.”

 Kahit gusto ko siya ibalik mukhang Malabo baka hindi ko na makita yung guy na yon sa park.

“Pochi gusto mo mamasyal tayo kahit lakad lakad lang para naman hindi ka mabored sa maliit na kwarto na to”

Nang makaligo na ako at nang mapaliguhan ko na rin si Pochi umalis na kami sa boarding house. Itinali ko si Pochi mahirap kasi baka makawala. Hindi na ako nagbike this time naglakad lakad nalang para naman lumakas lakas ang buto ko sa paa. Mukha kasing lampa joke heheh -___-

“Pochi Alam mo ilang years na rin ako sa lugar na to. Namimiss ko na nga si Auntie Ang. Kailangan ko kasi makapagtapos ng pag-aaral kaya ako naririto at nang sa ganon magkaroon ako ng magandang trabaho. At para na rin mapagamot ko ang mabait kong Auntie na nag-alaga sa akin simula ng mawalan ako ng mga magulang.”

 Napahinto kami ni Pochi sa paglalakad ng tahol siya ng tahol

“Bakit Pochi ?” nang tumingin ako sa tinatahulan niya nakita ko ang isang babae na nakikipag-agawan ng bag sa isang lalaki na mukhang MAGNANAKAW!

“Pochi natatakot akong tumulong… Tara uwi na tayo…” Patalikod na sana ako nang biglang nakatakbo papalayo sa akin si Pochi

 “Ang tanga ko naman bakit ko nabitawan ang tali niya?” Nakita ko na hinahabol niya yung magnanakaw. Look Nica... Look of what you've done!!! Bakit ba kasi naduwag ako losser Nica NIca !!!

-___- nadaig ka pa ng mas innocent mong aso.

“Pochi !!! Pochi wait !!!  ” Tumakbo na rin ako para habulin si POchi nakasabay ko sa pagtakbo a ang may-ari ng bag na kinuha ng magnanakaw.

“Bag ko !!!” Sabi nung babae habang umiiyak. Natanaw ko sa hindi kalayuan na nahabol na ni Pochi ang magnanakaw kaya ngayon agawan factor ulit ng bag

“Pochi kaya mo yan !!!” papalapit na kami sa kanila nang makuha na ni Pochi ang bag nung babae pero mukhang kumuha ng d gaanong kalakihan na bato ang magnanakaw para ibato kay POchi.

Nagmadali akong kinuha ang sandal nung babae na may-ari ng bag

“Pahiram muna po saglit ” Pagkakuha ko ng sandal niya hindi ako nagdalawang isip na ibato ito sa magnanakaw buti nalang natamaan ang nuo niya

“Aray!” pagkasabi niya yan nabitawan niya naman ang bato na hawak niya na tumama sa paa niya.

“Aray .. Ara…… ARay!!!…..” Patalon talon siya habang nakahawak ang 2 niyang kamay sa isang paa niya.

 Lumapit si Pochi sa babae upang ibigay ang bag nito at ako naman ay nilapitan ang magnanakaw hindi para makipagsuntukan baka mapatay niya pa ako lumapit ako sa kanya para kunin yung sandal na itinapon ko na pagmamay-ari ng babae na ninakawan niya.

My Mischievous Girl !$# (M!nSuL;)Where stories live. Discover now