MMG chapter five

668 30 13
                                    

***Danica’s POV***

Napakaliwanag ng paligid tila nasa heaven na ako pero paano ako mapapadpad dun e hindi pa nga ako namamatay at haler ayoko ko pang mamatay hindi ko pa nakikita si Mr. Right ko at pangarap ko pang maging mayaman ng makatulong ako sa kapwa ko para Hayahay!!!

Nang biglang may nakita akong lalaki sa harapan ko na may bitbit na manok

“Huh? San Pedro is that you??? ”

“Who else do you think I am ?” napakamot ako sa ulo T_____T

“Sino nga ba ?  Ikaw po ba yung bestfriend ng papa ko na mahilig magsabong?!”

“Ewan ko sayo”

 “Ang suplado niyo naman po … Daig niyo pa po ang lolang dinudugo pa ”

“Anong sabi mo?”

“Ho?! wala po ?! ”  Palapit siya ng palapit sa akin pero mas inilalapit niya ang panget niyang manok sa akin

 “Chicken monster ?!!!” Paano ba naman kasi yung manok niya may ngipin na pang vampire. Kung makangiti akala kagwapuhan e super nakakatakot naman…

 “Wahah… Ilayo niyo po sa akin yan !!!!! Tae, kalabaw , sisiw , manok!!! ”

KOkKoroKokkk!!!! KOkkOrokOk!!!

“huh… ang ingay …”  bumangon ako sa kama ko. Ipinipikit pikit  ko ang mga mata ko sabay punas ng muta.

 “Panaginip lang pala..  Kung hindi ako binabangungot ng nakaraan nananaginip naman ako ng mga walang kwentang panaginip. Bakit hindi nalang ang prince charming ko ang mapanaginipan ko ? Nakakaloka lang. Worst dream ever parang ayoko na tuloy kumain ng manok."

Na iimagine ko lang na may baliw na manok na nakakuha ng chance para mapunta sa tiyan natatae lang ako.

"Ano nga bang dapat gawin ko sa araw na ito? ”  Tumayo ako ng mabuksan ko ang bintana. Pagbukas ko nagulat ako dahil may cup ng milk.

 “Huh?” hinawakan ko yun

 “Paano naman maliligaw ang isang katulad na ganito sa bintana ko? Galing ba to kay San Pedro?Baka nakonsensiya dahil ang panget ng role niya sa panaginip ko. Ay ewan.. Kung Sino man po ang may-ari nito akin nalang po. SALAMAT...!!!. Wala na pong bawian. ”

Binuksan ko sabay inum.

 “Matalino ang taong nagbigay nito alam niya atang hindi pa ako nagaalmusal.” Biglang may kumatok

“Huh…Ang aga aga nang iistorbo” naglakad ako papalapit sa pinto. Nang buksan ko ito

“Sino yan” Nagulat ako dahil si Matt pala ang kumatok

“Anong problema mo” Mukhang aalis siya. Ang aga aga maglalakwatsa. Siguro may nunal to sa paa hehhe ^___^ kapag may nunal daw kasi sa paa ang ibig sabihin ay lakwatsera e

“Tawag ka ni Auntie bumaba kana daw”

“Ganun ba o sige … Magpapalit lang ako”  isasara ko na sana ang pinto nang ilagay ni Matt ang kamay sa pinto at nagsabi ng ganito

“Wait lang ”

“Huh? Bakit? May proble~~~? ”  He didn’t let me to continue what I am saying

“May gatas ka pa sa labi.” Tinanggal niya ang gatas sa may tabi ng labi ko sa pamamagitan ng thumb niya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya tuloy napatulala ako

“Anong nangyari sayo?”

“Ha? Ha? Wala wala…” isinara ko na yung pinto. Shi-nishake ko yung ulo ko

My Mischievous Girl !$# (M!nSuL;)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin