Walkers Twentyseven

2.4K 80 2
                                    

ALIYAH'S POV

"DUUUUUUKE!" Yinakap ko si Patrisha 

Narinig ko yung putok ng baril, hinintay ko na lang ang pagtama sakin nung bala, pero wala akong naramdaman. Lumingon ako sakaniya, nakatungo lang siya.

"Sorry" sabi ni Duke, then umalis siya

"Omygod." sabi ni Patrisha, naiyak parin siya hanggang ngayon. Tinignan ko lahat ng kasama ko puro nakatulala lang sila.

"T-thanks God." Sambit ni Yvette sabay yakap samin ni Patrisha

---

Pagkatapos ng nangyare kanina, nalimutan nila yung tungkol sakin. Tahimik akong nakaupo sa couch, si Vhon ang nagdadrive ngayon. Walang nagsasalita samin tahimik lang kami. Ang daming nangyare ngayong araw. Parang gusto ko ng sumuko pero ayaw ko. Gusto ko pa malaman kung ano bang meron sakin. Nakaka kaba, wala namang kaming kamag anak na scientist so paano ako naging ganun? Nakakapagtaka talaga. Sumasakit nanaman ulo ko kakaisip. Hays

"Vhon saglit lang." Sabi ko, tinigil niya yung bus kaya lumabas na ako.

"Teka huy!" Sabi ng iba pero hindi ko sila pinakinggan. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa medyo makalayo ako. Village na pala tong napuntahan namin, puro bahay. Nakarating ako sa park kaya umupo ako sa bench. 

May mga walkers dito pero dedma lang ako sakanila. Umiyak ako don. Iyak lang ako ng iyak. Feel ko hindi ako tao, feel ko hindi ako normal, feel ko isa ako sa mga walkers na sinasabi ni Aljon. Nakakatakot, nakakakaba, nakakalito, nakakapagtaka. Hindi ko alam. Natatakot ako baka mamaya maging isa ako sa mga walkers. Ayoko mangyari yon. Ayoko! 

"Hey" May tumabi sakin babae siya. Tumayo ako at tintutukan siya ng baril. Hindi familiar ang mukha niya. At hindi din siya ginagalaw ng walkers.

"S-sino ka?!" Tanong ko agad, pero di niya ako sinagot tumayo lang siya at ngumiti sakin. May tumakip ng ilong at bibig ko. At nawalan ako ng malay.

---

"PAKAWALAN NIYO KAMI!" Nagising ako sa sigaw ni Patrisha, nakita kong lahat ng kasama ko nakatali ang kamay at paa sa isang upuan, naka blindfold sila. Nakaharap sila sakin tas may tatlong babae sa ginta namin nakatalikod sila sakin. 

"At bakit namin gagawin yun?" Sabi nung babaeng may dalang M16

"Ano kami tanga? Kikidnapin namin kayo tas pakakawalan lang namin kayo? Non sense din tong ginawa namin kung ganun lang rin naman." Sabi nung babaeng nasa gitna na nakabraid ang buhok.

"Rarf! Rarf!" Tahol ni Fido, shit pati si Fido naka tali sa isang tabi.

"Were not stupid! Unlike you!" Sabi nung babaeng nasa right nung nakabraid na mukang maarte.

"ANO BANG KAYLANGAN NIYO SAMIN AH?!" Sigaw ni Ethan.

"Sainyo wala! Pero sa babaeng nasa likod namin, meron." Nabuhayan naman ako nun nung binanggit nila ako. Paano kong nalaman na ako yun? Eh ako lang naman ang nasa likod nila eh. 

"Anong kaylangan niyo sakin?!" Sigaw ko, tumgin sila lahat sakin.

"Ow gising ka na pala Aliyah." Nagulat ako, paano nila nalaman ang pangalan ko?

"Ano bang kaylangan niyo sakin? At ba't kaylangan niyo pang isama ang mga kaibigan ko?" Tanong ko sakanila, nilapitan ko yung mga kasama ko at tatanggalin sana yung mga nakatali sakanila pero natigilan ako.

"Titigilan mo yang gagawin mo o babarilin namin yan isa isa" nakarinig ako ng kasa ng baril. Tumayo ako ng ayos at hinarap sila.

"Dito ka sa likod namin." utos sakin nung nasa gitna. Sinunod ko na lang yun baka masaktan mga kaibigan ko mahirap na.

"Bantayan sila."  Sabi nung nasa gitna sa taong nasa pintuan... no scratch that. Sabi niya sa WALKER na nasa pintuan. Oo  walker, dalawang walkers na tila parang sundalong nagbabantay. 

ungol ang bilang sagot nila sa babae. Binuksan nila yung pinto lumabas na yung tatlo pero tumigil sila.

"Aliyah sasama ka samin." Tumingin muna ako sa mga kasama ko saka sumunod sakanila.

 "Mag iingat kayo" sabi ko sakanila at sumunod sa tatlong babaeng kumuha samin.

Dinala nila ako sa isang kwarto na sobrang gara. Ang ganda ang linis. Namimiss ko tuloy yung mga panahong wala pang ganto. Yung wala kang ibang gagawin kundi magtrabaho, matulog, gumala kasama ng mga kaibigan mo. Nakakamiss, kaso di na maibabalik yun. Wala e, eto na ang nangyare sa mundo e. 

"Aliyah tubig oh." Sabi nung babaeng may M16, kinuha ko yon "Btw, I'm Lara." Sabay abot ng kamay niya, inabot ko naman yun.

"Shane." Sabi nung Maarteng babae kanina

"Alice." sabi nung nakabraid.

"Ba't niyo ko kilala? Ano bang kaylangan niyo sakin? Bakit.." Hindi ko maituloy ang itatanong ko kase madami akong gusto itanong hindi ko alam kung ano uunahin ko.

"Masasagot din yang mga katanungan mo, maghintay ka lang"

The Walkers (COMPLETED)Where stories live. Discover now