Walkers Thirty

1.9K 72 0
                                    

PATRISHA'S POV

Habang naglalakad kami sa hallway di mapigilan ni Aira ang pag ubo niya ng malakas. Kaya may nakakarinig na walkers sakaniya at sinusundan kami. Pinapatay naman agad ito nila Vhon gamit ng armas nilang hindi nakakagawa ng ingay.

May nakitang kwarto sina Vhon na maayos ayos. Pumasok kaming lahat don at sinubukang pagalingin si Aira. Pero di namin nasolusyonan, naging isa na din siyang walker.

Lahat kami, hinang hina sa nangyari ngayon. Sa loob ng isang araw tatlo ang namatay samin.. Nakakapang hina diba? Kapag talaga nawawala si Aliyah samin, laging may nawawala. Paano ba kasi nagagawa ni Aliyah na protektahan tong grupong to..

"Guys kaylangan na natin makalabas sa lugar na to." Sabi ko sakanila.

"Yun naman talaga gagawin natin e." Sabi ni Yvette.

"Kaso paano natin magagawa yun kung di naman natin saulo tong lugar na to." Singit ni Tristan.

"Nasan yung laptop na dala ni Aljon kanina? May nakapagdala ba?" Tanong ko sakanila. Baka kasi pwede naming magamit.

"Ako." Sabi ni Jonah habang palapit sakin hawak ang laptop ni Aljon.

"Akin na yan. Medyo may alam ako sa mga gamit ni Aljon e." Sabi ni Coleen.

Habang kinakalikot ni Coleen ang laptop ni Aljon, nagpplano ang iba kung paano kakalabanin ang mga walkers. Yung iba nililinis ang armas nila. Napatahimik kami lahat nang makarinig kami ng footsteps. Hindi siya walkers, may takong e.

"Bitawan niyo ko! Nasasaktan ako!" Rinig namin mula sa labas. Boses yun ni Aliyah. Nagkatinginan kami ni Tristan. Tumakbo kaming dalawa sa pinto. Pinigilan kami ng mga kasamahan namin pero di namin sila pinakinggan.

"ALIYAH DAPA!!" Sigaw ni Tristan at pinaputakan ang mga kasama ni Aliyah. Ganun din ginawa ko.

Habang nagbabarilan kami, sumigaw si Tristan. Tumingin ako sakaniya at kita ko may tama siya ng bala. Agad tumigil ang barilan. Lumapit yung isang babaeng nakabraid samin at hinigit si Tristan.

"Wag!" Sigaw ko.

"Isama yang babaeng yan" sigaw nung babaeng medyo may katandaan na. Nang tignan ko siya ng maigi, mamumukhaan ko siya.
"Teka! Tita Denisse?! As in yun kabit ng dad ni Aliyah?!" Takang taka kong tanong.

"DALHIN YAN SA KWARTO KO!" sigaw ni tita Denisse, More like tita bitch.

Hinigit ako ng mga walkers na kasama nila, pero bago nila ako mahigit, sabi ko sa mga kasama ko na nasa kwarto parin na tumakas sila nang walang boses.

YVETTE'S POV

Badtrip naman, nagpahuli pa yung dalawang tangang yun. Paano na kami?! Sinong tatayong leader dito. Hay. Kung hindi lang kasi lumabas yung dalawa. Sila pa nagsabi na babalikan namin si Aliyah dito tas sila tong nagpahuli. Wala nang mas tatanga sakanila e.

"So guys paano na? Anong plano?" Tanong samin ni Vhon.

"Hindi na tayo makakalabas dito, panigurado hihigpitan na nila ang security nila." Sabi ni Ethan. Hay nakakatanga

"Guys meron na akong mapa ng building na to." Sabi ni Coleen. Agad kaming nagsilapitan sakaniya at tinignan yung laptop ni Aljon.

"So ganto, hindi natin alam kung makakalabas pa tayo dito. Uhm.. May mga armas pa ba kayo?" Tanong ko sakanila.

"Paubos na bala ko" sabi ni Donald.

"Wala na akong arrows." Sabi ni Trisha, hay ako din pala wala na..

"Yung iba?" Tanong ko ulit.

"Meron pa ako." Sabi ni Vhon, ganun din si Alex, Ethan at Duke.

"Good." Sabi ko.

"Guys naka access ako sa cctv cam nila." Pagkasabi ni Coleen non, tumahol si Fido at nakatingin sa sulok ng room sa may kisame. Nakita naming may cctv. "Shit" tumayo si Coleen at sinaksak ang cctv gamit ang samurai niya.

Pinag aralan namin ang lugar na to at nagsimulang magplano.

PATRISHA'S POV

Habang naglalakad kami sa hallway tinanong kami ni tita bitch, "nasaan na yung iba niyong kasama?" Hindi ko alam ang isasagot kasi hindi kami makapag usap ni Tristan kasi mas nauuna siya sakin.

"Hindi ko alam."
"Sa lugar kung saan di niyo alam." Sabay naming sagot ni Tristan, pucha.

Tinutukan kami ng baril nung nung dalawang babae na nakasunod kay tita bitch.

Pero hindi ako makapaniwala na nakikita ko uli si Aliyah, nauuna siya kay Tristan. Nakahinga ako ng medyo maluwag nung nakita kong okay parin si Aliyah ngayon, akala ko kasi inaalipusta na siya. Gusto ko siyang kausapin kaso masyado siyang malayo sakin.

"Dalhin yang dalawang yan sa kwarto ko, at si ilagay si Aliyah kung saan siya nararapat." Sabi ni Denisse.

Sinunod agad yun ng mga Walkers na nakahawak samin ng mahigpit, kasama namin si Denisse. Habang si Aliyah kasama nung babaeng mukha maarte at nung may dala ng M16.
--
"Ikadena yan!" Sigaw ni bitchy Denisse.

Hindi ko mapigilan sumama ang tingin sakaniya, dahil sa ginawa niya kay Aliyah at sa mga kasamahan ko.

"Bakit mo ba ginagawa to samin?! Wala naman kaming maling nagawa sayo ah?!" Sigaw ko sakaniya. Inawat ako ni Tristan pero di ako nagpatinag.

"Kayo wala, pero si Aliyah meron!" Sigaw niya at sabay sampal sakin nang pagkalakas.

"Anong si Aliyah?! Ang kapal din ng pagmumukha niyo, kayo na nga kumabit sa may asawa, ikaw pa may ganang magalit ng ganyan?!" Sagot ko sakaniya ng pasigaw din.

"WALA KANG PAKE AT WALA KA DING ALAM! LAGYAN NG TAPE ANG BIBIG NA YAN!" Galit na sigaw ni Denisse, nilagyan ako ng duct tape ng Walkers. Fuck.

ALIYAH'S POV

Inihagis ako ng ni Shane at Lara sa kwarto nila at kinadena.

"Oh napano yan?" Tanong ni Alice.

"Eh matigas ang ulo e, napaginitan tuloy ni Denisse" sagot ni Lara.

Napa tsk na lang si Alice sa sagot ni Lara. Tumahimik na lang ako at walang gana magsalita.

Nakita ko si Patrisha at Tristan.. Yung iba kaya nasaan? Kumpleto pa ba kami? Or may mga nawala na? Gusto ko nang makatakas dito. Gusto ko nang matapos itong gulo na to. Kaylangan ko malaman kung ano yung tunay na dahilan ni Denisse kung bakit interesado siya sa dugo ko..

"Alice, dalhin mo ko kay Denisse."
~
Hi to my beloved readers. Pasensya na ngayon na lang muli nakapag update after 2 years ata. Sorry ng sobra. Bigla kong namiss mag sulat so eto, tinuloy ko to. Actually nalimutan ko na plot nito, pero i'm trying my best para maalala yung plot or much better, baguhin ko siya pero mas maganda na. Medyo nahirapan din ako sa pag update kasi matagal na nga akong di nakakapagupdate. Balak ko talaga dapat nu'ng summer but then nahirapan nga ako so yun. Sorry din dahil maikli lang update ko sa tagal ng panahon ganyan lang nagawa ko. Sorry talaga. So from now on, kung makakaya ng oras ko mag update, maguupdate ako for you guys. Sorry talaga. I hope you understand 😔 I Love you !!! Xoxo ☺️😘💕

The Walkers (COMPLETED)Where stories live. Discover now