[Claire's]
Nakarating kami sa school nagsisimula na ang Modern Dance Competition.
"Hala, nagsisimula na" Jana.
"Hoy!" nagulat ako ng may biglang tumalon sa gilid ko. Si Sheena.
"Woy, hahaha" sabi ko
"Ngayon lang kayo?"
"Oo, anong department na ba 'tong sumasayaw?"
"CBEA na 'yan. Tignan mo si Sir" sabay turo sa stage. Tinignan ko naman "Todo cheer sa mga anak niya! Hahaha"
Nakita ko nga 'yung professor namin sa MK at MG subjects. Naka jersey siya at nakatayo habang nag papaypay. Bading kasi siya. Pero, magaling siya magturo! Hehe.
"Sumayaw na ang CHM?" Jana. CHM is 'yung department namin. College of Hospitality Management.
"Hindi pa. Kakaumpisa pa nga lang eh" Sheena
"Pang-ilan ba ang CHM?" Cristine
"Ewan ko! Ako ba ang MC?" mainis inis na sabi ni Sheena. Eto talagang babaeng 'to laging beastmode. Laging galit, juice ko!
"Easy, easy. Hahaha!"
--
Pagkatapos ng CBEA, CAMS ang sumunod then Liberal Arts, tapos CHM na. Habang sumasayaw sila todo cheer kaming apat.
"Woooh! Ang galing mo Ma'am Rose" Jana. May kasama kasing mga professors ang mga students na mag perform. Hahaha.
"Go CHM! Wooh"
--
Pagkatapos ng Modern Dance Competition umalis na kami sa Gym at nag gala-gala.
"Nasa'n ang booth natin?" tanong ko
"Ewan ko. Tanong mo kay Jana" Cristine
"Bakit sa'kin?" Jana
"Eh di'ba si Nico ang nag ha-handle ng booth natin?" Cristine
"Tapos?" ako
"Baka alam niya lang, haha!" Cristine.
Huuu!
"Tara na nga, hanapin na nga lang natin" sabi ko at nauna na.
Halos nilibot na namin ang University kakahanap sa booth namin.
"Wala pa ata tayong booth eh! Bukas pa mag bubukas" sabi ko sabay upo at nagpaypay. Ang inet kaya!
"Hay nako, anong oras na ba?" Cristine
"11:45" "12:01" sabay na sabi namin ni Jana.
"Ano ba talaga?" Cristine
"11:45 talaga ang oras ngayon. Huwag kang maniwala kay Jana, fake ang relo niyan kaya ganyan ang oras, napaka advanced!"
"Grabe ka naman sa fake! Original kaya to. Pwede namang i-adjust nalang ang oras, di'ba?!" sabi niya at inayos ang oras.
"Hahaha. Hindi ka naman mabiro!" sabi ko sabay palo sa kanya
"Hindi kasi ako nakikipag biruan!"
Nagkatinginan kaming dalawa. At maya-maya napatawa nalang kami.
"Hahahaha!"
"Hahahaha!"
"Ay? Baliw?" Cristine
--
"May laban daw ang CHM Basketball mamayang 6" Cristine
"Ang tagal naman. 3 o'clock palang oh!" sabi ko at humila ng upuan kahit saan. At sabi ko nga, magpaalam muna bago mang hila ng upuan. Hoho
"Aray! Ano ba naman 'yan!" sabi ni kuya na naka upo sa sahig.
"Hehe. Sorry!" binigay ko na sa kanya ang upuan niya at tumakbo. Ramdam ko namang hinabol ako nina Jana at Cristine.
"Loko ka talaga, Claire! Kawawa 'yung lalaki! Hahaha" Jana
"Huwag kasi manguha ng hindi nagpapa alam! Haha" Cristine
"Sa panahon ngayon, kapag hindi mo binantayan ng maigi ang pag mamay ari mo, malingat kalang saglit wala na iyon" Jana. Aba humuhugot ah. Mabanatan nga!
"Kaya kung ako sa'yo, huwag masyadong magtiwala. Lalo na sa mga mukhang hindi talaga katiwa-tiwala" sabi ko
"So, huwag tayo magtiwala kay Cristine" Jana. Tinignan namin siya.
"Putaena niyo" Cristine. Opo, nagmumura siya. Huhu
"Joke lang! Haha. Pero kawawa talaga si Kuya. Ang lakas ng impact nang pagka bagsak niya! Hahaha" Jana. Tawa 'to ng tawa
"Eh di sana tinulungan mo"
"Hahahahaha"
--
6:30PM at Gym,
"Anong oras na't hindi pa nagsisimula ang laro!" reklamo ko
"Napaka reklamador talaga kahit kaylan!" Cristine
"Nakakainis kaya! Kanina pa tayong umaga nandito!"
"Wushuu!"
"Ayan na ayan na! Huwag na kayong magrekamo dyan" Jana
"Si Claire lang ang nag rereklamo!"
Naka upo kami ngayon sa bleachers at nasa taas kami. Samantalang yung mga kaklase ko nasa ibaba namin. Yung iba may dala pang banner para sa todong suporta.
"Claire, di'ba si Harold yun?"
Napatingin ako sa tinuturo ni Jana at oo nga! Siya 'yun!
Si Harold! Asdfghjkl!
"Kinikilig na naman ang bruha! Mag cheer ka oh!" Jana
"Hehe. Go CHM! I love you!" nagulat ang lahat sa pagsigaw ko kaya napatingin sila sakin. Actually pati ako nagulat sa sinabi ko!
Wadapak, Claire?!
"Hoy! Nakakahiya ka!" Cristine
"Ah… ah. Go go CHM!" pag sesegway ko sabay palakpak
Natawa ang mga kaklase ko sa ginawa ko kaya nag focus nalang ako sa basketball.
Nakakahiya!
Tinignan ko si Harold na katabi si Erika.
So near, yet so far.
I sighed.

YOU ARE READING
I Crush You
Short StoryCRUSH || COMPLETED All Rights Reserved © 2016 PinkaholicMinamiChan' Storyline❤