[Claire's]
Habang papunta ako sa booth namin—dahil nandoon na sina Cristine at Jana—may napansin akong takbuhang nagaganap.
"Teka lang ate!" sigaw ng lalaki habang hinahabol ang babae.
Napatingin ako sa pinaglabasan ni Kuya-ng humahabol.
Hala. Jail booth!
Maya-maya may nag salita galing sa speakers.
"Good Morning, students. Ang huhulihin ngayon ay ang mga estudyanteng walang suot na school ID. Kaya't magtago na hangga't maaga pa"
Patay.
Nakita 'kong may papalapit sa'king lalaki. Patay, wala akong ID! Nakalimutan ko sa bahay!
Nginitian ko siya at tumakbo palayo.
"Teka!"
Takbo pa rin ako ng takbo. Ayoko pang makulong!
"Teka, ate! Ate-ng naka kulay pink na damit!"
Ako 'yun. Ako 'yun! Shocks, bakit kasi ako pa 'yung na tyempuhan ng mga nanghuhuli, eh! Tsk.
Habang tumatakbo ako, hindi ako agad nakahinto na may lumikong lalaki pagkatapos niyang bumili ng gulaman. So, ang nangyari…
"Ah!"
"Aray!"
Tumapon ang hawak niyang gulaman sa damit ko at sa paa niya.
Nice, claire. Nice!
"S-sorry po!"
"Claire?"
"Huli ka!"
Napalingon ako sa humawak sa braso ko.
"Hiningal ako 'dun, ah" sabi niya, "Nasa'n nga pala ang ID mo?"
"Ah, eh…"
"Huhulihin ka?" napatingin ako sa nagsalita.
"Kuya Renz" so, siya pala ang nabangga ko.
"Ate, tinatanong kita" napalingon ako kay kuya-ng nanghuhuli. Hinatak ko pabalik ang braso ko para mabitawan niya.
"Nakalimutan ko eh"
Kinuha niya ulit ang braso ko. Maya-maya may kinuha siya sa bulsa niya, "Posas?!"
"Bakit ka may posas?!" tanong ko
"Para hulihin ka"
Wow ha! Fi-neel nila ang pang huhuli, ah. Grabe, buti pinayagan silang magdala ng ganito sa school!
"Oy, huwag mong ikakabit sa'kin 'yan!"
"Hindi pwede. Kaylangan mong makulong"
"Pero wala akong kasalanan!"
Akmang ilalagay na sana niya ang posas sa aking pulso ng nagsalita si Kuya Renz.
"Magkano ba ang pyansa niya?" napalingon ako dito. Wow ah. Talagang pyansa ang term?! Tsk.
"20 pesos lang"
"Ano?! Ang mahal naman!" reklamo ko
"Anong mahal 'dun? Mura na nga 'yun, eh"
"Nangungurakot lang kayo, eh! Mga wala kayong awa sa mga estudyanteng walang pera!"
"Claire" napatingin ako kay kuya Renz ng tawagin niya 'ko, "Eh Kuya Renz, mga nangongotong lang 'tong mga 'to, eh!"
Hindi ako pinansin ni Kuya Renz. Nilabas niya ang wallet niya at naglabas ng 20 pesos. Binigay ito 'dun sa nanghuhuli sa akin.
"Ayan, pakawalan mo na siya" tinanggap niya naman at umalis na.
"Huwag na huwag kang magpapakita sa'kin kapag natapos 'tong Intrams. Naku, mga mangongotong!" sigaw ko. Kainis!
"Tama na, Claire"
"Ay, salamat kuya Renz, ah. Yaan mo, babayaran kita—"
"Renz!" napatigil ako dahil sa pamilyar na boses. Lumingon si Kuya Renz, tinignan ko rin 'yung taong tumawag kay Kuya Renz.
"Ang tagal mo naman bumili"
"Teka lang, Harold"
Nung binanggit ni Kuya Renz ang pangalan niya, feeling ko natigil ako sa paghinga. Shocks!
"Oh sige na, Claire. Mauna na ko. Bye" paalam ni Kuya Renz at pumunta sa lugar ni Harold.
Pagkaalis nila, "OMG!!"
--
"Tara, nuod tayo ng badminton. I-cheer natin si Yumi" Cristine
"Sa old gym ba?" Jana
"Yeah"
"Tara"
Pumunta na nga kami sa old gym para suportahan ang kaklase naming si Yumi. Pagkarating namin 'dun, nagsisimula na ang laro.
"Go Yumi!" sigaw ko kaya naka agaw ako ng atensyon ng iba.
"Go Yumi!" sigaw nina Jana at Cristine
'Yung boyfriend ni Yumi may dala pang torotot pampa-ingay. Haha! Si Erika todo palo naman sa bote.
"Go Chm!"
"Ano ng score?" tanong ko kay Erika
"Ewan ko ba. Tanungin mo nga si Kuya'ng is-corer" at nagturo siya. Tinignan ko ang tinuturo niya.
"Claire, tanungin mo daw kay Harold!" sigaw ni Jana
Naknang! Lakas ng boses, oh!
"Hoy, ang ingay mo!" sabi ko kay Jana.
Sheet, siya pala ang scorer dito?! OM.
"Lagi na tayong manuod ng badminton" sabi ko sa kanila
"Yaaah! Ang lantod!"
Minsan lang eh! Hihi

YOU ARE READING
I Crush You
Short StoryCRUSH || COMPLETED All Rights Reserved © 2016 PinkaholicMinamiChan' Storyline❤