How I Met Your Mother (Shinshi Fanfic)

553 8 0
                                    

Description: After a heated argument between the two siblings Roku and Haruhi Kudo, Haruhi starts getting suspicious of why she is so different from her family. Shinichi Kudo thinks it is time to tell her daughter about her mother.

Pls. read!

Note: Alternate universe ito. Sa fanfic na ito, walang Black Organization at walang APTX4869

Chapter 1

Haruhi's POV

"OI! Haruhi! Intay naman diyan!" sigaw ni Roku Kudo, 15 years old at isang estudyante sa Teitan High School.

"Ang hina mo kasing tumakbo. Soccer player ka pa naman." sagot ni Haruhi Kudo, 17 years old at nag-aaral rin sa Teitan High.

"Ikaw naman, kung makasalita ka ay makakasakit. Nagtataka tuloy ako kung bakit kapatid ba kita."

"Ganun din ako!" tumalikod sila sa isa't isa.

Sila ang anak ni Shinichi at Ran Kudo. Si Haruhi ay may reddish-brown na buhok at green eyes. Si Roku naman ay may black hair at blue eyes. Kung magkakalapit silang dalawa ay parang allergic sa isa't isa. Opposite ang kanilang mga personalities. Si Haruhi ay cold at isang loner, habang si Roku ay parang ang batang Shinichi. Hindi lang silang dalawa ang nagtataka kung bakit kapatid sila, pati ang mga kakilala nila. Para kasing adopted si Haruhi, yun ang dahilan kung bakit isa siyang loner.

Nag-aaway silang dalwa hanggang nakaabot sila ng bahay. Napatingin ang mga magulang nila sa kanila.

"Oi, mga bata. Anong problema niyo?" tanong ni Shinichi.

"Papa, si Roku o! Sinasabi na naman niya na adopted ako!" sagot ni Haruhi.

"Totoo naman iyun ah! Reddish-brown ang buhok mo habang kami ay may maitim na buhok, ganun rin ang mata mo! Cold ka, loner pa! Naiiba ka sa amin! Hindi ka rin naman magiging ate ko! Hindi ka anak ni mama at papa!" pagkatapos ng huling pangungusap, shocked ang expression ni Haruhi. Naging teary eyed siya at pumunta sa kanyang kuwarto. Ini-lock niya ito.

"Haruhi!" tinawag ni Shinichi ang anak. "Roku! Kakausapin kita mamaya!" pagalit niyang sinabi.

Tumuktok siya sa pintuan. Naririnig niyang umiiyak ang anak. Alam niyang half sa sinabi ni Roku ay totoo.

"Haruhi, buksan mo ang pinto. Alam mo naman na nagsisinungaling lang si Roku diba? Sige na anak, buksan mo na."

Si Ran naman ay ipinapagalitan si Roku.

"Alam mo bang mali ang ginawa mo? Tingnan mo ang nangyari sa ate mo!" 

"Haruhi! Please anak, buksan mo na!" natatakot na si Shinichi. Baka anu-ano na ang nangyari sa kanyang anak. "Alam mo naman na anak kita diba? Anak kita! Pangako, totoo ang sinasabi ko Haruhi."

Naramdaman niya ang kamay ni Ran na nakaupo sa kanyang balikat.

"Shinichi, baka ngayon na ang oras na sabihin mo sa kanya." ani Ran.

"Baka nga,, pero natatakot ako sa kanyang magiging reaksyon. Baka mas magiging loner siya."

________________________________________________________

Meanwhile, si Haruhi ay umiiyak sa kanyang kama. Pabalik-balik ang mga sinabi ni Roku sa kanyang utak.

Naiiba ka sa amin!

Hindi kita magiging ate!

Hindi ka anak ni mama at papa!

Ang pinakahuling pangungusap ang nagpaiyak sa kanya. Halos lahat ng sinabi ni Roku ay totoo. Natatakot siya na baka toto rin iyun.

Lalo siyang umiyak. Umabot ito hanggang naghapunan ang magpamilya. Hindi pa rin lumalabas si Haruhi. Si Shinichi rin, hindi lumalayo sa pinto. Natatakot ang ama na baka mawalay sa kanya ang anak niya.

"Shinichi, kumain ka na. Hapon ka palang nandiyan." sabi ni Ran.

"Hindi ako lalayo sa pintuan hanggang lumabas ang anak ko diyan."

Ilang beses na ikinumbinsi ni Ran si Shinichi na kumain pero hindi lumayo ang asawa niya sa pintuan ni Haruhi, kaya iniwan nalang niya ito.

_____________________________________________________

Sabado ng umaga, 5:00 am, nagising si Haruhi dahil sa kanyang alarm clock. Pinatay niya ito at mapuyat na ibinukas ang pintuan. Nasa isip pa rin niya ang sinabi ni Roku.

Nang ibinukas niya ang pinto, nakita niya ang ama niya na nakahiga sa harapan niya. Nakatulog si Shinichi habang inaantay na lumabas ang anak.

"Tay..." mahinang sinabi ni Haruhi.

Kahit tahimik na sinabi ni Haruhi ang pangalan niya, gising agad si Shinichi at yinakap ang anak. 

"Akala ko kung ano ang nangyari sa iyo." hinigpit niya ang yakap sa anak. "Huwag mo nang gawin iyun Haruhi. Nag-aalala ako sa iyo."

"Opo papa..." mahina pa ring sinabi ni Haruhi.

"Mukhang gutom ka na. May scrambled eggs at hotdog for breakfast." inihatid niya si Haruhi sa dining room.

Nang umabot sila doon ay biglang nakatanggap sila ng isang yakap galing kay Ran.

"Haruhi, huwag mo nang gawin iyun!" 

Ayaw tumingin si Roku sa kapatid. Napahiya siya sa sinabi niya. 

"Roku, hali ka dito." ani ni Shinichi sa anak.

Ayaw sana lumapit si Roku pero biglang itong niyakap ni Haruhi. Lumaki ang mata ni Roku sa sobrang gulat.

"Pinagbigyan na kita Roku. Alam ko naman na hindi mo iyun sinasadya. Baka napasabi mo iyun sa galit." hindi pa rin nakapagsalita si Roku. Alam niyang hindi niya iyun sinabi dahil sa galit.

Tahimik na kumain ng pamilya, lalong-lalo na si Roku. Hiyang-hiya siya sa nangyari kagahapon. Si Shinichi ay todo ang kain, nagutom siya dahil hindi siya kumain ng hapunan kagabi. Si Ran naman ay napatingin sa kanyang mas matandang anak. Si Haruhi ay pakalma kung kumain, as if walng nangyari kagahapon.

Pagkatapos nilang kumain ay pumunta sa Haruhi at Shinichi sa kuwarto ni Haruhi. Kakausapin ni Shinichi sa Haruhi tungkol sa sinabi ni Roku.

Nakupo si Haruhi sa kanyang higaan habang ang ama ay nasa upuan ng desk ni Haruhi. 

"Haruhi, nung sinabi ni Roku na adopted ka, anong naramdaman mo?" tanong ng ama.

"Syempre po, nasaktan ako at nalungkot."

"May iba pa ba? I mean, naramdaman mo ba na tama iyung sinabi niya?" biglang nagulat si Haruhi.

"A-ano po? Naramdaman ko na tama siya? Anong ibig sabihin niyo tay? Nagsasabi po ba kayo na totoo ang sinabi ni Roku?" mukhang nagagalit siya.

"Anak, hindi naman sa ganun. Nagtatanong lang ako."

Tumahimik sila for 2 minutes.

"Opo, naramdaman ko po."

Tumahimik na naman. Nagin nervous si Shinichi. Napansin ito ni Haruhi.

"Tay, may nasabi ba akong mali?"

"Hindi anak, kasi...uh...um... paano ko ba to sasabihin...-

"Tay, totoo ho ba iyong sinabi ni Roku?" 

Huminga ng malalim si Shinichi.

"Oo...Hindi!... um... half of it... Pero hindi ibig sabihin nun na hindi kita anak! A-anak kita, hindi na adopted ka, tunay kitang anak." nakita niya ang gulat na gulat na mukha ng anak. "Kaso lang, hindi si Ran ang ina mo."

"Ano po? Hindi si mama ang ina ko? Kung hindi siya, sino po?" 

"Well... um... ganito kasi yun... Ang inay mo ay isang singer (remember, alternate universe ito). Nagkita kami sa beach."

Wew, cliffhanger! Ang busy-busy ng pag-eskwela ngayon! 5th day pa lang ng school ay pagagawin daw kaming lahat ng dance number. Kami daw lahat ang papasayawin! Mahiyain pa naman ako! Anyway, tnks for reading!

How I Met Your Mother (Shinshi Fanfic)Where stories live. Discover now