Chapter 1: 18 Years Ago

168 4 3
                                    

To all who read the prologue, thank you. This story also contains Kazuhei and KaitoxAoko. So, thank you for reading!  

Note: Shinichi at Heiji are twins.

Relax na relax si Shinichi. Nakahiga siya sa buhangin ng Sunshine Valley Beach (gawa-gawa ko lang iyan) habang nakapikit ang mata, nakikinig sa tunog ng alon ng tubig. Tapos na ang eskwela, pero nagsisimula pa lang ang summer! Gusto ni Shinichi na perpecto ito.

"Oi. Shinichi! Ang ganda ng summer no?" nagising si Shinichi sa kanyang trance nang marinig ang boses ng kakambal niyang si Heiji Kudo.

"Oo nga," pa-annoyed na sabi ni Shinichi, "hanggang sa inisturbo mo ako."

Pero hindi nakikinig si Heiji, nakasuot kasi ito ng headphones. "Kasingganda ito ng bagong kanta ni Shiho Miyano! Alam mo ba na papalabas na ang kanyang pinakaunang movie sa July 31?" Bigla niyang inilagay ang left headphone sa tenga ni Shinichi. Nasa chorus na ang kanta.

But boy, I always find

That you are always on my mind.....

"Teka, sino naman iyan si Shiho Miyano?" tanong ni Shinichi habang itinatanggal ang headphone.

Nawala ang ngiti ni Heiji. "Seryoso ka ba Shin? Hindi mo kilala ang pinaka-sikat na singer sa buong mundo? Kahit isang detalye man lang?!"

"Oo. Kahit ang pinakasikat niyang kanta o chika o whatsoever. Hindi ko siya kilala. Sino ba siya?" itinaas ni Shinichi ang isang eyebrow niya.

"Alam mo Shinichi, minsan hindi ako makapaniwala na kambal kita!" tumingin siya kay Shinichi...dramatically. Emotionless ang mukha ni Shinichi. "Si Shiho Miyano, gaya ng sabi ko, ang pinaka-sikat na singer sa Amerika (fictional po ang story na ito, hindi po totoo ang sinabi ni Heiji-san)! Half-American at Half-Japanese siya, isn't that great? Eighteen pa siya, pero meron na siyang dalawang grammy awards at nakapag-sign na sa contract sa kanyang first movie!" ikinuha niya ang kanyang cellphone at ipinakita kay Shinichi ang picture ng isang babae na kumakanta sa stage.

Tiningnan ni Shinichi ang picture. Familiar nga ang magandang babae, with reddish-brown hair and green eyes.

Tinanggap ni Heiji at Shinichi na magkaiba ang kanilang mga interes, parehas lang sa pagtanggap nilang dalawa na magkamukha sila.

Nineteen years old, buong buhay silang nakatira sa oceanside community ng Sunshine Valley. Parehas sila na may black hair at blue, chinito eyes. Parehas rin silang five foot eight. Noong bata pa sila, minsan ay magsusuot sila na kaparehas ang damit, para sa family photos or para gumawa ng pranks sa kanilang mga kaibigan. Palaging masabi ng mga karelatibo nila na si Heiji ay si Shinichi at vice versa, hanggang sa isa sa kanila ay magsasalita. Pagdating sa personality, no one had any trouble telling which twin was which. Mas seryoso kasi si Shinchi at more mature, habang si Heiji ay mas carefree at palaging sumusunod sa uso.

"Speaking of celebrities, Shin," sabi ni Heiji, "nakapag-isip ka na ba tungkol sa sinabi ko about Tokyo Beach?"

"Sabi ko nga sa iyo, Hei, I'm looking forward to get an internship sa Sunshine Valley News ngayong summer."

"Pero, Shin," sabi ni Heiji na parang nagrereklamo, "diba alam mo na sabi ni Mom at Dad na hindi ako magkukuha ng job sa Tokyo Beach kung ako lang mag-isa! Mamamatay ako kung kailangan kung mag-stay ngayong summer dito!" tiningnan na naman ni Heiji si Shinichi...dramatically, pero walang reaksyon ang kanyang kambal. "Shin, just imagine it," biglang nagbago ang kanyang emosyon, from dramatic to excited. "Parehas tayong makakuha ng trabaho bilang babysitter sa mga mayayaman na pamilya, katabi lang ang beach! Hollywood by the sea-- iyun ang tamang lugar para i-spend ang summer. Lahat ng artista may bahay doon. Baka nga maakita tayo ng mga magagandang babae doon. We'll have the time of our lives! At," ngumingiti na si Heiji, "tayo lang mag-isa, walang magulang o kahit sino."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How I Met Your Mother (Shinshi Fanfic)Where stories live. Discover now