Chapter 52; Frienemies

4.2K 156 10
                                    

AUTHOR'S NOTE: FINALLY AN UPDATE. HAHAHA. SENSYA NA SA LAHAT. SANA MAPATAWAD NYO AKO. HOPE YOU'LL LIKE THIS CHAPTER AND BY THE WAY. A VOTE OF A HUNDRED FOR A NEW UPDATE. :))

JIN POV'

"Dude pasa dito!" sigaw ko kay Travis

Nandito kami ngayon sa gym at halos mga ilang oras na rin kaming nagpra-practice ng game para bukas. Hindi naman sa pagmamayabang pero sa totoo lang hindi naman namin kailangang magensayo pa para lang sa event bukas. Siguro bonding na rin naming lima 'to dahil matagal tagal na rin ng huli kaming nagsama-sama sa iisang court.

Mabilis pa sa pusa kong tinira ang bola at woooshhh. 3 points for Mr. RIVERA. Haha.

Waaaaaahhhhh!!! Ang galing mo Jin!!!

"Nice shot pre angas nun" Natatawang komento ni Hiro. Kasabay kong tumatakbo papunta sa kabilang court.

"Shuuhh. Wala yun dude. Maliit na bagay " sabi ko't pinunasan ang pawis sa noo ko.

Natapos ang practice namin pero ang hiyawan ng mga girls sa'min hindi matapos tapos. Hays. Ewan ko ba, bakit ba pinagsama-sama kaming lima. Si Travis cute daw sabi niya. Ang inlove saming grupo hindi lang maangas malalim pang magmahal, syempre gwapo din. Si Torren yan. Si Hiro naman may pagka-weird pero kung may popormahan yang unggoy na yan walang hi-hindi dyan, kaya lang mukhang tatanda ng binata yan, eh ubusin ba naman ang oras niya sa mga gadgets niya. Tech guru ika nga. Syempre papahuli ba naman ang Goodie boy ng death mark. Syempre hindi, Alexander a.k.a. XANDER. Hindi lang yan mabait at gwapo. Asintado yan sa lahat ng bagay. Ang bise councilor ng Park U. At ang huli ako. Ang pinaka gentleman sa grupo. Pinakagwapo at sige na! Aamin na ako, ako ang pinakahabulin ng nga babae. Chick magnet sabi nila.

Masyado na ba akong naging descriptive? Gusto ko lang namang ipaintindi sa mga readers ni OTOR kung bakit kami habulin ng mga babae. Wala eh galing ni Otor pumili ng characters.

"So guys.. how 'bout some shot of scott ano sa tingin nyo?" Tanong ko sa kanila at pumasok sa cubicle ng shower area.

"Seryoso ka ba dyan Tanda? Hindi mo ba nami-miss si Thalia mo?" Gago talaga tong mokong na'to. Mukhang namimihasa na'tong Travis na ito ah.

"Ulul! Jin Rivera to dude!" sagot ko

"Tsk. Indenial ka lang bro umamin ka na" may balak pa ata akong i-hot seat. Pati si Hiro nang-aalaska.

"Seryoso ba kayo dude?! Kayo nga lang nagpaalala sa'kin about that girl. Sabi ko naman sa inyo I have nothing to hide about that girl" bara ko sa dalawang kumag.

"Just don't forget our dare Tanda. Kung ako sayo sisimulan ko na ang Oplan ThaliaRiverafortheWIN. Mabilis ang isang buwan dude" lumabas akong naka tapis ang twalya sa waist ko at natatawa sa narinig ko mula kay Torren.

"Tangna pare! Ang baduy mo! Anong for the win for the win mong nalalaman? Wag mong sabihing epekto yan ng pagiging inlababo mo?" Sabi kong nagpipigil ng tawa. Torren yan dude. Hindi ko nakitang magiging ganyan yang pusong batong yan. Ibang klase talaga yang cute girl namin.

"Shh.. shut up" kita mo to. Haha. Maikli talaga pasensya ng mokong. Buti nakatagal si Cute girl sa kanya.

"Ano? Tara. Wala naman tayong gagawin ngayong araw" ulit ko sa kanila.

"Ano bang iniisip mo para magyakag maginum sa katirikan ng araw Jin ni hindi pa nga tayo naglu-lunch" Xander said. Kahit kailan may pagka-joy killer ang taong ito e o.

"Besides, I need to catch up with Louie. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita." Torren stated

"O Come on Dude!! Two days lang yun. Don't tell me nareincarnate ka na bro?" Ibang-iba na ang kumag na'to.

WHEN A MAFIA BOSS MEETS STUPID GIRLWhere stories live. Discover now