Chapter 78; Night Changes

2.3K 33 9
                                    


Third Person POV'

Sa huling gabing bukas ang unibersidad sa lahat ng kalahok at imbitado sa hindi malilimutang Park University's Night at anibersaryo ng paaralan ay mistulang may napakahalagang pagtitipon dito.

Bawat taong pumapasok ay may suot na pormal na kasuotan halinsunod sa memorandum ng paaralan para sa espesyal na gabi. Dala nila ang kanikanilang imbitasyon para makapasok sa mahigpit na seguridad nito.

Matikas ang tayo ng mga matatangkad na lalaki na nakasuot ng  itim na pares na uniporme at nakamasid sa lahat ng papasok dito.

Ang gabi ay may temang misteryo at bawat tao sa loob ng paaralan ay may suot na maskara na nakaterno sa mga mamahaling gayak.

Ilang oras na lang ay magsisimula na pinakainaabangang gabi at dito na rin magtatapos ang pagdiriwang ng prestihiyosong araw.

Lahat ay nakakaramdam ng 'excitement' at nagmamadali kung saan nga ba  patutungo.

Ngunit isa isang parte ng campus ay may kumukuha ng atensyon ng mga babaeng madaraanan nito. Halos matulala at hindi maitagong pagkamangha ang nararamdaman ng bawat babaeng mapapatingin sa kanya.

Hindi naman lingid sa binatilyo ang mga matang nakamasid sa kanya. Sanay na siya sa mga ganitong eksena sa tuwing napapaggitnaan siya ng mga tao.

Ngunit habang naglalakad patungo sa kanya destinasyon ay isang pamilyar na amoy ang umagaw ng kanyang atensyon dahilan sa paghinto.

Agad niyang hinanap ang pinanggagalingan ng amoy at ng matukoy ay mabilis nitong pinigilan sa paglayo.

"Sandali lang!" Pigil niya sa lalaking nakatalikod at wariy nabigla sa paghawak nya sa braso nito.

Hindi niya ito mapagsino dahil sa suot ng lalaking maskara.

"Pamilyar ka?" Muli niyang saad na para bang hindi sigurado.

Habang tumatagal ay mas nagiging malinaw ang amoy nito dahilan para mas maging sigurado sa nararamdaman.

Nanatiling walang reaksyon ang lalaki ngunit hindi parin tumigil ito.

"Yung amoy mo.. pamilyar. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong ng lalaki.

"I don't understand. I don't know you, dude, yet you are holding my arm." Sagot ng lalaki at bahagyang tinignan ang kamay nito.

"I'm s-sorry, bro." Nahihiya niyang wika at agad ring bumitaw.

"Sorry, dude, I'm in a hurry. My girlfriend is waiting for me." Akmang tatalikod ito muli nanamang pigilan ng lalaki.

"N-No.. No, bro, saglit lang naman ito. Gusto ko lang malaman ang panga-"
Naputol naman ang lalaki ng biglang may grupo ng babae ang lumapit sa kanya at naguunahan sa harapan niya.

Hi Travis!

May date ka na ba tonight?

Tsk! Kainis ka! Ako ang nauna sa kanya!

Hey! Kanina pa namin siyang sinusundan. Kami ang nauna sa kanya!

So what kung sino ang nauna!? What matter is kung kanino sasama si Travis. Do you really think Travis will choose someone like you?

Aba't.. ang kapal ng mukh..

"S-Sorry, girls pero hindi nyo kailangan magaway. Besides, I have a date already."

WHEN A MAFIA BOSS MEETS STUPID GIRLOnde histórias criam vida. Descubra agora