XII. Wish

2.6K 75 8
                                    

Chapter 12

X

Nakatitig ako sa malamig na bangkay ni Sef sa harap ko. May tumutulong luha sa mata ko pero wala akong maramdamang kahit ano. Siguro ay nasanay na lang ang katawan ko sa sakit kaya kahit kaonti ay wala akong maramdaman. 


Nilapitan ko ang bangkay ni Sef at hinawakan ang kamay niya. "Maraming salamat sa lahat." Halos bulong na saad ko. "Mahal kita. Sana nalaman mo... mahal kita."


"Ate..." Naramdaman ko ang kamay ni Matthew sa balikat ko. Inangat ko ang malamig na kamay ni Sef at dinampian ito ng magaang halik bago tuluyan ng magpaalam sa kanya.


Nagdesisyon ako na i-cremate si Sef and I will keep his ashes. Ayokong isaboy iyon sa dagat. I want him to stay with me.


Umalis na kami ni Matthew sa infirmary at tumuloy sa infirmary; nandon si Jasmine at Night na parehong malungkot na tinignan ako. Ginawaran ko naman sila ng tipid na ngiti kahit halos patay na ako sa loob.


May pinag-uusapan sila Matthew ngunit kahit isa ay wala akong naintidihan; okupado ang isip ko ng mga nangyari sa akin nitong nakaraang buwan. Everything that happened made me doubt if all my decisions are right.


Kung hindi ako pinangunahan ng galit at paghihiganti... buhay pa kaya ngayon si E? Si Marcello? Si Sam? Si Sef? Buhay pa kaya sila?


Kung hindi ako pinangunahan ng galit at paghihiganti... mas magiging masaya kaya ako? Mas magiging maayos ba ang lahat?


Oo.


Iyan ang sagot ko. Mas maayos ang lahat. It's all my fault.


"Ate," lumingon ako lay Jasmine na nakangiti sa akin ngunit agad ding nawala ang ngiti sa labi niya nang makita ang reaksyon ko. "May problema ba? Okay ka lang po?"
Tumango ako at nilingon si Matthew. "Pwede ba akong pumunta ng Pampanga ngayon?"


Pumayag si Matthew sa gusto ko pero sa isang kundisyon. Iyon ay sasama siya. Pumayag ako. At sa huli ay pati si Jasmine at Night ay sumama. Sinabi ni Matthew kay Barbara ang gagawin namin at pumayag naman siya kaagad. Mas makakabuti rin daw sa akin na makaalis muna sa headquarters.

Nakatanaw lang ako buong byahe sa may bintana habang si Jasmine ay masayang nagkukwento ng mga magagandang lugar na pwedeng puntahan sa Pampanga. Matthew and Night seem excited too. Si Night kasi ay ngayon lang magagawang mamasyal, he's never been to places like what Jasmine's talking about. Kahit amusement park ay hindi pa napupuntahan ni Night. Si Matthew naman ay hindi ko alam kung bakit masyadong excited.


"Hindi pa ako nakakapasyal sa Pilipinas," saad niya nang tanungin siya ni Jasmine kung napuntahan na ba niya ang mga binaggit ni Jasmine na lugar.

"Hindi ka pinasyal ni Marcello?" Tanong ko.

Nagkibit siya. "Ayoko rin naman."


Hindi na ako nagtanong pa ulit at sumandal na lang sa kinauupuan ko at mariing pumikit. Pinakinggan ko ang kanta mula sa stereo. Si Jasmine rin ay paminsan minsan na lang nagsasalita, tuwing may tinatanong lang si Night.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedWhere stories live. Discover now