Juno's Decision: The Rise of The Black Hand

4.8K 107 17
                                    

JhasMean: Walang story si Juno pero ang Black Hand ay meron. Story nila Cain, Cato, Demetrius at Tabitha. Sana nagustuhan niyo ito. Thanks!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Juno Samantha Ybañez

"Demetrius, nakita mo na siya?" Tanong ko sa kaibigan ko habang nakaupo ako sa passenger seat ng BMW niya. He's holding a binoculars habang nasa tapat kami ng isang paaralan.

Binaba niya ang binoculars at tumingin sa akin. "Yeah and your sister is so hot!"

Umismid ako. Lahat naman ng babaeng sexy ay hot sa kanya kahit na panget naman ang mukha. "She's a shrimp pero kung gusto mo, makipagsex ka muna sa kanya bago ko sirain ang buhay niya."


I'm talking about my sister Eunice. Anak siya ng demonyo kong ama sa kabit niya noon. Kaya pala kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng ni katiting na amor galing sa kanya dahil kahit kelan ay hindi naman niya ako tinuring na anak.


"If only you just give me some time, I'll seduce her." Ngising aso pa ito. Napairap na lang ako at buntong hininga. Sana pala ay si Cato na lang ang sinama ko dito dahil puro kalokohan lang ang alam nitong si Demetrius.

"I didn't expect you to like her, akala ko kasi mataas ang standards mo." Sarkastikong sagot ko sa kanya. He's a man without standards, lahat papatulan niya basta babae. 

Tumikhim siya at sumersyo bigla ang mukha. "Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa Mama niya, Juno? Tita Xiara will not be happy about this." Inirapan ko siya at inagaw ang binoculars sa kanya para makita ko si Eunice.

"She will not be happy if you tell her about this. So shut your mouth dahil ayokong magalit si Mama sa akin." That's the last thing I wanted to happen. Si Mama Xiara lang ang meron ako. Siya, si Daddy Craig pati ang nakababata kong kapatid na si Sophia. I love them very much and I don't want to disappoint them.


Hindi nila alam na ginagawa ko ang mga bagay na ito. They didn't kept the truth from me. Sinabi nila ang katotohanan kung bakit sila ang kumupkop sa akin nang tumuntong ako ng labim-anim na taong gulang. They told me the truth but I never felt any hatred whem I found out that my Mama Xiara killed my biological father. He's a bad person, no one deserve to be killed pero iyon ang hustisyang pwedeng makuha ng mga taong inapakan at inagrabyado nila nang panahong iyon.


"Juno, sasama ka ba sa amin nila Cato?" Ang tinutukoy niya ay ang pagpunta namin si Europa para sa isang training.


The Black Hand started their organization again. Ang sabi sa akin ni Tita Barbara, Tito Night and Tita Elena was the last trainee and member of Black Hand, nawala raw ang organisasyon matapos umalis sila Tito Night. Now, Demetrius' father — grandson of one of the founder of Black Hand — built the organization again when he found the other founding families. Isa doon ay ang magulang ni Cato — isa pang kaibigan ko. Lola Beatrice declined the offer to be part again of the organization dahil ang Black Hand ay mas marumi pa ang kalakalan kumpara sa Black Rose noon. Black Hand deals with almost all of illegal doings. Drugs, illegal mining, illegal firearms pero dahil sa kapit ng Black Hand sa mga hari at reyna na namumuno sa Europa ay hindi sila magalaw galaw ng pulisya. Pati hired assassins ay meron sila.


"Ayaw ni Mama." Ayaw ko rin naman kahit na personal pa akong kinausap ng Papa nila Cato at Demetrius dahil sa kinakikitaan daw nila ako ng potensyal. My Father's the leader of one of the biggest secret agency that specializes in securing the safety of the country, I can't just join an organization where they do the opposite of what my Father does. "At ayoko rin. May training na ako sa Chevalier."

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedWhere stories live. Discover now