Chapter 32: Leaders

36.2K 999 88
                                    

Third Person POV


Nasa loob na ang mga estudyante sa kaniya-kaniya nilang mga classrooms.

"Okay class tulad nga ng nabanggit ni Mr. President, kaming mga advisers niyo ang mageexplain sa darating na event ng mga seniors at kayo 'yon." Pagsisimula ni Ma'am Palangiti sa kanyang mga estudyante na tahimik na nakikinig sa kanya.

 "At dahil nabanggit na rin ni Mr. President ang mga competitions na magaganap sa Senior's battle, ngayon na tayo kukuha ng representative natin para sa the beauty of the gods and goddesses. Sino ang gusto niyong magrepresent?" Nakangiting tanong ni Ma'am Palangiti sa mga estudyante niya.

"Cassandra Agustin!" Sigaw ng iba.

"Louise Fuentes!" Sigaw naman ng iba na halos mga kalalakihan.

Nanlaki ang mga mata ni Louise samantalang malaking ngiti at todo palakpak naman ang best friend niyang si Sunny na tinatawag niyang Kitty.

"Pero bago tayo mamili kung sino ang magiging representative natin, tanungin muna natin ang dalawang binibini kung gusto ba nilang sumali. Hindi naman natin pwedeng ipilit ang may ayaw, diba?" Tanong ni Ma'am Palangiti na ikinatango ng kanyang mga estudyante.

"Umpisahan natin kay Cassandra. Ms. Agustin, gusto mo ba sumali sa unang paligsahan natin?"

Walang pagdadalawang-isip na sumagot ng opo si Cassandra habang nakangiti.

Sunod naman nitong tinanong si Louise at wala rin itong pagdadalawang-isip na sumagot ng ayaw kaya si Cassandra na ang official representative nila.

Nang matapos na nilang pag-usapan ang tungkol sa unang paligsahan ay sumunod naman ang the battle of sports para sa Grade 12.

"The sports that you'll be playing are the following. Basketball, volleyball, badminton, table tennis, swimming, tennis, bowling, chess, archery, and darts. May ibinigay sila sa amin na papel na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga larong ito. Ipopost ko ito sa bulletin board natin at basahin niyo na lang kung interesado kayong sumali. Sa mga gustong sumali, please write your name on a one eighth sheet of paper plus your section and the sports that you want to play, then give it to your President. President, after collecting their papers, give it to the secretary so that she can rewrite it on a one whole sheet of paper and pass it to me. Are we clear?" tanong nito.

"Yes, ma'am." sagot naman ng mga estudyante sa kaniya.

"And finally, the last competition which is the battle of leaders. Mamaya ay pupunta dito ang iba pang hetero sections ng Grade twelve. Ang Aphrodite at Hercules. Magsasama-sama kayong lahat dito para mapagbotohan niyo kung sino ang magiging leader ng buong hetero sections ng Grade twelve. Magbreak muna kayo at after twenty minutes ay bumalik na kayo ulit dito nang makapagsimula na tayo." Pag-announce nito bago lumabas ng classroom.


Sunny's POV


"Kitty, wag ka nang magtampo sakin, please?" Pagmamakaawa ni Milky habang umuupo sa katapat kong upuan.

"Hmph!" Umiwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pag kain ng sandwich.

"Kung alam ko lang na magtatampo ka pala sakin, edi sana sumali na lang ako doon sa beauty pageant." Malungkot niyang sinabi kaya napatingin ako sa kaniya habang nginunguya ang tinapay na nasa bibig ko.

Linunok ko muna ito bago ako nagsalita.

"Kasi naman Milky matagal na kitang gustong magperform o kaya rumampa man lang sa harap ng maraming tao." Totoo kong sagot sa kaniya na ikinagulat niya.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now