Chapter 59: Who are you?

23.6K 897 223
                                    

INSTAGRAM: jeymiiibluu

JamieeeBlue💙

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sunny's POV


Walang maririnig na kahit na anong ingay sa paligid namin dahil wala ni isa sa kanila ang naglalakas ng loob na magsalita.

Wala pa ring umiimik sa aming dalawa ngunit mahahalata na ang malamig naming aura.

Nabasag na rin ang katahimikan nang may mga biglang sumigaw sa likod ko.

"Kitty!" Hinihingal na sigaw ng mga ito ngunit hindi ko sila liningon hanggang sa tumabi sila sa akin.

"Kitty bakitㅡ" Mabilis kong hinarang ang aking kanang kamay sa mukha ni Keanne na ikinatigil niya sa pagsalita.

Sunod namang dumating ang magkambal na mukhang galing rin sila sa pagtakbo dahil humihingal na tumabi ang mga ito kay yelo.

"Ice, natatakot ako. Du-dumating na ang mga kaibigan niya. Ba-baka pagtulungan nila ako." Nanginginig na sambit ng linta at mas lalong hinigpitan nito ang pagkapit niya sa braso ni yelo.

"Aba! Hoyㅡ"

"Kiana. Louise." Tawag ko sa mga pangalan nila na ikinatigil rin nila sa pagsalita.

"See? Ice, I'm scared." Naiiyak na sumbong ulit ng impaktang linta.

"Why? Are you sure you're scared little leech?" Nakangisi kong tanong sa kaniya na ikinasama niya ng tingin sa akin ngunit mabilis rin itong napalitan ng iyak kaya kaagad siyang yinakap ni yelo.

"Such a plastic drama queen. Tss. I don't have time for this bullshit." Malamig kong sinabi at tinalikuran na sila subalit bago pa ako makalakad palayo sa kanila ay bigla akong tinawag ni yelo.

"Ms. Villegas," ngayon naman may kasama nang miss ang pagtawag niya sa surname ko. Iba rin ang takbo ng utak ng yelong 'to 'no?

Hindi ko na siya liningon pero hindi rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

"Don't make me lose my patience, Ms. Villegas." Nagtitimpi nitong sinabi ngunit hindi ko pa rin siya linilingon.

"And what will you do, Mr. Willford?" Malamig kong tanong.

"You really want to know? If yes, then follow me. We need to talk about some important things."

Liningon ko na ito bagamat wala pa rin akong ipinapakita na kahit na anong emosyon.

"I'll follow you but in one condition, I don't want to see her assface." Malamig kong sagot habang nakaturo kay linta.

"What the fuck?! Ice! She called meㅡ" Hindi na rin natuloy ni linta ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita si yelo.

"Blue and Berde, samahan niyo na muna si Tina. I'll be back later after naming mag-usap." Seryoso nitong utos sa kambal.

Magrereklamo pa sana ang magkambal ngunit nang tignan sila ni yelo ng walang emosyon ay napalunok na lamang sila at pilit na tumango.

"What?! Iceㅡ" Naputol ang pagrereklamo ni linta na para bang hindi siya umiyak nang magsalita ako.

"Wala kang karapatan para magreklamo brat. Dahil new impakta este student ka dito ay gusto ko lang malaman mo na 'yang lalaking kinakapitan mo na parang linta ay boyfriend ko. Pagmamay-ari na ng iba ang hawak mo kaya kung ako sayo habang nakakapagtimpi pa ako ay lumayo-layo ka na ng fifty feet sa kaniya o kaya mas maganda ay wag na wag mo na siyang lalapitan." Seryoso kong sambit sa kaniya na ikinatingin niya sa akin ng masama na para bang asar na asar na siya sa mga pinagsasabi ko sa kaniya.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now