Chapter 21

2.6K 83 4
                                    

Chapter 21

"Darn!" Sigaw ko. They are the owner of Mreine. Ngayon, mas lalo akong napapaisip kung sino ba ang Zeus Oxford na yun. He is not Zephyr Crawford, nakakapagtaka na kailangan niyang ibahin ang pangalan niya. Sino ba siya? Katulad ko din ba siya? Kung sila man ang may ari ng Mreine, ibig sabihin kilala niya ako. Alam niya kung anong meron sakin.

Gusto ko ng tanggalin ang utak ko para mawala na din ang mga iniisip ko.

Naglakad ako papunta sa kwarto ni Ion. Gusto ko ng masagot ang lahat ng tanong sa utak ko.

"Open this damn door, Ion!" Sigaw ko. Mabilis naman niyang binuksan ang pintuan. Agad akong pumasok doon at nilock ang pintuan.

"Who are you?" Tanong ko sa kaniya. Imposibleng wala siyang kakayahan na katulad ng sa akin at kay Dwight. It's impossible!

"Hala, hindi mo na ako kilala?!" Kabadong tanong niya kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit ka na amnesia?" Pinukpok ko yung ulo niya dahil sa sinabi niya.

"I'm damn serious! Who are you?" Ngumuso siya at maya maya lang, naging seryoso na ulit siya.

"Ako si Ion." Mahinahon niyang sagot.

"Sabihin mo sakin, may dexterity ka din ba?" Diretsong tanong ko sa kaniya.

"Bakit ba gusto mong malaman?" Seryosong tanong niya.

"Hindi ko ba deserve na malaman ang lahat?" Tanong ko. Wala silang ibang ginawa kung hindi dagdagan ang mga iniisip ko, patuloy lang nilang ginagawang misteryoso sa akin ang lahat.

"Hindi mo na kailangang malaman. It doesn't matter." Bigla niyang sabi. Tinalikuran niya ako at umupo siya sa kama niya. Kinuha niya ang cellphone niya ay nilagay niya ang earphone niya sa tenga niya.

"It does matter, Ion. Stop giving me more confusion! My life is a living mystery, stop adding more." Hinila ko ang earphone na nilagay niya sa tenga niya. Alam kong iniiwasan niyang pag usapan namin to, at dahil sa inaakto niya, sigurado ako na may dexterity siya.

"I am afraid to hurt you because of those facts!" Sigaw niya sa akin pabalik.

"That's the mere fact about this world! Everybody will hurt me, Ion! They are all meant to hurt me so stop being a coward!" Nagsisigawan na kami. Nagagalit ako sa kaniya hindi dahil ayaw niyang sabihin sa akin ang mga bagay na kailangan kong malaman kundi dahil natatakot siyang masaktan ako.

"I won't hurt you." Mahinang sabi niya pero dahil tahimik ang paligid narinig ko yun. Napayuko din ako sa sinabi niya.

"You will, now tell me. What's the real score about you?" Lumapit ako sa kaniya. Tumingin siya sa akin ng masama.

Napakapit ako sa lamesa ng biglang umuga ang kinatatayuan ko. The whole room is shaking and I think, the whole house is. Lumilindol and that's for sure. Matapos ang isang minuto, tumigil din ito. Pinagsawalang bahala ko nalang iyon at tumingin muli kay Ion.

"That's me. Ngayon, lumabas ka na." Seryoso at galit niyang sabi. Napatulala ako, tama nga ang hinala ko. He is not normal, he is like us.

Tumalikod na ako dahil alam ko na yun ang gusto niyang gawin ko. Bago ko isara ang pinto tumingin muli ako sa kaniya, nakita ko siyang nakatingin sa bintana at tila tinatanaw ang buwan. Lumabas na ako ng pintuan. Now, he is one of my suspect. I can't believe this.

Sino ba ang mga taong nakapaligid sa akin? Bakit nila ako binibigyan ng maraming misteryo? Am I meant to solve all of this?

Isang tao lang ang dapat kong puntahan ngayon, I need her right now. Dumiretso ako sa kwarto ko upang matulog. Hindi pa ako inaantok pero tingin ko, this is my comfort zone. Thyra is my comfort zone, my dream is my liberation.

Antithetic's TaleWhere stories live. Discover now