Chapter Twelve

24K 484 16
                                    

    Chapter Twelve

GUSTONG matawa ni Rica dahil panay ang bili niya ng mga romantic movies. Simula nang maging sila ni Paul, parang walang araw na lumipas na hindi siya nakangiti. Apat na buwan na silang engaged. So far maayos naman ang relationship nilang dalawa kahit minsan ay may petty arguments pa rin. Hindi naman kasi iyon mawawala sa isang relasyon. Minsan kasi ay nagseselos siya sa mga babaeng umaaligid dito pero unti-unti niya namang nakokontrol na ang sarili.

Miss na miss na niya si Paul. Dalawang buwan na niya itong hindi nakikita dahil bigla itong ipinadala ng lola nito sa Mindanao. May lupa rin daw ang mga ito doon at ito ang naatasang mag-ayos ng gagawing farm doon.

Naipakilala na siya ni Paul sa pamilya nito bilang fiancée nito. At tinanggap naman siya ng lahat. Nakausap niya rin ang mga magulang ng lalaki. Humingi pa ng tawad sa kanya ang Mama Dyosa nito para sa nakaraan. They had good relationship now. Ipinakilala niya na rin sa pamilya niya si Paul at siyempre, masayang-masaya ang mga magulang niya.

Pakiramdam niya ay nasa tamang posisyon na ang lahat. Wala na siyang mahihiling pa. Minsan mahirap umibig, mahirap sumugal dahil baka maling tao ang napaglaanan mo ng puso mo. But with Paul she didn't care if it was wrong or right, late or early. Basta kung saan siya masaya doon niya pa rin ibibigay ang puso niya. Hindi naman kasi pwedeng diktahan ang puso, utak siguro pwede pa pero ang puso mahirap. Para kang nagbibilang ng sarili mong buhok.

When you love someone, you would fight for him or her no matter the circumstances. Kahit minsan ay alam mong matatalo ka.

Ipinatong ni Rica sa mesa ang hawak na juice. Hindi siya pumunta sa coffee shop dahil si Allisa ang nakatoka ngayon. Narinig niya ang pagtunog ng doorbell. Lumabas siya para tingnan kung sino ang bisita.

Pagkabukas ng gate, may lalaking naka-bonet na nasa labas ang biglang lumapit sa kanya at binuhat siya na parang isang sako ng bigas. "Kidnappers! Tulong!" Napansin ni Rica na may dalawa pang lalaki sa loob ng itim na van na nakaparada sa tapat. Nagpapadyak siya para makawala dito.

Padabog siyang ipinasok ng lalaking may buhat sa loob ng van. "You're so heavy, Miss," reklamo ng lalaki habang hinihilot-hilot ang braso nito.

Kumunot ang noo niya. Ingleserong kidnapper!

"A-Ano'ng kailangan ninyo sa akin?" nanginginig na tanong niya sa mga ito. Inisa-isa niyang tingnan ang mga kasama sa loob ng van. Hindi naman ito mababantot. Amoy na amoy niya ang mamahaling pabango ng mga ito.

Sosyal na pala ang mga kidnapper ngayon?

"Hoy! Walang pang-ransom ang mga magulang ko kaya pakawalan niyo na ako." Hindi naman siya tinalian ng mga ito kaya malaya niyang masasapak ang mga buwisit na ito.

"Alam namin. You better keep your mouth shut or else lalagyan ko ng duct tape 'yang bibig mo," banta ng lalaking nasa driver's side.

Nakaramdam na si Rica ng takot kaya hindi na nagsalita pa. Mas marami pa rin ang mga ito sa kanya at puro lalaki pa. Mayamaya ay huminto ang van sa isang hotel. Wow, ha? Sosyal ang hide-out ng mga mokong na ito.

Nakilala ni Rica ang hotel—isa iyon sa mga hotels na pag-aari ng mga magulang ni Allisa Faburada. Nagtataka siya kung bakit dito siya dinala ng mga ito.

Pagkababa nila ay hinawakan ng dalawang lalaking naka-bonet ang magkabilang braso niya. Nagpumiglas siya pero mas malakas ang dalawa kaysa sa kanya. Pumasok sila sa hotel nang hindi man lang sila sinita ng mga guwardiya.

"Kuya, tulong. Kidnapper ang mga ito, tulong," sigaw niya habang kinakaladkad ng mga kidnappers.

Nginitian lamang siya ng guwardiya. Napaluha siya dahil parang may kinalaman ang mga tao dito sa nangyayari. Mamamatay na ba siya? No! Hindi pwede. Hindi pa nga sila ikinakasal ni Paul tapos mamamatay na siya? Lord naman, eh. Hindi pa nga niya nasasabi kay Paul na buntis siya.

Strangers Again #LAALQUERA1 (PUBLISHEDUNDERELFKINGPUBHOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon