Prologue

88 4 0
                                    

This is it, eto na iyong araw na pinakahihintay niya. Kabado siya sobra, mataman lang siyang sumusunod sa inuutos ng hair and make-up stylish niya ngayon.


"Ayan Ms. Alona Silvore, napakaganda niyo talaga, sobrang greatful talaga ako na ako ang  pinadala ng pinag tatrabahuhan ko, para mag ayos sainyo, grabe Ma'am talaga po palang napakaganda niyo. Kung ano iyong ganda niyo sa t.v eh mas maganda pala kayo sa personal." 



Napapalatak at tuwang sabi ng bakla na nag aayos sa kanya, na sa totoo lang ay hindi niya akalain na bakla ito dahil mukha itong babae, kaya laking gulat niya ng nagsalita ito. Sayang ang gwapo pa naman. Nakakapang hinayang talaga. Sa sobrang gwapo nito ay mas maganda pa ata ito sa ibang natural na babae.



"Naku, sobra sobra naman ata ang diskripsiyong binibigay mo sa'kin Gary." Nakangiting sabi niya dito, nag pout pa ito dahil sa pangalang tinawag niya dito.



"Sinong Gary Ma'am, wala akong kilalang Gary, ako po si Marimar Aw!" Napabunghalit siya ng tawa ng bigla itong gumiling at ginaya ang naturang bida sa isang palabas."Diba pulgoso." Hirit pa nito at nilapitan pa ang aso niyang nakabuntot sa kwarto niya, Isa itong Siberian Malamute, umangil ang aso niya at tumahol dito.



"Biro lang ikaw naman doggie, hindi ka mabiro, aatakihin ata ako sayo sa puso." Natatarantang tumakbo ito pabalik sa kanya,  She like gay, bukod kasi sa tatawa ka ng tatawa sa mga ito ay madami kading matutunan, at magaang sila kasama.



"Ayan kasi Shamei, tinatakot mo ang aso ni Ma'am." Singit ng isang babaeng kasama pa nito na nag aayos ng kanyang gown at abala sa pagkuha ng mga litrato doon.



"Che! manahimik ka d'yan mag picture ka nalang dyan, dalian mo at patapos na ako dito kay Ma'am Alona." Birong Ismid nito.



"Wag mo ko ma che che, d'yan kung ayaw mong halikan kita d'yan bet na bet pa naman kitang gawing fafa." Kunwaring kinikilig pa ito, at dumukwang ng nguso kay Shamei."



"Subukan mo lang ng ni blower at ni curler ko yang nguso mo." Inuumang pa nito ang blower sa bibig ng dalaga, nakakatawang pag masdan ang mga ito, dahil sa eksena ay hindi na niya napigilan pang tumawa, napatigil naman bigla ang dalawa at napatingin sa kanya.



"Ahm, Bakit?" Takang tanong niya.



"Ah, Ma'am okay lang po sa inyo kahit na magulo at maingay kami, hindi kayo galit, Naku Sorry Ma'am." Sunod sunod na sabi ni Shamei.



"Naku, bakit naman ako magagalit, nakakaaliw nga kayong tignan eh." Aniya na ikina ngiti ng dalawa.



"Grabe Ma'am Alona, mabait pala talaga kayo sa personal, taliwas sa naririnig kong usapan, patungkol sa inyo."



Ngumiti lang siya dito, ganun naman talaga ang buhay artista, nasa showbiz ka eh, konting galaw mo may camera at may mga pares ng matang laging nakatingin sayo, at bawal kang mag kamali dahil panigurado ikaw ang magiging bida at paniguradong, kabi kabila ang paninira sayo sa t.v at mga artikulo.



"Ayan Ma'am Alona, ang ganda ganda niyo na, isuot niyo na po yung wedding gown, excited na akong makita kayo na suot iyon, I'm sure mukha po kayong dyosa, And soon to be future Mrs. Alona Silvore Chadler." Inilahad pa nito ang palad sa ere na animoy nag iimagine.



Lumapit naman sa kanya si Cynthia na tapos nadin siyang kuhaan ng litrato habang inaayusan, ganun nadin ang mga gamit niya.



Tinulungan siya ni Cynthia isuot ang gown, samantalang abala naman si Shamei sa pag liligpit ng mga gamit nito. Matapos ang ilang minuto na pag suot ng gown ay napatulala pa sa kanya si Cynthia.



Dov'e L'amore - Season Series (story of Rain & Waves)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant