Chapter 1

79 4 0
                                    

Nakakasilaw ang kislapan ng flash bulb ng mga kamerang nakatutok kay Alona, nakakarindi ang mga tanong na ipinupukol sa kanya ng mga reporter na nag-uunahan sa pag lapit sa kanya.

"Miss Silvore, ano hong masasabi ninyo sa pag kalat sa di umanoy sex video niyo ng manager niyong si Mr. Glenn Sandoval?"

"Kayo ho ba talaga yung nasa video?"

"Bakit ho ninyo hinayaan na makipag sex sa manager niyo?"

"Totoo po bang, ginagawa niyo iyon para lalong sumikat."

"Ano hong naging reaksyon ni Mr. Rain Chadler na asawa niyo sa balitang ito?" Napatingin siya sa huling nagtanong, ang kapal ng mukha ng Eunice na ito na magtanong sa kanya ng ganun.

Gusto na namang tumili ni Alona. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ng personal assistant niya na si
Yumico na tanging umalalay sa kanya pasakay sa sasakyan. Pasupladang hinahawi nito ang mga mediang humaharass sa kanya.

"Ah, excuse me lang ho, wala pa kaming sasagutin sa katanungan niyo." Anito sabay hawi ni Yumico sa kamera at microphone na nakatutok sa kanya.

"Let's go Alona, pumasok kana sa loob." Tila robot naman siyang pumasok sa loob ng Van.

Dahan dahang pinatakbo ng driver ang van, may mga media din na sinusundan sila at kinakatok ang windshield ng sasakyan.

Naglandas ang mga luha niya pagkapasok na pagkapasok sa van.

"Tahan na Alona, alam kong hindi ikaw iyon, alam kong edited lang ang video, malalaman din ng publiko ang totoo, na hindi ikaw ang nasa video." Pagpapagaan ng loob ni yumico sa kanya, hinimas pa nito ang likod niya.

Parang kahapon lang masaya pa
siyang nakikipag usap sa manager niya, dahil sa upcoming project na gagawin niya sa BTI channel, nang bigla nalang pumutok ang balita na iyon hindi umanoy sex scandal nila ng manager niya. Alam niyang may gusto ito sa kanya pero hindi para patusin ito. Manager niya ito at mahal na mahal niya ang asawa niya para gawin iyon.

"Alona! Tara na nandito na tayo." Napasinghap siya sa biglang pagtawag sa kanya ni Yumico, kaibigan niya ito ng high school, scholar ito sa pinapasukan nilang eskwelahan, napakatalino naman kasi nito, nagkataon lang na ito ang naging personal assistant niya sa anong dahilan ay hindi niya alam.

Nagulat din siya ng biglang may kumatok sa bintana ng van, pati pala sa tapat ng bahay nila ay may media, bakit hinayaang makapasok ang mga ito sa subdivision napabuntong hininga siyang tumingin sa kaibigan.

"Come on, akong bahala sayo, besides may body guard kadin." Anito

Bumaba ito hindi pa man nito tuluyang binubuksan ang pintuan ay panay na ang kuha ng litrato habang nasa kotse siya, sinuot niya ang hood ng itim na jacket at inayos ang bullcap niya ganun narin ang shades niya na nag ko cover sa mata niya.

Pinalibutan siya ng bodyguard niya habang nakaagapay sa kanya si Yumico na siyang humahawi sa mga media.

Naabutan niya ang asawang nag aapoy ang tingin sa t.v na naglalaman ng balita tungkol sa kanya.

"Rain." Malumanay na tawag niya sa asawa, lumapit siya dito at tiningkayad ito para halikan sa pisnge para lang tabigin nito ang balak na pag halik dito.

"Ahm, Excuse me muna ha, Ma'am Alona, alis muna ako." Nakakaunawang paalam ni Yumico, alam niyang ramdam nito ang tensyon sa paligid.

"Rain, pati ba naman ikaw na niniwala sa balita?" Lumuluhang tanong niya dito.

"For pete's sake! Alona! Anong gusto mong gawin ko mag tatalon sa tuwa, dahil ang magaling kong asawa ay may ibang sinasak---" Dumapo ang malakas na sampal sa pisnge nito, nagulat naman siya sa nagawa.

Dov'e L'amore - Season Series (story of Rain & Waves)Where stories live. Discover now