CHAPTER SIKS

2.3K 22 4
                                    

Chapter Six

"ANO ba ang gagawin natin dito. Dyson, sinasayang mo ang oras ko" nagwawala na siya paano ba naman kase kung saan saan siya dinala ni Dyson. Sinasayang Lang nito ang araw niya may ipapasa pa siya sa Publishing na kailangan ng tapusin kahit ba sinabing huwag muna siyang magsulat siyempre Hindi mawawala sa sistema niya iyon.

"Just enjoy"ngi-ngisi-ngising sagot nito

"Hoy Dyson Monterde huwag mo kong ji-na-just enjoy diyan gusto mong mawalan ng hinaharap?"inis na Talaga siya darn! Nakakainis ito

Inis o kinikilig? Nope naiinis siya Hindi kinikilig

"Hindi ka pa rin pala nagbago"

"Ano yun?"tanong niya Hindi niya narinig . Pero alam niyang siya yun bumulong ba naman sa hangin at Hindi pinarinig sa kanya

"Wala "

"Heh.bitawan mo nga ako"nagpupumiglas pa rin siya pero ayaw siya nitong bitawan hawak pa rin nito ang braso niya .tama Lang para Hindi siya masaktan

"Juliein Laxy.kung ayaw mong sumama sisigaw ako dito na ikaw si Laxy Lein"nag-iba na ang aura nito. Bipolar na gwapong lalaki.may mood swings may menstruation period yata.

Wait did I said gwapo? No Hindi siya gwapo . Bulong ng mataray niyang utak

Deny pa inamin mo na ayeeeeii!!

Luminga linga siya at mukhang may nakarinig sa sinabi ng madaldal na bipolar na gwapong lalaking ito.

Oo na gwapo na!

"H-hello po a-ahmm kayo po ba si M-ms Laxy?"nahihiyang Tanong nito. Mukhang galing sa National Book Store ang dalaga dahil may hawak pa itong paper bag at plastic na may tatak ng 'National Book Store' at mukhang Libro ang binili nito. Mukhang 1st year college Lang dahil simple Lang ang ayos nito at May dala pang backpack sa tingin niya ay nag-re-review ito.at dumaan Lang sa National Book Store para bumili ng gagamitin sa school

"Ahmm.Y-yes"alanganing sagot niya nako.bruho kase itong kasama niya mapipingot niya ito Mamaya grrr.

"Ay! Ang ganda niyo po pala Talaga Ms.Laxy sa personal .idol na idol po namin kayo ng mga pinsan ko.eto nga po oh bumili ako ng Libro niyo dumaan po ako sa national book Store para bilhin ito."masayang paliwanag ng magandang dalaga sa kanya

Mula sa Plastic ay inilabas ng dalaga ang tatlong Libro na sa tantiya niya ay Ito yung librong kari-release niya Lang noong isang Linggo

"Wow! Thank you, that is my Latest book for the month"masayang bati niya.Hindi na niya pinansin ang katabi na ngayon ay naka-nga-nga na .

"Marami po akong Collection ng Libro niyo ang galing niyo po kase eh.nakaka inspired" at nag blush pa ito she looks so cute .Minsan lang niya makausap ang isang reader niya dahil kapag may MIBF ay lagi siyang busy . Ito na ang pinakamatagal niyang nakausap

"Oh! Thank you. What's your name? "

"Kesia po ."

"Kesia .Last name? "

"Kesia .D-del-H-heir po."

"Wait ano ulit.?"

"Kesia Arellano po"Diretsong sagot nito.

"Ah.thanks Kesia"masayang pasasalamat niya

"A-ahm pwede pong pa Pirma ng book at pwede po pa Selfie? "Nahihiyang saad nito

"Sure" binigay nito ang Libro sa kanya. Mabilis naman niya itong tinanggap at Pinirmahan ang Libro nilagyan niya na rin ng caption na

'Hi kesia thanks sa support .Enjoy Reading I love you and God Bless:*'

TOPS1:FOREVER BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon