Chapter 39 - 4 Walls

53 3 1
                                    

"Ate saan ka pupunta?" tanong sa akin ng 7years old kong kapatid na si Zeus. "Babalik na si Ate sa States" sagot ko habang sinasarado ang zipper ng luggage ko. 

"Final na ba talaga yan anak?" tanong sa akin ni Mama. Agad ko siyang niyakap at doon ko na naibuhos ang aking damdamin. "Ma, naging tanga ako. Naging manhid. Ginawa ko naman ang lahat, madami akong sinakripisyo para sa kaniya. Marami akong luhang nasayang, maraming ngiting tiniis. Lahat yun para kay Prince... pero bakit Ma? Bakit parang ang dali lang para sa kaniya na kalimutan ako?" 

"Iisa lang ang Ibig sabihin nun anak, di siya ang nakatadhana para sayo. Minsan ka na din niyang minahal sapat na rin siguro yun. Tama na ang minsan ka na niyang minahal, minsan ka na niyang sinaktan.Anak, Di niya deserve ang luha mo"

"Zeus.. tara lapit ka kay Ate-- yakapin mo si ate. Yung sobrang higpit."tawag ko kay Zeus sabay yakap sa akin. 

----------------------------------------------------

(Airport)

"Anak, lagi mong tandaan na lagi lang kaming nasa tabi mo. Mag-ingat ka doon." pamamaalam ni Mama sabay yakap sa akin.

-------------------------------------------------

KAI POV

Andito kami sa tambayan ngayon, si Kris umiinom ng beer habang nagbibilliards.

"Pre, umuwi na daw ng si Krystal sa States hah?" sabi ni Kris kay Prince. "Mabuti na yun." sagot ni Prince sabay tungga ng beer. SA SOBRANG INIS KO AGAD KO SIYANG NILAPITAN SI SINUNTOK. 

"ABA GAGO KA PALA HAH! PAGKATAPOS NG LAHAT NG GINAWA NIYA PARA SAYO, YAN LANG ANG SASABIHIN MO?!?"

"Kai? Ano bang problema mo? Matagal ko nang sinabing di ko na siya mahal! SINO BA ANG PINIPILIT ANG SARILI NIYA SAKIN? DIBA SIYA?"


"PRINCE! ANG TANGA TANGA MO! NASA SAYO NA PINAKAWALAN MO PA! TSS, since pinakawalan mo na, ako na lang ang hahawak. Sisiguraduhin kong magsisisi ka. Pagsisisihan mong pinakawalan mo siya."

T W E N T Y  O N E (EXOxFX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon