Chapter 45 - Cold

38 3 0
                                    

"Akin na gamit mo....."

"WAHAAAA!!!! BATA PA AKOO! MARAMING PANGARAP AT NAGSUS----"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"P-prince?"

"Akin na gamit mo, umuwi na tayo."

"B-bakit? PUMAPAYAG KA NA NA DOON AKO TUMIRA SA INYO?????"

"May choice pa ba ako?"

Agad kong ibinigay sa kaniya ang gamit ko at kumapit sa braso niya habang naglalakad ng masaya. Opps, ako lang pala. Poker face kasi siya eh.
--------------
"Uuuhhh, binata ka na talaga anak." pang-aasar ni Tita kay Prince pagkapasok na pagkapasok namin sa pinto.

"Aish. Sino yang kasama mong babae kuya?" tanong ng gwapong bata, siguro mga nasa 13 or 14 yun. Agad nagbro fist si Prince sa bata. "K-kuya? Kapatid mo Prince?" tanong ko.

"Ay, oo nga pala. Ito si Luhan. Nakababatang kapatid ni Prince. Sa Papa nila siya lumaki sa Canada. Luhan, ito naman si Ellin. Girlfriend ng kuya mo." pagpapakilala ni Tita habang kinikilig-kilig pa.

"Ang pangit talaga ng taste mo sa babae kuya. Mas maganda si Ate Krystal" sabi ni Luhan. "Ah." maikling sagot ni Prince. "Saan nga po pala ang kwarto ko, Tita?" tanong ko. Tinuro naman ni Tita ang kwarto na may Yellow na pinto. "Kwarto ko yun Ma." puna ni Prince. "Exactly! Ay oo nga pala may niluluto pa ako babyeeee!" pagpapaalam ni Tita sabay takbo papuntang kusina.

Umakyat naman si Prince at sinundan ko naman siya. "Ako na lang ang matutulog sa sofa. Ikaw na lang sa kama." sabi niya sabay alis ng kwarto.

±±±±±±±±±±±±±±
"Ma, papasok na ako sa kompanya natin. Para matrain din." paalam ni Prince kay Tita habang nagdidinner kami. "Ay mabuti. Para din matrain ka anak." sabi ni Tita. "Ma, ganun din ang sinabi ni Kuya" puna ni Luhan.

Tapos na kaming kumain at naghuhugas na ako "Ellin, may papakita ako sayo. Ikaw ang unang makakakita nito." aya ni Tita habang pinapaupo ako sa side table.

±±±±±±±±±
"Ayan oh, nakadress si Prince nyan. Sobrang taba niya, kaya walang magkasya na panglalaking damit. Kaya dress na lang ang pinasuot namin." Sabi ni Tita habang tinuturo ang picture ni Prince sa may photo album

Agad naming tinago ang photo album nang dumating si Prince. "Matutulog na ako." paalam niya habang umaakyat sa hagdan. "Magkwento nga po kayo tungkol kay Prince." Sabi ko kay Tita. "Alam mo namang di namin tunay na anak si Prince diba? Pero kahit ganun, tinuring namin siyang tunay na anak . Hinanap namin yung tunay niyang magulang pero patay na. Kaya..... malaki ang galit niya samin dahil matagal naming tinago yun sa kaniya. Pero ngayon ayos na. Ayos na din sila ng Papa niya. Si Prince, napakatalino niyan kaso napakacold. Wala yang pake sa mga babae.. Kaya lang bigla siyang nagbago naging playboy. Late na pala,umakyat ka na. Baka tulog na si Prince"

±±±±±±±±
Bakit ang gwapo gwapo ba ng lalaking toh?

Hays, ito ako nakatitig sa gwapong lalaking natutulog sa sofa.Grabe, napakatangos ng ilong. Ang ganda ng mata, hays. Ang gwapo mo tala--

"Anong ginagawa mo?"
"WAAH!! gising ka?"
"Oo, ang ingay ingay mo eh"

Ibig sabihin nasabi ko yun ng malakas?

T W E N T Y  O N E (EXOxFX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon