Scene 1

126K 2.8K 944
                                    

MPMMN 1
"Swimming Pool"

⚪⚪⚪
Chelsea POV

Dahil on call alipin ako ni Kyle, lagi kong hawak ang cellphone ko. Baka mamaya tumawag ang kamahalan, mabi-beastmode 'yun kapag hindi ko agad nasagot ang tawag niya. Rush hour pa man din lagi 'yun. Psh.

Krrrriinnngg..

Speaking of Kyle. Ayan na nga, tumatawag na.

Sinagot ko agad ang tawag. "The number you have dialle---"

[WHAT THE FCK NOBODY?!]

Aray. Basag eardrums. "O, ano? Bat ka kasi naninigaw?" Bored kong sabi.

[Ano bang trip mong babae ka? Tch. Pumunta ka dito. Ngayon na.]

Sabi na e. Abuso na 'tong lalaki na ito. "Ayoko busy ako ngayon. Naglalaba ako ng buong bahay."

[Sinusuway mo ba ako nobody?]

Seryoso na ang boses niya. Lagot. Galit na 'yan panigurado. "Busy nga ako. Bukas mo nalang ako utusan."

Pagod ako tapos 'tong si Kyle, bastos e. Hindi man naisip na napapagod din ako. Aba, hindi naman ako robot na kayang mag-function ng 24 hours. Sarap kaltukan ni Kyle sa noo, e.

[AH, GANON?]

Beastmode na ang kamahalan. Nararamdaman ko sa boses niya, capslock na, e. Intense na 'yan.

"Oo." Simple kong sagot.

[Sige. Si Papa hindi busy, e. Sasabihin ko lang naman sa kaniya na tanggalan ka ng scho---]

"Uy, ano ka ba, Kyle! Ito naman. Eto na, o! Nag-aabang na ako ng taxi papunta dyan. Hehe. See you." Nakangising sabi ko.

Bwisit na lalaki. Panakot niya talaga sa akin 'yung Papa niya, e. Palamon ko sa kaniya Papa niya, malaman ko lang.

[TCH. MAKE IT FASTER.]

"Oo na po, kamahalan!" Sigaw ko saka pinatay na ang tawag.

Kainaman naman talaga. Kahit ayaw ko, wala akong magawa, e. Sama talaga ng Kyle na 'yun!

Lumabas na ako ng kwarto ko. Ano naman kayang ipapagawa sa akin ng lalaking iyon? Malamang paglinisin ako ng kwarto no'n. Baka mamaya makakita na naman ako ng brief niyang may print ng mukha ni Pacquiao. Haha!

Paglabas ko ng gate ay nag-abang na ako ng taxi. Mabuti nalang at hindi na ako nag-abang ng matagal dahil may taxi na.

Pinara ko 'yung taxi saka mabilis na sumakay. Sinabi ko address saka huminga ng malalim.

Maya maya pa ay nakarating din ako sa mansyon ng kamahalan. Nagbayad ako sa taxi at bumaba na.

Pinapasok agad ako ng guard kasi kilala naman nila ako dito. Naka-ilang beses na kaya akong pumunta dito dahil sa mga utos ni Kyle. Pero aaminin ko, hanggang ngayon, nakakaligaw pa din ang mansyon nila. Ang laki kasi. As in super laki.

Sinalubong ako ni Butler Seo. Ngumiti siya sa akin. Buti pa talaga si Butler nangiti, e. 'Yung Kyle na 'yun lagi nalang nakasimangot at nagsusungit. Akala mo menopause lagi, e.

"Hintayin niyo po raw si young master dito sa living room. Tatawagin ko lang po siya." Sabi ni butler.

O, hindi niya ako pinapunta sa kwarto niya. E'di ibig sabihin, hindi ako maglilinis. Ano naman kayang ipapagawa niya?

Naupo ako sa magarang sofa habang naghihintay. Nilibot ko ang tingin ko. Hanep ang chandelier. Gold! Mapapakanta ka ng..

I'm...gonna swing from the chandelier...hiiiii!

MPMMN UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon