CHAPTER 20

6.4K 140 1
                                    

Chapter Twenty

Xander was pacing the floor back and forth. Hindi siya mapakali. It was already dark. Tinatawagan niya si Sienna ngunit nakapatay ang cellphone nito. Nanggaling na rin siya sa bahay ng dalaga at ang ina lamang nito ang nadatnan niya. Mukhang nagtataka rin si Aurora dahil hindi naman nagpapagabi ang anak kung hindi rin nakapagpaalam rito.

Napapamura na ang binata sa isip. Hindi para sa dalaga kundi para sa kabang unti-unting nangingibabaw sa dibdib niya.

"Damn it! Where are you?" he hissed, talking to himself while furiously pacing the floor.

Nang biglang tumunog ang cellphone niya ay mabilis pa sa kidlat na nailabas niya iyon mula sa bulsa ng kanyang pantalon at binasa ang mensaheng natanggap. Ang mensahe ay mula kay Sienna.

Xander, patawarin mo ako, but I've made my decision. I think hanggang dito na lang tayo. Please huwag mo nang subukan na kausapin ako. Hindi na ako makikipagkita pa sa'yo. Ito ang nararapat na mangyari. This must be our destiny. Harapin natin ang nakatakdang mangyari. Hindi tayo para sa isa't-isa. But I want to thank you for coming into my life, Xander. Be happy always. Bye...

Nang matapos ang binata sa pagbabasa sa mensahe ni Sienna ay tila unti-unting lumolobo ang kanyang ulo at pakiramdam ni Xander ay sasabog na iyon. Nagdidilim ang kanyang paningin. Hindi siya makapaniwala sa nabasa.

'No! Hindi mo 'to magagawa, Sienna!'

Dali-dali niyang tinawagan ang numero ng dalaga sa takot na baka patayin na naman nito ang cellphone nito. Nag-ring lamang iyon ng nag-ring ngunit walang sumasagot. Sa sobrang inis, galit, frustration, kaba at kung anu-ano pa ang nagkasabay-sabay na nararamdaman ng binata ay malakas niyang ibinato sa pader ang hawak na cellphone. He couldn't believe what had just happened. Si Sienna na nagsabing mahal siya ay ayaw ng makipagkita sa kanya.

Napaupo sa gilid ng kama ang binata at naisabunot sa buhok ang dalawang mga kamay. He was thinking what would have gone wrong. Maayos silang nag-usap ng dalaga kanina. She sounded so happy and excited nang malaman nitong nakabalik na siya. Ito mismo ang nagsabing hihintayin siya at may sasabihin itong inportante. Ito ba ang importanteng sasabihin nito? May mali talaga. Nang makausap niya ang dalaga ay wala sa tono nito na magbibigay ito ng masamang balita. Mukha pa nga itong determinado at masaya. Maliban na lamang kung ikasisiya talaga ng dalaga ang pangyayaring ito.

"Mahal mo ako, Sienna! Damn it! You said you love me!" ungol ng binata.

Mabilis ang ginawa niyang pagtayo. Pupuntahan niya ang dalaga. Hindi siya makakapayag sa gusto nitong mangyari. Kahit ipagtabuyan pa siya nito ay hindi siya basta-basta aalis. He needed her explanation. He needed to see her. He needed her. Damn it! But he loved her!

Mabilis pa sa alas kuwatrong narating ni Xander ang tirahan nina Sienna. Walang inaksayang oras ang binata. Sumagitsit ang mga gulong ng kanyang kotse nang bigla niyang ipreno ang sasakyan.

"Xander!" gulat na reaksiyon ni Aurora nang muling mapagbuksan ng pintuan ang binata.

"Pasensiya na ho, kailangan ko lang ho talagang makausap si Sienna. N-Nandiyan na ho ba siya?" magalang na wika ng binata kay Aurora.

"Wala pa rin siya, hijo. Nag-aalala na nga ako sa batang iyon. Hindi naman niya gawain ang hindi nagpapaalam kung gagabihin o kung may pupuntahan." pahayag ni Aurora. Naaawa siya sa hitsura ng binata. Tila ito pinagsakluban ng langit at lupa.

Pinatuloy si Xander ni Aurora sa loob ng bahay. Tumanggi ang binata at sinabing sa kotse na lang siya maghihintay ngunit wala rin siyang nagawa nang pilitin siya ng matanda. Umupo lamang siya sa sofa at tahimik na umusal ng panalangin na sana ay umuwi na ang dalaga upang magkausap at magkaliwanagan na sila.

Seconds...

Minutes...

An hour had passed but there was no sign of Sienna. Umakyat na si Aurora sa silid nito dahil masama na rito ang magpuyat. Alam ng matanda kung ano ang ginagawa ng anak. Pero naaawa rin siya kay Xander kung kaya hinayaan niya itong manatili. Marahil ay maganda na rin na makapag-usap ang dalawa. Pagkatapos niyang timplahan ng kape ang binata ay iniwan na niya ito sa sala.

Halos alas diyes na ng gabi nang marinig ng binata ang paghinto ng isang sasakyan sa tapat ng bahay nina Sienna. Malalaki ang mga hakbang na lumabas siya at halos magdilim ang paningin niya nang makitang si Sienna ang sakay niyon kasama ang isang lalaki. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng dalaga nang mapatingin ito sa gawi niya.

Kontrolado ang bawat galaw at emosyong lumapit si Xander sa kinaroroonan ng dalawa. Nanunuya ang ngiting pinakawalan niya para sa dalaga. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang lalaking kasama nito.

"You seemed surprised, sweetheart." sabi niya, emphasizing the last word he said.

He was hurt. Anong akala ng dalaga? Basta na lamang niya susundin ang sinabi nito? Na kapag sinabi nitong ayaw na nitong makipagkita ay iyon ang dapat na mangyari?

"X-Xander, h-hindi ba...s-sinabi ko na s-sayong---"

"Na ano, Sienna? You think I was stupid enough to do that? Why, I was not surprised! Base sa reaksiyon mo, you really didn't think na pupuntahan kita rito." nagtatagis ang mga bagang na sabi ni Xander.

"What's going on, Sienna?" singit ni Raff sa usapan ng dalawa.

Matatalim ang mga matang lumipad sa dako nito ang paningin ni Xander.

"None of your business, Rafael Servando!"

Muling ikinagulat ni Sienna ang narinig mula kay Xander.

"K-Kilala mo siya?" nagtatakang tanong nito sa binata.

Si Raff ang sumagot sa tanong na iyon ni Sienna. "He was my bestfriend." mapait ang ngiting pinakawalan nito.

"Ano?!" gulantang na sabi sabi ng dalaga. Ngunit wala ni isa man ang umulit pa sa statement na iyon ni Raff.

"You may leave now, Raff. May pag-uusapan pa kami ni Sienna." pagtataboy ni Xander sa lalaki. Halata sa tinig nito ang pinipigil na galit para rito.

Hindi tuminag si Raff sa sinabing iyon ni Xander. "I won't leave unless Sienna asked me to."

"What?" muling nagtagis ang mga bagang ni Xander dahil sa narinig.

Natakot si Sienna sa nakikitang hitsura ni Xander. "Raff, please, iwan mo na kami."

"Are you sure? Okay ka lang ba rito?" naninigurong tanong pa nito na sadyang pinaparinig kay Xander.

"Of course, she is! Damn it!" sumisingasing na usal ni Xander at akmang lalapit ito kay Raff ngunit mabilis ang mga kilos na pumagitna si Sienna sa dalawang nagtatangkarang lalaki.

"Tama na! Nakikiusap ako. Kung magpapatayan kayo ay huwag dito. Humanap kayo ng ibang lugar! 'Yung lugar na puwede niyo na ring paglibingan sa mga sarili ninyo kung sakaling magpatayan man kayo!" sumisigaw na sabi ni Sienna sa dalawa at padaskol na pinunasan ang mga luhang hindi niya napigilan sa pagtulo.

Tila tinablan naman ang dalawa. Si Raff ang unang nagsalita upang magpaalam.

"Tatawagan kita, Sienna." makahulugan ang titig na ibinigay nito sa dalaga. Bago ito sumakay sa kotse nito ay matalim ang tinging ipinukol nito kay Xander. Paharurot na lumayo ito sa lugar na iyon.

Bago pa makapagsalita si Xander ay naunahan na siya ng dalaga.

"Umalis na si Raff, k-kaya m-maaari ka rin u-umalis, Xander. Wala na t-tayong dapat p-pang pag-usapan." nakayukong sabi ng dalaga at mabilis ang ginawang pagpihit patungo sa loob ng bahay nito.

"What?!"

My Love, ALEXANDREIOù les histoires vivent. Découvrez maintenant