Chapter 1 The Small World

26 0 0
                                    

What is an Introvert?

Introvert – noun

- A shy person: a quite person who does not find it easy to talk to other people

- A person who is energized by spending time alone.

Madalas silang nakikita na nag kukulong sa kwarto or sa bahay, sa libraries, quite parks or sa lugar kung saan iilan lang ang tao. Sila yung mga tao na tipong laging gusto mapag-isa, madalas sila din yung mga na bibiktima ng mga bullies, dahil iba sila at karamihan sa kanila ay hindi lumalaban pabalik, kaya aliw na aliw ang ibang tao na pagkatuwaan sila.

Weird, emo, loner or anything ang madalas na tawag sa kanila, pero in scientific research, sila ay matatalino, kung baga sa taong maingay na madaming sinasabi, sila naman ay madaming naiisip. It has been proven in history that most scientists are nerds or mga introvert den.

Well I am not here to talk about scientist, research and stuff. I am here to talk about papaano ko nakilala ang aking boyfriend na introvert. To be honest, it wasn't easy. I am an extrovert person, so conflict na agad ang mga kahiligan or mga nakasanayang gawin in daily life basis. We have our similarities but mas madami pa din ang difference. Pero as the saying goes "Opposite attracts". Even though madalas kaming nag aaway because of society, public display of affection or even simple stuff, we still manage to keep our relationship going.

Lahat naman siguro ng babae ay hinahanap sa lalaki ay yung sweet, ma-effort, caring and other stuff, sa introvert you can't find those stuff. Hindi ko sinasabi na hindi sya sweet, pero he is sweet in different ways, ma-effort sila in very very different way. I know, naranasan ko na.

But in this generation, wala nang taong katulad niya, or maybe there's others pero kokonti na lang sila, ang mga taong, gentleman, walang bisyo, hindi uminom or occasionally and lastly a man who values virginity. Yup, you heard me right, he values virginity. Parang babae noong panahon nila Jose Rizal, isinusuko ang bataan sa asawa lamang, and he is this.

What find me interested or attracted to him is, hindi siya yung tipong lalaking kapag nakakita ng oportunidad na galawin ka or abusuhin ang pagkababae mo, ay grab and go. Hindi uso sa kanya ang 'hit and run'. At this generation it is very rare to find a man like him. Hihingi pa nga permiso sayo kung okay lang na yakapin ka or hawakan ang kamay mo. Oh di ba ang sweet. Because you can really feel na nirerespeto ka niya, hindi yung tulad ng iba na, after a month ay yayayain ka na sa pulang building or green na building.

Our sweet and different love story began in February 2014; I am still a student at that time, a HRM student, lahat naman siguro ng estudyante ay nakadanas ng practicum or OJT (On-the-Job-Training). At that time nag O-OJT ako sa hotel, hindi ko na babangitin ang hotel since I will reveal some dirty stuff later. To be honest at that time, umaasa talaga akong magkaboyfriend na, desperada lang eh noh. I was a 3rd year and 2nd semester at that time, medyo malapit na kong grumaduate non, and I was very envious at girls same as my age na my mga boyfriend na, or more experience than I am.

Sa 19 years akong nabubuhay, I was a NBSB (No boyfriend since birth) sa iba its not a big deal, pero in teenage life, it was a huge deal. Well I had some fling fling, pero hindi ko pinatulan masyado, naglaro lang ako and then some were serious at me pero ako wala, dahil sa text lang kami nagkakausap. Sinong niloko niya na sa text messages lang ay mahal ka na agad? Ano yun instant lang? Hindi porket umuunlad ang teknolohiya ay mabilis na din magmahal.

Back to the story, my first day in OJT medyo rough , dahil napagalitan kami ng Head HR (Human Resource) dahil late kami at hindi naming dala ang lahat ng requirements na hinihingi niya. Ang sama ng tingin niya samin, parang nililibing kami sa paningin niya. After that the pretty HR assistant sinabihan ulit kami pero in a more calm way, then hinatid na niya kami sa designated departments namin. Dalawa kaming babae na assigned in HR (Housekeeping) Department. As they say ang pinaka kawawang department pero, pinaka importanteng department in the Hotel. Hindi muna kami pina-buddy sa RA (Room Attendant) or hindi muna kami pinasama sa guest rooms, we need to know the basics muna bago pumunta sa totoong laban. We were at the Linen Room, kung saan naka-store lahat ng Linen, Linen room nga eh. Nandon lahat naka-stock ang mga amenities na makikita sa guest room.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Introvert BoyfriendWhere stories live. Discover now