0HSL

64.8K 126 7
                                    

HSL: INTRODUCTION

Aberdeen Empire Academy – ay isang exclusive school para sa mga mayayamang tao. Nagbibigay ito ng mataas na quality sa lahat ng bagay, simula sa hallways, classrooms at facilities hanggang sa mga guro at mga staff ng eskwelahang ito. Ang Aberdeen Empire Academy ay itinayo ni Aberdeen Empire at dahil sa sobrang kahabaan ng pangalan ng eskwelahan ay tinatawag na lang itong A.E.

The Empire – ay naglalaman ito ng dalawang pangkat na estudiyante at ito ang Empire Sisters at ang Empire Brothers ngunit ang mga schoolmates nila ay tinatawag sila bilang Empire para malaman ng iba na ang tinutukoy nila ang dalawang pangkat na ito.

Empire Sisters – ay isang pangkat ng mga babae na nag-aaral sa Aberdeen Empire Academy. Ang grupong ito ay binubuo ng apat na miyembro. Ang mga babaeng ito ay mga anak ng isa sa mga pinakamayamang pamilya sa Pilipinas. Anak rin sila ng isang kilalang Mafia Gang, ang gang na ito ay hindi illegal. Kilala ang gang naito upang magpuksa sa mga masasama ngunit minsan ito ay ginagamit rin sa kasamaan. Ang grupong Empire Sisters ay hindi sorority tulad ng iniisip ng mga schoolmates ng mga babaing parte ng grupo. Tinitingala sila ng mga estudiyante kapag kaharap sila ngunit naiinggit sa kanila kapag nakatalikod na sila.

Selena Maria Gomez – Siya ay apo ni Aberdeen Empire na may ari ng eskwelahang pinag-aaralan niya. Sa tingin ng lahat parang siya ang pinuno ng grupo ngunit hindi totoo ito dahil walang pinuno sa grupo nila. Kahit lumaki sa yaman siya, siya ay mabait at mapagkumbaba pero nagbago lahat ng ito ng may isang lalaki na lubos niyang minahal na sinaktan siya. Simula ng nangyari iyon madali na siyang mairita kahit sa maliliit na bagay lamang at mahilig siyang magsalita ng hindi maganda.

Destiny Hope Cruz – Miley ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya. Ang panganlang Miley ay nanggaling sa salitang smiley dahil mahilig siyang magpatawa. Maraming nag-iisip na mukhang malandi siya pero hindi ito totoo dahil mayroon siyang kasintahan at minamahal niya ito ng lubusan.

Demitria Perez – Demi ang tawag ng mga kaibigan niya sa kanya. Siya ang laging seryoso sa grupo. Hindi naman ganyan dati si Demi, nagbago lamang siya simula ng may nangyari sa kanya na hindi maganda. Tanging tatlong tao lamang ang nakakaalam kung bakit siya nagkakaganyan at isa na rito ang kanyang pinsan na si Selena Gomez.

Kathryn Cupido – Anak si Kathryn ng isang kilalang fashion designer sa buong mundo. Lahat ng sinusuot niya ay nagugustuhan ng lahat maliban sa mga kaibigan niya dahil may kanya-kanya silang mga fashion statement. Isang napaka-independent na babae si Kathyrn. Hindi siya dumidipende sa mga kailangan niya sa iba pero minsan dumidipende siya sa dalawang tao lamang at ito ang kanyang ina at ang kanyang half-brother at walang nakakaalam kung sino ang half-brother niya.

Empire Brothers – ay isang pangkat ng mga lalaki na nag-aaral sa Aberdeen Empire Academy. Anak sila ng pagmamay-ari ng isa sa mga napakalaking kompanya sa buong mundo at maaaring sila rin ang maging tagapagmana ng kompanyang ito. Ang kanilang mga ama ay may katungkulan sa isang Mafia Gang na kung saan miyembro ang magulang ng Empire Sisters. Tulad ng Empire Sisters akala ng mga schoolmates nila ang Empire Brothers ay isang fraternity pero hindi ito rin totoo. Kahit saang angulo mayroon silang connection sa mga Empire Sisters pero ayaw nilang pahalata. Lahat sila ay may mga fangirls at hindi nila ito pinapansin.

Nicolai John Empress – Siya ay kaibigan ng lahat. Sa sobrang friendly niya hindi niya inaasahang may masaktan at sinaktan din siya nito. Anak siya ng bumuo ng Mafia Gang at siya ang magiging taga-pagmana nito. Nag-iisang anak lamang siya ng kanyang mga magulang niya kaya paniguradong mapapasakanya ang dalawang daang franchise ng kanilang ice cream parlor.

Aldred Carl Patrimonio – Nanggaling siya sa kilalang pamilya. Ang ama niya ay isang Lord sa London at ibig sabihin nito siya ay isang prinsipe pero walang nakakaalam nito kahit ang kasintahan niya. Captain siya ng basketball team ng Aberdeen Empire Academy pero bago siya maging isang tinitiliian ng mga babae at mga bakla, siya ay isang taong nilalait ng lahat noong nasa elementary siya. Ang kasintahan niya ngayon ang tanging tao na hindi siya nilalait ngunit nagbago siya para maging karapatdapat siya para sa kasintahan niya.

Jason Poe – Anak siya ng isang kilalang wood-curving artist. Ang ina niya ang may pagmamay-ari ng isang napakalaking wood furnishing company sa buong Pilipinas at napapalipad na ang mga produkto nila sa ibang bansa. Pero sa napakabatang niyang edad ay namatay ang kanyang ina at siya na ang naghahandle ng kompanya ng kanyang ina na walang kaproble-problema. Simula ng mamatay ang kanyang ina gusto ng kanyang ama na sumama siya sa kanya pero hindi siya pumayag, hindi dahil sa galit siya o away niya sa kanyang ama ngunit ayaw niyang mawalan ng kulay ang bahay ng kanyang ina na nagbigay ng buhay noong nabubuhay pa ito.

Gerald Delos Reyes – Anak siya ng may-ari ng Delos Reyes Group of Company na kilala sa buong Asia at Europa. Sa Empire Brothers siya lang ang hindi anak ng isang Mafia Gang pero sinama pa rin siya ng tatlo dahil hindi naman yun ang basihan nila upang makabilang sa kanila.

High School Life (Published On Beebly)Where stories live. Discover now