1HSL

21.5K 76 0
                                    

1HSL

 

Selena’s POV

 

“Selena gising na malalate ka na sa unang araw ng klase mo.” Narinig ko ang boses ng yaya ko. Tinignan ko naman ang orasan ko sa may bedside table ko at nagulat ako sa oras. Nagjoke na naman si yaya. May apat na oras pa bago magsimula yung klase at saka first day ng klase pwede magpalate.

“Yaya, four o’clock pa lang ng umaga.” Sabi ko sa kanya habang humihikab ng malaki. Lumabas rin ako ng kwarto ko para sabihin yun kasi soundproof yung kwarto ko kaya hindi niya maririnig yung sinabi ko sa kanya kung isisigaw ko lang sa kanya.

“Alam kong alas kuwatro pa lang pero unang araw ng klase mo at panigurado traffic ngayon.” Sabi ni yaya habang tinutulak niya ako papasok ng bathroom ko. “Limpyoha imong kaugalingon ug ayaw parehas imo kaugalingon sa mga manlilimos sa dalan.”  That’s the Bisaya word again! Bisaya kasi si yaya.

“Yaya hindi ko kayo naintindihan.” Sabi ko habang pinipilit kong hindi pumasok sa loob ng bathroom.

“Sabi ko ‘magligo kang mabuti at hindi yang mukha kang nanlilimos sa kalsada’ gets mo na kaya pumasok ka na at maligo.”

“Yaya naman e.” Sabi ko habang pumapasok sa banyo.

Wala akong choice kung hindi gawin na ang aking mahiwagang morning rituals. Unang araw ng klase at unang araw ng klase na hindi ko siya makakasamang pumasok.

Gosh! Late na ko! Hindi ako makapaniwalang tama ang hinala ni yaya nab aka malate na ko. Hindi ko makakaya na malate ako sa unang araw ng klase. Kunwari ko lang naman yung kanina na pwedeng magpalate kahit pwede ayokong malate, no. Unang araw ng klase makikilala kaagad ako ng adviser namin dahil ako ang unang student niya na nalate sa unang araw ng klase at ayoko nun! Ayokong unang araw ng klase napupuno ng bad vibes yung araw ko at pinipilit ko ngayon na hindi magiba yung mood ko pero nakakainis! Paanong hindi ako malalte! Sobrang traffic! Nakatigil yung kotse ko ng thirty minutes tapos aandar ng wala pang five minutes.

Ayokong mangyari pero nangyayari na. Paanong hindi magiiba yung mood ko na good to bad kung ganito naman ang kalagayan ko ngayon?

“Hija, mag-U-turn na lang ako.” Sabi ni Papito, yung driver ko. Yun ang tawag ko sa driver, Papito kasi parag papa ko na siya.

“Papito bakit naman po? Malalate na ko, o!” sabi ko at napasigaw ako sa pagkakairita ko. Hindi ko maiwasan, sorry Papito.

“Selena, hija. Nagtext na ko kay Sir na traffic at malapit na kayong malate. Sabi po niya hindi pwedeng malate kayo sa unang araw niyo po bilang Fourth Year kaya pinapapunta na lang niya tayo sa airport po.” Paliwanag niya.

Si Papito talaga! Gagawin niya lahat para hindi mawala ang pagiging good mood ko. Pangalan talaga ni Papito ay Edgar pero noon palang bata pa ako Papito na ang tinatawag ko sa kanya at ayos lang naman sa kanya yun.

Hindi ko namalayang nag-U-turn na si Papito at nagmaneho na papunta sa ibang rota papunta sa airport na namin. Oo, tama kayo ng pagkakarinig, airport namin. May sarili kaming daungan ng eroplano. Narinig niyo na yung G.I.A? Yun yung airport namin. Gomez International Airport yung pangalan kaya kung ka-apelyido ka namin kahit hindi ka namin kadugo baka maging mataas ang tingin mo sa sarili mo. Ang airport namin ang pinakamaganda sa buong mundo.

High School Life (Published On Beebly)Where stories live. Discover now