KUTSARA

397 0 0
                                    

KUTSARA

Kapag ang kutsara nahulog, kadalasan mag- isa.
Naiiwan ang tinidor sa ibabaw ng lamesa.
Parang ikaw noong nahulog ako.
Hindi ko sinabi pero alam kong alam mo.
Ang tinidor ay malinis pero ang kutsara'y nadumihan.
Nanatili kang masaya habang umiiyak ako sa kalungkutan.
Ang puso ko ay walang pinagkaiba sa kutsarang ito
Nahulog akong sahig lang ang sasalo.
Nahulog akong una puso bago ulo
Naniwala sa pag-ibig, di ginamit ang talino.
Hindi ko alam kung may mas sasakit pa ba
Sa ginawa kong labis na pagpapahalaga
Sa isang taong pinagmumukha lang akong tanga
Nang- iwan sa ere at yumakap sa iba.
Sino ang mas gago sa ating dalawa?
Ako na nagmahal ng higit pa sa sobra
O ikaw na ginamit ako para lang masabing gwapo ka?
Isa lang talaga ang masasabi ko, "Wow. Tangina!"
Sinong hayop ang nagbigay sa'yo ng karapatan?
Na gaguhin ako at walang habas na paglaruan?
Ang tagal ko pinagkatago tago dito sa dibdib ko
Ang pinakamatatamis na salitang para lamang sayo.
Sana kiligin ka sa sasabihin ko,
"Hayop ka at tangina mo."

HUGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon