Naaalala Mo Ako

21 0 0
                                    

Sana naaalala mo pa ako.
Sampu, dalawampung taon man ang lumipas mula ngayon ay naaalala mo pa rin ako.
Alam mo kung bakit?
Kasi ako, deka-dekada man ang lumipas ay maaalala pa rin kita.
Kung paano sa tingin mo ay nabubuo ang araw ko
Kung paanong sa tawa mo ay bumibilis ang tibok ng puso ko
At kapag nagkausap tayo ay nais kong tumigil ang ikot ng mundo ko dahil alam kong sandali lang iyon at hindi pangmatagalan
Gustong kong ikulong sa aking mga palad ang oras nang sa gayon ay makasama kita ng mas matagal pa
Gustong gusto kong itago sa puso ko ang lahat ng mga alaala mo pero naiisip ko na hindi ko dapat panghawakan ang mga bagay na walang kasiguraduhan kung magiging maayos pa rin kinabukasan parang ulam namin kagabi na ang sarap sarap tingnan at akala ko hindi masisira pero wala, kahit pala iningatan at inalagaan ng maayos ay maaari pa ring mapanis, mawala at magtapos.
Pagtatapos. Isang salita na pwedeng inaabangan o hindi na nais pang maranasan.
Sana matapos na ang walang kwentang palabas sa telebisyon. Sana matapos nang magsermon itong teacher na ito.
Sana matapos na ang boring na klaseng ito.
Sana matapos na ang lahat ng paghihirap ko.
Sana matapos na dahil sawang sawa na ako.
Sa kabilang banda, kapag kasama kita ay hindi ko hihilinging matapos pa ang mga araw at gabi na magkasama tayo at magkatabi habang pinag-uusapan ang mga bagay na wala naman talaga kabuluhan pero nagkakaroon ng kahulugan dahil ikaw ang kausap ko.
Sana hindi na matapos pa ang bawat pagsabi mo na mahal mo ako at sasagutin naman kita nang mahal din kita.
Sana hindi na matapos pa ang panaginip na iyon na kahit sa walong oras ko lamang na paghimbing ay mahal mo rin ako.
Sa bawat paggising at pagtulog ko ay ikaw lang ang nais kong makapiling dahil mahal, mahal na mahal kita.
Sana sampung libong paggising man at pagtulog ang magdaan ay naaalala mo pa rin kung gaano kita kamahal.
Sana ay hindi mo malimutan na kahit ilang beses mo akong sinaktan at ilang balde man ng luha ang sinayang ko sayo ay sa oras na kailanganin mo ako ay handa pa rin akong magpakatanga sayo dahil mahal, tatanggapin kita ng buong buo dahil sayo lang ako nagmahal ng higit pa sa sobra at sa totoo.
Sana ay hindi mo malimutan na ikaw lang ang mamahalin ko nang ganito at kung sakaling magkita tayo ay yakapin mo ang sira sira kong puso at pagkatao dahil mula nang isilang ako hanggang sa tumanda ay nalalaman ko nang ako ay para lamang sayo.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Feb 29, 2016 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

HUGOTTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang