Isang lang akong simpleng estudyante
Madaming pangarap
Matalino
Mabait
Mapagmalasakit
Hindi ganong kayaman
Pero nabago ang buhay ko, simula nung makilala ko siya
Simula nang makabangga ko ang lalaking sikat sa paaralan namin,
Lahat ay nagbago
Palagi niya kong iniinis,
Masaya siya tuwing nakikita akong umiiyak
Tuwang-tuwa siya kapag nasasabon o napapagalitan ako ng teacher namen ,
Oo, kaklase ko siya,
Ang masaklap katabi ko pa
Lahat na yata nang kamalasan naranasan ko,
Binully ako, oo dahil gwapo siya ako tama lang.
Sikat siya ako hindi,
Pinahirapan ako nang mga babaeng may gusto sa kaniya,
Pero ako? Wala. Hinayaan ko lang.
Dahilan para, magalit ang best friend ko
Antanga ko? Oo. Kasi hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko kayang lumaban
Mayaman siya pero ako hindi.
Simple lang ang buhay ko pero ginulo niya
Ano bang dahilan niya?
Bakit ganito kahit anong gawin kong iwas hindi ko siya malayuan,
Kahit anong gawin ko sa kanya pa din ako bumabagsak
Ano bang gagawin ko ? Malusutan at matakasan ko lang siya.
Ang hirap.
Pero makalipas ang ilang taon.
Nabaliktad ang panahon,
Ako na ang pinaka sikat.
Ako na ang mayaman,
Ako na ang tinitingala nang lahat
Naabot ko ang pangarap ko
Masaya na ako oo. Pero bakit may kulang?
Bakit parang hindi pa sapat?
Matagal na din simula nang inamin niya lahat ng rason kung bakit siya ganon.
Kung bakit niya ako ininis.
May dahilan pala lahat,
Lahat ay kabaliktaran lamang
Hindi niya ginusto
Ginawa niya yon dahil mahal niya ko
Ginawa niya yon para hindi ako mapahamak
Ngayong nasakin na lahat
Babawi ako sa kanya,
Siya naman ang ipagtatanggol ko,
Siya naman ang aalagaan ko
Higit sa lahat...
Aaminin ko nang mahal ko siya,
NAHULOG AKO SA TAONG KINAIINISAN KO, TOTOO NGA ANG KASABIHAN,
- THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE -
YOU ARE READING
The More You Hate , The More You Love
Teen FictionIsang simpleng babae , Matalino , Mabait , Mapagkumbaba, Pero , nagbago ang kanyang buhay simula nang makabangga niya ang isang sikat na lalaki sa kanilang paaralan , Simula noon , ang simpleng buhay ay tila naiba , Palaging iniinis nan...