Chapter 14 : Reason

287 11 0
                                    

Sandra's Point of View

Naalala ko nanaman yung nangyari kanina bakit ba kasi nangyayari to sa akin? Hindi pa naman ako sanay na naglilihim kay belle .

Flashback

Naglalakad ako dito sa building ng mga senior nang may mga grupo ng lalaking humarang sa akin .

" Sandra right ? " sabi nung isang lalaki

" A-ako nga "

" Tsk! " sabi niya

Lumapit sila sa akin kaya naman umatras ako , lumapit parin sila aatras na sana ako kaya lang ito na pala ang dulo, nacorner nila ako kaya wala na akong nagawa . Lumapit yung isang lalaki sa palagay ko siya ang leader nila . Nagulat ako ng binuhusan nila ako ng tubig pagkatapos non pinagtawanan nila ako aalis na sana ako ng hinarang nanaman nila ako . Juice ko. Panaginip lang sana lahat nang to. Naiiyak nako na ewan.

" Wag ka munang umalis di pa kami tapos "

" A-ano bang pro--- " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko

Binuhusan nila ng putik ang uniform ko grabe naiiyak na ako ano bang problema nila sa akin ? Ano bang ginawa kong mali ?. Grabe naiiyak na talaga ako .

" Tsk! Don't cry Sandra naguumpisa palang kami "

May ibinulong yung isang lalaki dun sa leader nila pero nagbago ang ekspresyon ng mukha niya kung kanina ay masaya siya ngayon nakikitaan ko siya ng takot .

" Sandra kailangan nanaming umalis "

Tumalikod na sila pero hindi pa sila nakakalayo nang humarap ang leader nila .

" Hindi pa tayo tapos "

Yun lang ang sinabi niya pero nakaramdam ako ng matinding takot , Pagkaalis nila pumunta kaagad ako sa cr maraming tumitingin sa akin pero hindi ko sila pinapansin tulo lang ng tulo ang luha ko . Nang makarating ako ng cr ibinaba ko kaagad ang bag ko pero isasara ko na sana ang pinto nang biglang dumating si brix nakita niya akong umiiyak . Hindi pwede to. Baka sabihin niya pa kay belle.

" Sandra anong nangyari sayo ? Sandali lang ha pupuntahan ko si belle "

Pagkasabi niya non bigla akong kinabahan naalala ko si belle hindi niya ito pwedeng malaman baka madamay siya . Nagmadali akong magbihis nang matapos na ay agad akong lumabas papuntang gate . Sumakay ako pero halo-halo na ang nasa utak ko gulong gulo na ako , ano na ang gagawin ko hindi to pwedeng malaman ni belle . Nang makarating na ako sa bahay dumiretso ako sa taas dun sa kwarto .

Nagbihis ako ng maayos na damit pagkatapos ay nagsuklay ako pinunasan ko rin yung mukha ko para hindi halatang umiyak . Nang makatapos na ako ay umupo ako sa kama ano kayang sasabihin ko pagkadating ni belle ? Sana hindi niya malaman ang nangyari sa akin .

( Makalipas ang dalawampung minuto )

Dumating na si belle hala ! Sana hindi niya malaman . Nagpanggap akong masaya , na wala akong problema , na okay lang ako . Inunahan ko na rin siyang magsalita para hindi na siya magtanong pa . Sinabi ko sa kanya na sumakit yung ulo ko kaya ako umuwi .

Buti nalang talaga hindi na siya nagtanong pa sabi niya sakin magpahinga na daw ako agad ko naman siyang sinunod humiga na ako pero ramdam ko pa rin na nandoon siya sa tabi ko kaya nakatulog na ako.

End of Flashback

-------

( Dream land )

" Alam mo ba kung bakit ko ito ginawa ha ? " sabi nung lalaki

" Ano ba ang dahilan mo kung bakit mo ito ginagawa magpaliwanag ka nga " sabi nung babae

" Ginagawa ko to para sa iyo "

" Paano naman para sa akin eh nasasaktan na ako sa mga pinag gagawa mo "

" Ginagawa ko ang mga bagay na yon para mapansin mo , akala ko makakabuti yon , akala ko okay lang na gawin ko sa iyo yon . Alam mo bang mahal kita mahal na mahal kita kaya ko yon ginawa" sabi nung lalaki habang umiiyak .

Tumakbo lang ang babae palayo samantalang ang lalaki ay patuloy parin sa pagiyak . Pagkatapos non nag all black tapos ................

Nagiba naman ang mga nakikita ko may nakatalikod na lalaki lumapit ako sa kanya kakalabitin ko na sana pero bigla siyang humarap teka parang kilala ko siya wait si steven .

" Sandra I love you "

Hindi ako nakasagot tinitigan ko lang siya pero bakit ganito ang bilis ng tibok ng puso ko parang tambol ang lakas sunod-sunod ang pagkalabog. Bakit naman niya sinasabi sa akin ito . Nakatitig parin ako sa kanya ganun din siya sa akin .

" Tandaan mo Ayokong gawin ang mga bagay na iyon "

Sabi niya sabay alis saktong nagising naman ako .

( End of dream )

Ano kayang ibig sabihin non bakit ko kaya siya napanaginipan hindi kaya mamamatay na siya kaya siya naghahabilin kaya lang hindi naman yun habilin eh nagtapat lang siya pero I love you imposible galit nga sa akin yun eh ayaw niya akong kasama tapos lagi niya akong sinasabihan ng stupid kaya bakit siya mag a I love you .

Pero bakit ganito ang bilis parin ng tibok ng puso ko ayaw tumigil ano ba naman yan!Pero ano bang ibigsabihin non? Parang totoo. Jusmiyo naman.

Sabi nila may meaning ang panaginip. Pero yung akin kaya? Sobrang weird. Imposible din namang mangyari ._.

Sandra's End of Point of View

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Author's Note : Pasensiya na kung ganito lang wala na po akong maisip eh bawi nalang po sa susunod .

Please Vote Comment Share

Thank you ;)

Enjoy reading guys :)

The More You Hate , The More You LoveWhere stories live. Discover now