Chapter 14: The Floating Kingdom of Aeros

63 2 1
                                    

"Pagod na ako" wika ni Kiko kay Nikko "Don't worry nandito na tayo" lumingon lingon si Kurt at Kiko "Saan?!" nangiti si Heather "Nasa taas ang bayan ng Aeros" wika ni Jamir tumingala ng sabay sabay sila Pamela "Paano tayo aakyat diyan" wika ni Aljon sabay tumro si Jamir at Heather "Doon tayo dadaan" isang malaking bakal na kadena ang nakabaon sa lupa at nakakapit sa bayan ng Aeros "Ayon sa alamat ng bayan namin ang Aeros ay sinumpa ng God of wind na si Aero" wika ni Stefan, tumungo-tungo sila Aljon "At ang dahilan ay ang sobrang kayabangan ng dating hari ng bayan na ito" tumungo si Clay sa sinabi ni Jamir. "Aaeri magtago ka muna sa bulsa ko" lumiit ang kaniyang guardian at sumuksok sa loob ng bulsa niya. "Ang swerte ni Aaeri noh" wika ni Maureen na kinatawa nila Pamela at Fiollie.

Inaayos ni Jamir ang tali sa bewang ni Maureen, bahagyang huminto siya sa ginagawang pag-bungisngis nito. "Hindi ka ba titigil" tinikom nito ang bibig at tumingin sa ibang direksyon. "Maalog ang kadenang yan Jamir" wika ni Aljon, "Alam ko pero kung itatali natin ang mga sarili natin sa isa't-isa at kakapit ka sa kadena mababawasan ang chances na mahulog tayo" napalunok si Fiollie at sinilip ang bangin, "Kuya Aljon, mapapatay ka ni Ate Fiona kapag nahulog ako dito" tumawa si Jamir "Huwag kang mag-alala nandito ako at si Clay" ngumisi ang dalagita "Kaya lalo akong natatakot" tinignan siya ni Clay "Anung sabi mo?" nag-peace sign lang si Fiollie. "Tara na" kumapit si Jamir sa kadena at sinimulan ang pag-akyat "Nakakatakot" wika ni Fiollie "Pede bang sakyan ko na lang si Aegis "Umiling si Jamir "Kapag nakita nila si Aegis sa guardian mode niya baka atakihin nila tayo" lumunok si Fiollie at sumunod siya kay Pamela. "Mukhang matatawag ko lahat ng santo nito" wika ni Kiko at sumunod kay Aljon.

Habang tumutulay sila ay may nadinig si Jamir at lumingon sa itaas ng bayan, isang malaking ibon iyon. "Naloko na! nandiyan na bantay nila" nanlaki ang mga mata ni Fiollie "Kuya!" mabilis na dumaan ang ibon sa kanila na naging dahilan ng pag-alog ng kadena "KYAAAAAAHHHHH!!!!" napabitiw si Maureen at kasabay ng kadena ay napalayo siya sa kinakapitan "Maureen!" mabilis na hinawakan ni Jamir ang kaliwang kamay niya "I got you" iniaangat ni Jamir ito "Pabalik na siya!" wika ni Pamela "Aegis!" naging malaking ibon iyon at sinalubong ang isang ibon, mabilis na niyapos ni Jamir ang bewang ni Maureen "Jam may kasunod pa" turo ni Aljon "Pambihira! Aeri!" lumabas ang guardian niya "Paunahin mo sila haharangan ko mga kawal nila" tumungo ang guardian at gumamit ng mga hangin upang makalipad sila Aljon "Tutulong ako" wika ni Clay inilabas nito ang pakpak at lumipad. "Shield on!" ginamit ni Fiollie ang kakayahan upang maprotektahan ang iba. Sinalag ni Jamir ang isang kawal na aatakihin si Maureen "My hero" natawa si Pamela at sa paglapag nila sa kalupaan ng Aeros ay nilabas ni Pamela ang pana at mabilis na inasinta ang isa sa mga sundalo. "Nice shot" wika ni Aljon na kinidlatan ang isa sa mga ibon kaya iyon bumugsak at mabilis na sinugod ang tower ng defense ng Aeros "Tama na!" lumingon sila sa nagsalita "Ama!" bulalas ni Stefan at Clay "Ama?! So ganito pala nila salubungin ang anak nila" wika ni Aljon na nagpatawa kila Fiollie at sa triplets.

"Pasensiya na kayo, according kasi sa radar namin signal ng dark forces ang nasasagap ng system namin" pagpapalkiwanag ng ama nila Stefan "Hindi naman po talaga nakakapagtaka na iyan, dahil si Clay ay may dark side tulad ko" wika ni Jamir. "Ganun ba buti at kontrolado mo ang iyo" tinignan ni Jamir si Maureen na nililibot ang mata sa palasyo. "Sa ngayon nakokontrol ko siya" nangiti si Pamela at siniko si Maureen "Tinitignan ka niya" bulong niya sa kaibigan. Nangiti si Maureen at inipit ang buhok sa likod ng tainga niya at sinilip si Jamir na seryosong kausap ang Hari ng Aeros. "May plano pala ang Walton sa digmaan, malabo ang Aeros" napagitla si Stefan "Bakit naman ama?" pagtataka nito "Sa mga nagdaang buwan ang Aeros ay laging nahaharap sa pagatake ng Dark Lord, marami ng kawal ang nawala at ang mga natitira ay mga matatanda at kabataan" napabuntong hininga si Aljon "Wala ba kayong barrier" tanong ni Jamir "Masyadong luma ang system ng Aeros" nangiti si Heather "Hindi po problema iyan, I can work on it" wika niya at sinamahan siya ni Stefan sa control system. "Mga bata din ang kasma niyo" pagusisa ng hari "Huwag niyo silang maliitin sila ho ang nagpasabog ng tower niyo kanina" wika ni Aljon nangiti ang hari at inakbayan si Clay. "Tara malamang gutom na si bunso" nangiti si Clay at naningkit ang mata si Fiollie "Bunso" bulong ni Kiko at Miko nangiti naman si Fiollie at Pamela "Bullying susumbong ko kayo kay Ate Dalfiya" panakot ni Fiollie sa mga ito.

Nung gabi na iyon, nilapitan ni Stefan si Heather at inabutan ng cup ng gatas "Okay lang ako, di ko need ng gatas" ngumiti si Stefan, "Kamusta na" nilapitan niya ito at ang monitor "89% na ng system ang nauupdate ko, binago ko na din ang warfare system, naka-auto na ang barrier in case there is a signal na ma-capture ang radar" umikot si Heather at may pinindot sa kabilang computer "Ginagawa mo lahat yan ng sabay-sabay" ngumiti ito "May pinagtataka ako, may mga files ang system niyo na dapat nasa main computer na nasa control system" napakunot noo si Stefan "Anung ibig mong sabihn?" pag-usisa niya "It means na-hacked ang dating system ng palasyo at bumagsak dito sa control system ang files, it means-" hindi matuloy ni Heather ang sasabihn "What?" lumunok si Heather "Na may nagtraydor dati sa kaharian niyo na nagpapababa ng computer system niyo kaya hindi ito ma-update" yumuko si Stefan "Meron" tinignan ni Heather si Stefan "Sino?" siya naman ngayon ang nag-tataka "Si Iceman" napakamot ng ulo si Stefan "Dahil sa ginawa niyang iyon, napatalsik kami sa Theia, at napag-isipang traydor ng sarili naming bayan" tumungo-tungo si Heather "Pero okay na kayo" napayuko lang si Stefan "Iceman, hindi ko siya mapapatawad dahil sa ginawa niya namatay ang aming ina at ilang tauhan, "Pero minsan dapat nagmomove-on din, hindi naman niya ata sinasadya yun dahil kontrolado siya ng Dark Lord" napahinto si Stefan at tinignan ito habang nagtatype sa computer, "Ayos!" tumayo siya "Bakit?" nilapitan niya ito at yumuko sa upuan nito nilingon siya ni Heather at napatigil, tinignan niya din ito at ngumiti, "Uy! Anu ba ginagawa mo?" ngumiti si Heather "Ang bango mo" napatigil din siya sa dalaga "Nakita ko na yung file video ng control center" tumungo si Stefan, at pinanood nila ang file video, si Iceman iyon "Eric" wika niya at tinignan siya ni Heather "I told you kinokontrol lang siya ng Dark Lord, until now" napatingin siya rito at ngumiti "Well, magpapatrol muna ako, mag-radio call ka lang if you were already done there" ngumiti si Heather "Roger" muling nangiti si Stefan at sumara ng pinto ng control room.

"Ama, naayos na ang barrier" wika ni Clay "Barreir on" wika ni Heather at isang shield ang pumalibot sa buong Aeros "Ayos" wika ng Hari "Tungkol sa mga kawal "Papunta na ang 200 sundalo ng Walton, at 100 galing sa bayan ng Moros" wika ni Aljon, ngumiti ang amang hari at muling umupo sa kaniyang trono, "Pag-iisipan ko pa rin kung makiki-anib kami sa digmaang ito" ngumiti sila Aljon "Alam ko pong mahirap umoo dahil sa iniisip niyo ay ang kaligtasan ng tao niyo, sa panahon na tulad nito ang bawat bayan ay dapat magtulungan wala ito sa yaman o laki ng bayan mo kundi nasa pinunong alam ipaglaban ang tama at nararapat" napangiti si Pamela sa sinabing iyon ng binata na lalong nagpahanga sa kaniya. "Mister Walton, tama ka masyado akong nagiging kampante sa pagtatago sa kalaban, oras na para patunayan na ang bayan ng Aeros ay dapat lumaban na tell your King na ang bayan namin ay handa sa kahit anong tulong na mabibigay namin sa inyo" ngumiti si Jamir at gumawa ng bolang hangin at pinakawalan iyon.

(a=m*���i�o




HEROICDonde viven las historias. Descúbrelo ahora