Chapter 31: The Last Ingredient

864 24 0
                                    


Golden Chalice.

Wow. Hindi parin mag-sink in na nasa harapan ko na ang Tinatawag nilang Golden chalice.

"Are we going to get it?" Happy asked cheerfully. Halatang excited siya na mahawakan ang chalice. Pati rin naman ako, excited nang mahawakan ang chalice. This will be a history of mine.

"Yes." Doc said saka na dahan dahang kinuha ang chalice. Pagkatapos niyang makuha ay pinahawak niya ito saakin. Kinuha ko naman iyon mula sa kanya and I felt happy.

Magsasalita na sana ako ng biglang lumindol. Hindi naman yung lindol na lindol. Bigla na lang kasing gumalaw yung lupa at nagsisihulugan narin ng bato.

"Tara na!" sigaw Ni Bash saka na Tumakbo papunta sa pader na nagbukas kanina. Tinulak niya iyon palabas kaya nakalabas din kami mula sa loob ng kwartong iyon. Matatawag bang kwarto yun?

Nakita namin yung black butterfly kanina kaya kumaripas na kami ng takbo papunta sa isa pang entrance.

"Bilis!" sigaw ko nang makarating ako sa entrance. Binuksan ko iyon saka sila hinayaang lumabas. Bago pa maka-labas yung black butterfly ay isinara ko na yung pader.

Napaupo ako sa sahig saka napa-facepalm. Napagod ako dun ah. Nilingon ko sila at nakita kong naka-facepalm na rin sila habang nakaupo sa sahig.

"Okay lang ba kayo?" tanong ko. Napatango nalang sila dahil na rin siguro sa pagod nang biglang nag-angat ng tingin si Dopey at tumingin saakin na para bang may naalala.

"Yung chalice?" tanong niya. Napangiti ako saka kinuha sa loob ng cape ko, sa may bulsa doon saka Inilabas iyon. Ipinakita ko sakanya iyon kaya napangiti siya.

"Ano? Tara na?" pagaaya ni Bash saamin. Tumango naman kami saka na tumayo at naglakad papunta sa beanstalk. Pagod ako at hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang gumalaw pero para kay Lio, gagawin ko.

Pagkababa na pagkababa namin mula sa beanstalk, agad kaming nagtago dahil may naririnig kaming mga naguusap. Pagtingin namin, mga naka-black na damit na may design ng icon ng Death Kingdom. Mga tauhan sila ni Caspian?

"Sigurado ba kayong andito si Elizabeth?" tanong ng isa habang nakatingin sa beanstalk na pinagmulan namin. Napatingin naman saakin si Doc pero nagkibit balikat lang ako.

"Oo. Sabi ng mahal na reyna. Lika na." sabi nila saka na sila umakyat. Napatingin naman ako kina Doc na nakatingin din sa mga tauhan ni Caspian. Nang masigurado namin na wala na sila, agad na kaming kumaripas ng takbo para makabalik na ng Enchanted Kingdom ng biglang may nagsalita mula doon sa itaas.

"Ayun sila!" Napalingon kami doon at nakita namin na pababa na silang lahat. Agad kaming kumaripas ng takbo papunta sa Elementalia Kingdom.

Shit!

Biglang may lumitaw na isang tauhan sa harap namin. Nakadamit din siya tulad ng mga lalakeng humahabol saamin. Shit! Na-trap kami!

"Kailangan mong sumama saamin, Elizabeth." utos ng isang tauhan. Napatingin ako kina Doc at nakita kong nakahawak siya sa sword niya habang nagbibilang. Nakatingin siya saakin na para bang may sinasabi siya. Nagets ko naman agad yun kaya sumabay ako sa Bilang.

"Ano na?" sabi ng isa pa pero biglang sumigaw si Doc.

"Liza!" Agad niyang ihinagis saakin yung sword. Humarap ako sakanila saka sila kinalaban. Nasugatan ko yung tatlong lalake pero since alert sila, agad din nilang nailabas yung mga sandata nila.

Kinalaban Ko sila with all my might. Kung bakit kasi nakuha na nga namin lahat ng ingredients, saka naman magkakaroon ng harang. Bwisit talaga na Tadhana. Mapaglaro masyado!

Napatay ko na yubg dalawa pero may kalaban pa akong isa. Napatingin ako kina Doc at nakita kong pinagtutulungan nilang lahat yung dalawa pang kalaban. Napatingin ako sa lalakeng kaharap ko nang biglang itinutok niya yung sword saakin. Buti na lang at nakaiwas ako at agad ko siyang nasugatan sa may binti niya. Napahiga siya sa damuhan pero mas nagulat ako ng may makita akong hindi ko inaasahan na makikita ko.

Si Lio.

Napatulala ako sakanya. Anong ginagawa niya dito? Namamalikmata lang ba ako?

Pinikit ko yung nga mata ko pero pagmulat ko, andun parin siya sa pwesto niya habang nakatingin saakin. Totoo ba talaga to?

Magsasalita palang sana ako ng biglang nagsalita si Bash sa likod ko.

"Liza!" sigaw niya saka ako itinulak. Napasubsob ako pero Pagtingin ko kina Doc ay nakasaksak na yung sword niya sa may lalake. Wala na ang mga kalaban. Namatay silang lahat at dahil yun saamin.

Napatingin ako kay Lio pero nagulat ako ng naglalakad na siya palapit saakin. Tumayo ako saka nagpagpag bago ibinalik ang tingin sakanya. Nang makalapit na siya saakin ay halos hindi ako makasalita.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Nagpapasalamat na nahanap ko na rin yung dila ko.

Pero napaiyak ako ng bigla niya akong yakapin. Ang tagal ko tong hinintay. Pero mas naiyak ako ng bigla siyang nagsalita.

"Elizabeth." at doon na ako umiyak.

~*~*~

The RevengeOnde histórias criam vida. Descubra agora