Chapter 5

2.7K 53 18
                                    

A/N: Magiging intense po ang mga pangyayari sa Chapter na ito... pero, sana po magustuhan nyo 

____________________________________________________

Naghintay si Sharlene sa tagpuan nila ni Nash tuwing Biyernes… pero, hindi naman sya dumating kaya sobrang naging malungkot si Sharlene. Kinabukasan umalis si Sharlene sa mansion para magtanong tanong sa taniman kung saan nakatira si Nash. Hanggang sa tuluyan na ngang may nakapag-sabi sakanya. Napa-ospital narin nila Nash at Mang Ronaldo si Angel.

Sharlene: tao po? Tao po? Nash?

Nagkagulatan naman sila ng biglang lumabas si Nash sa likod bahay

Nash: Sharlene… anung ginagawa mo dito?

Sharlene: Edi dindalaw ka…

Nash: pano mo nalaman na dito ko nakatira?

Sharlene: Nagtanong tanong kasi ako sa pabrika ehh… bakit parang di ka naman masaya na makita ko?

Nash: Masaya naman ako kaya lang kase marami akong ginagawa ngayon eh… umuwi ka na.

Sharlene: Eh yan rin ung narinig ko kahapon ah… sabi mo magkikita tayo nung gabi pero di ka naman sumipot. Alam mo bang Friday kahapon? Naghintay ako Nash.

Nash: Di ko nman sinabing maghintay ka dun ahh…

Sharlene: Nash anu bang nangyayari dito? Bakit ka ba ganyan? Parang isang linggo lang ang nakalipas namangka pa nga tayo nun sa lawa eh… tapos bigla ka nalang naging ganyan.

Nash: Pwede ba, Shar… ang kulit kulit mo naman ehh… kung napapagod kna edi tama na. sino ba kasi nagsabi sayo na maghintay ka kagabi?

Sharlene: Anung tama na? anung ibig mong sabihin?

Nash: Shar, patapos na ang summer… alam naman nating pareho yun diba?

Sharlene: So, ayun na yun? Sasabihin mong mahal mo ko tapos ganito na? Eh wala ka naman pala eh! Sinungaling ka! Akala ko pa naman mahal mo talaga ko! I HATE YOU! AYOKO NA SAYO! ANG SAMA SAMA MO! (Naiyak na si Sharlene)

Nash: Naging masaya ang isa’t kalahating buwan pero yun nay un… kaylangan mo ng bumalik kung saan ka dapat. Umuwi ka na sa mansion nyo Shar. Baka may makakita pa sayo dito.

Tumakbo papalayo si Sharlene habang umiiyak. Walang kasing sakit ang sakit na naramdaman nya ng marinig nya ang mga salitang lumabas sa bibig ni Nash. Habang si Nash naman ay napaluhod sa lupa at paulit ulit nyang sinuntok ang sahig… sobra syang naiinis sa sarili nya at sa mundo dahil nawala na sakanya ang babaing pinapangarap at minamahal nya. Habang tumatakbo si Sharlene pabalik ng mansion ay nakabunggo nya si Andre.

Andre: Ay! Ma’am Sharlene… pasensya na po… di ako nakatingin sa dinadaanan ko eh… (napansing umiiyak si Sharlene) Ma’am Sharlene… umiiyak ka po ba?

Sharlene: Ah… hindi... okay lang ako. Pumunta kasi ako kila Nash eh… tinapos nya na ang lahat Andre. Ganun ganun nalang ang lahat para sakanya.

Andre: Ma’am Sharlene… sasabihin ko po sainyo toh dahil nagmamalasakit po ako. Ang totoo po nyan pinuntahan ni Ma’am Jean si bespren limang araw na ang nakalipas. Bingyan ho nya ng kalahating milyong piso si bespren pero, ang kapalit po nun ay lalayuan nya kayo.

Sharlene: So, tinanggap ni Nash ang pera?

Andre: Opo ma’am… gipit din ho kasi sila eh. Tapos malubha na ho ang sakit ng kapatid ni Nash na si Angel at kung hindi po sya mabibigyan ng sapat na gamut baka mangyari ho ulit ung nangyari kay Mang Tonton… Pero, ang totoo po nyan ma’am umiyak po saakin si bespren nung gabing yun. Inis na inis sya sa sarili nya kasi nasalba nya nga ang kapatid nya pero… nawala naman po kayo… okay lang ho ba kayo Ma’am?

Summer Love [NASHLENE FANFIC]  *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon