Chapter: 48 "Steven"

791 43 11
                                    

"Isa pa nga uli." Hiling ko sa kanya habang ginagaya ko 'yung pagtaas baba ng kilay na ginawa niya kanina.

"Tama na. Gabi na. It's time to sleep."

"Maliligo muna ako bago matulog." Sabi ko bago tumayo sa kama tapos naghanap ako ng bathrobe at towel sa cabinet.

"I know you're tired and it's bad if you take a shower tonight. Baka mapasma ka. Bukas ka na lang maligo tutal mabango ka pa naman at hindi ka mukhang madumi. Maghilamos at magtoothbrush ka na lang then change your clothes, back to your bed and sleep."

"Are you commanding me, Mr. Collins?"

"I just cared about your health. I don't want you to get sick."

"Fine. I'll follow your command in one condition." I said while flashing a suspicious smile.

"You really love business, don't you?"

"Well, I was raise with business minded people around me so you can't blame me."

"Alright. You win. So what's the deal?" Naiinip na tanong niya.

"You won't leave this room unless I'm asleep. Got it?"

"Hundred percent, clear." Sobrang laki ang ngiting sagot niya.

"But." Putol ko sa kasiyahan niya.

"But?"

"It's a plain sleeping. Nothing more. Nothing less."

Mabuti na iyong nagkakalinawan kaming dalawa. Mahirap na baka mamaya kung saan mauwi ang pagtulog na ito.

"I know. I respect you... So much."

"It's nice to hear." Tapos tumalikod na ako para makapag ayos na nang sarili.

"Sandy, wait." Seryoso ang boses na pigil niya sa akin kaya napilitan akong lumingon.

"Why?"

"Can I ask a favor?" Halos pabulong na tanong niya.

"W--what favor?" Kinakabahang tanong ko.

Hindi naman siguro 'yung iniisip ko ang hihilingin niya 'di ba? Pero paano kung tama ang hinala ko?

No! Hindi pwede. May pagkadalagang Pilipina ako kaya hindi ko maibibigay ang gusto niya kung sakali.

Pero nasa teritoryo niya ako. May magagawa ba ako kung sakaling tumanggi ako?

But he said, he respect my decision. And... I think I should trust him. Ganoon naman talaga dapat 'di ba? Pagtiwalaan natin ang mahal natin.

"Can I..."

He sigh.

"Can I sleep besides you, until tomorrow morning?" Tanong niya habang nakatungo at halatang nahihiya siya kasi namumula na naman siya.

Pero 'yung dibdib ko, gosh! Sobrang bilis ng tibok. Mukhang aatakihin ata ako ng wala sa oras.

"Promise, I won't do anything that will make you upset. Just trust me." Dagdag pa niya.

Huminga muna ako nang malalim at saglit na nag-isip.

"Sige pumapayag ako."

Sana tama ang dedisyon ko.

"Yes!" Sigaw niya na may kasama pang pagsuntok sa ere.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pumapasok ako sa bathroom. I'm so lucky to be loved by a guy like him.

Kung dati natatakot ako sa tuwing nandiyan siya sa tabi ko ngayon naman natatakot ako na mawala siya. As of now, he's my everything and I can't afford to lose him. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin kung pati siya ay mawawala pa.

Halos itakwil na ako ngayon nang pamilyang kumupkop at nagpalaki sa akin. Wala rin akong kaide-ideya kung buhay pa ba ang totoo kong mga magulang. Malaki pa rin kasi ang galit sa akin nila mommy kaya hindi ko pa sila magawang tanungin kung paano at saan ba nila ako naampon.

"Lord, hindi mo naman po ako pababayaan 'di ba?" Bulong na tanong ko habang nakatingala sa may kisame.



Danna's POV

Medyo ngalay na ang binti ko dahil matagal-tagal na rin akong nakatayo sa labas ng pinto nitong kwarto ni Sandra para makinig sa usapan nila sa loob. For the first time ko kasing narinig na tumawa si Red kanina kaya na-curious ako kung ano bang meron, only to find out na 'yung bagong saltang babae pala ang kausap niya.

Honestly I don't really like that Sandra. Unang kita ko pa lang sa kanya kanina may kakaibang enerhiya na agad akong naramdam na siyang nagpapainit ng dugo ko hanggang ngayon. Mas nadagdagan pa ang pagkainis ko sa kanya noong makipag sagutan siya sa akin kanina. I hate her guts! Hindi man lang siya nasindak sa akin samantalang lahat ng katulong sa bahay na ito ay halos atakihin sa puso sa tuwing nakakasalubong ako.

That girl. I should observe her. Kailangang malaman ko kung sino ba talaga siya at saan siya nanggaling. Matagal ko nang kilala si Red at kahit na minsan never siyang nagdala ng babae sa kahit na anong mansyon na pagmamay-ari niya tapos gusto pa niyang tawaging Seniora ang babaeng iyon? There must be something with that girl and I need to find out that something. Hindi ko titigilan ang Sandra na iyon hanggat hindi ko nakukuha ang mga impormasyon na kailangan ko sa kanya.

"Prepare yourself Sandra, I'll make your stay here a living hell." Pabulong na sabi ko bago ko napagdesisyunan na umalis na dito sa may pinto bago pa man nila ako mahuli.

"Hindi ba naituro sa'yo na masamang makinig sa usapan ng iba?" Nakakagulat na sita sa akin ng lalakeng matagal ko nang isinumpang makita.

"Mind your own business." Malamig na sabi ko sa kanya habang pilit akong dumadaan sa harap niya pero pilit niya ring hinaharangan.

"I guess you should tell that to your own self." Seryosong sabi niya habang naka-cross arms.

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa'yo noong huli tayong magkita o baka naman gusto mong ulitin ko pa ulit?"

"Give a try para naman maalala ko." Walang emosyong sabi niya habang nakikipagsukatan ng tingin sa mga mata ko.

Kahit labag sa kalooban ko uulitin ko na lang ulit ang sinabi ko sa kanya noon para sa susunod hindi na niya talaga malimutan.

"Hindi. Ka. Welcome. Sa. Lugar. Kung. Nasaan. Ako." May diin ang bawat salita na sabi ko.

"Just for the record Dhanea, hindi ikaw ang ipinunta ko rito. Raven called me up and asked for my help. Siguro wala namang masama kung dalawin ko ang kaibigan ko sa sarili niyang mansyon."

Kung kanina nag-iinit na ang dugo ko pwes ngayon kumukulo na ito to the 360 degree celsius! Ano ba kasing naisip ni Red para papuntahin dito ang lalakeng ito? Hindi ba niya naisip na baka magkaroon ng world war 3 kapag pinagsama niya kami ni Steven sa iisang bubong?

"You know what Dhanea, hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangang isa sa atin ang lumayo sa tuwing nagkikita tayo kung tutuusin ikaw naman ang unang nakipag hiwalay at sumira sa relasyon natin kaya wala kang karapatang umarte na parang afftected ka sa presence ko. Maliban na lang kung..."



Christ Illumination: The Book of ProphecyWhere stories live. Discover now