Chapter: 76 "Prince Kenneth"

669 33 10
                                    

Red's POV

"Kailan natin siya babawiin?" tanong ko kay Steve habang pinagmamasdan namin si Sandy mula rito sa katapat na building nang Collins' Technologies.

Saktong-sakto ang kwartong nakuha namin sa hotel na ito, para makita kung ano ang ginagawa ni Sandy sa office.

"Nag-iisip pa rin ako kung kailan, basta huwag muna ngayon. Masyadong mahigpit ang security niya, nakita mo naman kanina 'di ba?" tukoy niya doon sa humigit kumulang isandaang kataong bodyguards ni Sandy.

Mukhang talagang, wala nang balak ang highest family na makawala pa si Sandy sa kanila.

"Pero kapag hindi pa tayo kumilos, sapilitan nilang riritwalan si Sandy para maging ganap na illuminati. Kapag nangyari iyon, lalong lalakas ang kapangyarihan ng impyerno. Malaki ang tiyansang, gumunaw ang mundo," paalala ko sa kanya.

Si Sandy ang pinakamalakas sa lahat ng lahi nang illuminati. Nagtataglay kasi siya ng banal na dugo at dugo ng demonyo. Kapag tuluyan na niyang tinalikuran ang kabutihan, siguradong lalakas ang buong pwersa ng kasamaan.

Sa ngayon, kahit nakakagamit na siya ng kapangyarihan ng demonyo, pwede pa rin siyang bumalik sa normal. Pero kapag naritwalan na siya, katapusan na talaga ng lahat.

"Isa na lang ang tanging solusyon na alam ko. Iyon ay walang iba kung hindi ang Book of Prophecy," sagot niya.

"Pero wala tayong kaide-ideya kung nasaang lupalop ang librong iyon. Ni hindi nga tayo sigurado kung buo pa ba iyon o matagal nang nasira," kontra ko sa sinabi niya.

Ayon sa pag-iimbestiga namin, ang Book of Prophecy lang ang makakasagot sa mga katanungan namin. Iyon daw kasi ang nagtataglay ng mga ritwal upang mawasak ang kasamaan. Iyon rin ang tanging solusyon upang bumalik kami sa pagiging mortal.

"May panibagong impormasyon na nakuha sina Father Rene. Ang sabi niya, malaki ang posibilidad na nasa Isarael ang librong hinahanap natin. Ang problema, mga Muslim ang nakatira roon. Hindi sila sigurado kung makukuha ba nila ang nasabing librong."

"May pumunta na ba sa Israel para hanapin ang libro?"

"Meron na. Sa katunayan, kasabay kong umalis nang Pilipinas sina Sister Fatima."

Napabuntong hinga na lang ako sa sinabi niya.

Nawawalan na talaga ako ng pag-asa na mabawi pa si Sandy. Masyado ng komplikado ang sitwasyon.

Pero hindi pa rin ako susuko. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko kahit na buhay ko pa ang maging kapalit.

"Siya nga pala, nakalimutan ko itong ibigay sa'yo," maya-maya'y sabi niya habang inaabutan ako nang maliit na kahon.

"Ano ito?" medyo nalilitong tanong ko habang inaabot 'yung kahon.

"Galing iyan kay Sister Fatima. Ang sabi niya, makakatulong daw iyan upang maprotektahan natin si Sandra."

Binuksan ko itong kahon at isang pamilyar na rosaryo ang nakita ko. Kung hindi ako nagkakamili, ito 'yung pinaniniwalan na makapangyarihang rosaryo mula sa Nazareth. Ito rin mismo ang rosaryo na hawak noon ni Sandy, nang unang beses silang magkita ni Veronica sa labas ng simbahan.
~~~

Sandra's POV

"Do you have any other suggestion for our coming engagement party?" malambing na tanong sa akin ni Prince Kenneth.

Nginitian ko lang siya ng tipid bago ako umiling.

Sa isang linggo na ang araw nang engagement namin at alam kong, iyon na rin ang araw kung kailan tuluyan ng magbabago ang buhay ko.

Christ Illumination: The Book of ProphecyWhere stories live. Discover now