Chapter 2

3.9K 112 3
                                    



"IF YOU really want make love with me, hindi mo ako makukuha sa sigaw," sagot niya sa normal na boses at inirapan ito.

"What if I whisper?" Nagbago ang tono ng boses nito.

Matabang siyang tumawa. "Hindi rin, Jake."

"Kelan puwede?" Nauwi sa lambing ang boses nito.

"Matagal pa."

"Hindi puwedeng malapit na?" kulit nito.

"Ano ka ba, gumagawa ka ng pag-aawayan natin. Ako nga ang dapat mainis pa sa iyo, eh. Nangako ka sa akin na sasamahan mo akong kumuha ng mga paninda ko sa supplier ko. Pero hindi ka dumating," paglilihis niya sa usapan.

Tinitigan siya nito saka mayamaya ay isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon at ngumiti. She loved the way he do that. Nagpapa-cute ito na effective na effective naman sa kanya.

"Nasabi ko na nga kanina. I had a meeting at bumili ako ng poinsettia," malambing na sabi nito at lumapit sa kanya. "Hindi mo man lang pinapansin ang poinsettia na binili ko para sa iyo."

"Sanay na ako sa mga poinsettia. Mas iniinda ko yung pagod ko sa pagbuhat ng stocks. Ang sakit kaya ng balikat ko."

Mabilis itong pumwesto sa likuran at dumako sa mga balikat niya ang kamay nito. Dahan-dahan nitong minasahe iyon. Napapikit siya nang makaramdam ng ginhawa sa ginawa nito. Mayamaya ay napapitlag nang maramdaman na iba ang diin ng pagmamasahe nito. Eksaktong paglingon niya sa binata nang dumampi ang mga labi nito sa batok niya.

"Jake!" kislot niya. Parang sinundot sa tagiliran na pumiksi siya dito. "Ayan ka na naman."

Sumimangot ito. "Para nilalambing ka lang."

"Alam ko naman kung saan papunta iyang sinasabi mong lambing na iyan, eh." Binalikan niya ang mga damit na kukuhanan ng litrato para i-upload mamaya. Iniladlad niya ang isa at isinabit upang i-steam. Ganoon siya magtrato sa paninda niya, gusto niya ay perpekto iyon para mas ma-appeal sa mga buyers niya. Magpa-Pasko at kabisado na niyang kapag ganitong panahon ay hindi lang triple ang nagiging sales niya. Ngayon pa lang ay excited na siya. Kahit na sinong negosyante ay Christmas season ang inaabangan.

Napatili siya nang buhat sa likod ay niyakap siya ni Jake. "Jake, ano ka ba?!"

"Puro iyan ang pinapansin mo samantalang nandito na nga ako. Ni hindi mo yata na-appreciate yung pasalubong ko sa iyo, eh." Hinigpitan nito ang yakap sa bewang niya.

She inhaled. For a while, sumandig siya sa dibdib nito at pumikit. Gusto niyang namnamin ang mga sandaling iyon. Dahil sa mga pagkakataong iyon ay nare-realize niya kung gaano siya ka-suwerte sa binata. Hindi siya nito pinupuwersa sa isang bagay na hindi pa niya handang ibigay. At dahil doon kaya naman mas lalo niya itong minamahal.

She closed her eyes. Iniyakap din niya ang mga kamay sa braso nitong nagkukulong sa kanya. "I love you, Jake," she said in almost a whisper.

"I love you more, Love. Alam mo iyan. Noon pa man."

"I know, Jake. Ikaw lang ang hindi tumatawag sa akin sa iba kong pangalan. And I mean, ever since." To most people, she was Rachelle.

"Because, no other name suits you, Love. It's always love. Dahil iyan din ang nararamdaman ko sa iyo mula pa noon."

Nakairap na nilinga niya ito. "Kaya naman pala kahit naka-graduate na tayo ng college, wala pa akong kamalay-malay sa nararamdaman mo na iyan," tudyo niya dito.

"Kahit sinong lalaki, may tendency na natotorpe lalo na pag talagang totoo sa loob namin ang feelings namin. Parang hirap kaming aminin."

"Thank you, Jake. Hindi madali ang naging simula ko. But you were there. You are always here for me."

Pahiram Ng Isang Paskoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن