Chapter 3

3.2K 89 2
                                    



"I CAN'T believe this," mangha pa ring sabi ni Love.

Hindi niya inaasahang planado ni Jake ang lahat. Sa loob lamang ng ilang oras ay nagawa nitong baguhin ang estado niya. Indeed, she was now Mrs. Jake Primavera. Sa ring finger niya ay ang engagement ring na halos hindi pa nag-iinit sa pagkakasuot ay may katabi nang wedding ring.

Jake wasn't armed with just a "ninong" judge, he also had a pair of wedding rings in his pocket. Nang banggitin ng hukom ang tungkol sa singsing habang ikinakasal sila ay maluwang ang pagkakangiti na inilabas nito iyon. And she was really stunned.

Hindi pa siya nakaka-recover sa pagtitig sa suot niyang engagement ring ay may nadagdag na doon na wedding ring. Both carried a solitaire diamond. The engagement ring was set in classic tiffany style while the other diamond was securely embedded in the wedding band. At sa loob niyon ay naka-engrave ang pangalan nilang dalawa. Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Talagang desidido si Jake na pakasalan siya.

Indeed, patience is a virtue. Hindi niya inaasahang ganito ang mangyayari kapalit ng tahimik na pag-asam niyang ayain siya nitong magpakasal.

"Maniwala ka na. Hindi lang panaginip ang lahat," tila nanunudyong sabi sa kanya ni Jake.

"Dahil sabi mo nga, boy scout ka." Matamis ang ngiting gumuhit sa mga labi niya. "Pero sobrang bilis naman nito, Jake. Para tayong nagtanan."

"Huwag kang mag-alala. Magpapakasal tayo uli. Alam ko naming magugulat ang lahat pag nalaman nilang kasal na tayo. Ayoko lang ng mahabang engagement."

"Kaya diretso kasal na? Agad-agad?"

"Why not? Honeymoon na rin, agad-agad." Kumindat ito sa kanya.

Nahampas niya ang balikat nito. "Ayun? Talagang iyong ang motibo mo sa shot-gun wedding na ito, ano?"|

Ang lakas ng naging tawa ni Jake. "I've always been dreaming about it, Love. Masisisi mo ba ako?"

Inirapan niya ito.

Maagap naman siyang kinabig ni Jake. "Alam mong higit pa doon ang dahilan," sabi nito sa kanya na ilang dali lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Kinintalan siya nito nang mabilis na halik sa kanyang mga labi. "I love you, Love. So, so much." Bumalik ang mga labi nito sa kanya. At naging madiin ang paghalik.

She closed her eyes. Alam niya, ramdam niya sa mga salita at halik nito na totoo ang sinasabi nito. Lumalim pa ang paghalik nito. Nagsasaliksik sa loob ng bibig niya. Gumapang sa kanya ang pamilyar na init ng halik nito, ang kakaibang kiliti na pumupuno sa kanya kung saan lalo siyang nasasabik pa sa susunod na gagawin nito. Buong-puso niyang tinanggap ang bawat halik nito. At gumanti din.

Kumawala ang bahagyang pag-ungol ni Jake bago halos dakutin nito ang batok niya upang lalo pang magkalapit ang kanilang mga mukha. Mas mainit ang sumunod na halik nito. Mas malalim.

And she felt herself ready to kiss him back, in the same way he was kissing her. Kaya naman ganoon na lang din ang gulat niya nang kusa itong bumitaw sa kanya.

"Jake..." she asked, wondering.

Isang paghinga ang pinakawalan nito. "I have to stop. We need to stop." Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa pagitan ng mga hita nito.

Parang manunuyo ang lalamunan niya nang maramdaman ang tinutukoy nito. He was so big. Hard. And hot. Parang balewala ang kapal ng maong na suot nito at tila nararamdaman niya ang pintig niyon. Gusto niyang mailang pero mas nangingibabaw sa kanya ang excitement. Kay tagal din siyang nagpigil ng sarili.

"I don't want our first time to be in this car. Some other time, I promise." Narinig niyang sabi ni Jake.

"Luko-luko ka talaga," natatawang sagot niya.

He did a smack kiss on her lips bago umayos ng upo sa harap ng manibela. "Bakit naman ba hindi? Ita-try din natin ang ganoon."

"Jake!" pigil ang tili na wika niya. "Tumigil ka. Nakakahiya."

Nag-echo sa buong sasakyan ang tawa nito. "Walang nakakahiya. We have all the rights. Remember, we're on a honeymoon, wifey."

Natigilan siya. Wifey. She liked it. She liked the way Jake was calling her. Finally realization hit her. Husband and wife. They were indeed married now.

"Jake," she called her softly.

"Hmmm?" Sinulyapan siya nito habang nagmamani-obra.

"Mag-asawa na tayo," she said dreamily.

"You're right!" sambit nito na parang nanalo sa lotto. "In fact, mag-asawa na tayo ng isang oras, dalawampu't siyam na minuto at mga anim na segundo."

"Bilang na bilang mo. Eh, gaano tayo katagal na engaged?"

"Mga isa't kalahating oras din. Actually, kung hindi lang traffic sa EDSA, mas maigsi pa sana ang engagement natin."

"So, kasalanan pala ng EDSA?"


******************


Hello, readers!

Thank you for reaching up to this part.

For some years, readers had the opportunity to enjoy reading this over and over again for FREE.

However, this time around, the complete story found its new home at Dreame. (Ang Dreame ay isa ring reading app na gaya ng Wattpad. Hanapin lamang sa Google Playstore (for Android users) at sa iPhone users, pakihanap na lang din.)

You can search me on Dreame under the username Jasmine Esperanza.

Thank you so much.

*****

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor  

Pahiram Ng Isang PaskoWhere stories live. Discover now