Chapter XXXVIII (Déjà vu)

154 69 35
                                    

Ibinato ko ang remote diretso sa flat screen T.V. dahilan para mabasag 'yon.

It's been three months since lumayo ako sa kanya, sa kanila and I swear, hindi ako natutuwa sa mga nalalaman kong balita bukod na lang sa pagkakabuo ulit nila.

Kesyo natauhan daw si Taehyung at nilayuan ako, na nagkabalikan na daw si Eun ji at Taehyung, na hindi na sila babalik ng Pilipinas and etc.

Fuck showbiz! Eh puro kasinungalingan lang naman ang meron! Nakakainis!

Dagdag pa sa inis ko 'yong mga bitches na hindi ko ma-contact. Mga bwisit sila! Hindi ma-contact o ayaw mag-pa-contact?!

Napasandal ako sa headboard ng kama.

Sa tingin ko, ang magandang nangyari lang sa akin this past few months ay ang pagkakasundo namin ni mommy. Naliwanagan na din kasi ako kung bakit iniwan nila ako sa Pilipinas. Ayaw lang nila akong i-expose sa napaka-duming mundo ng showbiz, pero gano'n pa rin naman ang nangyari.

Ano bang pwedeng gawin ngayon?

Napaisip ako ng biglang sumagi sa isip ko si Lacey.

Aha! Kung dalawin ko kaya siya sa mental? Tutal para naman akong preso dito.

Tama!

Tumayo ako at pumasok ng walk-in closet, nasa kalagitnaan ako nang pagsusuot ng dress nang maalala kong bawal nga pala akong lumabas.

Paksiyet!

Ano bang klaseng buhay 'to?! Dahil sa inis ay naibato ko ang dress,

May bigla akong naisip na idea kaya nag-bihis ulit ako pero this time casual na lang, shirt, jeans, sneakers, cap at hoodie.

Tatakas na lang ako.

Ni-lock ko ang pinto at dumaan sa bintana. Buti na lang at 'di masyadong mataas at may hahawakan naman ako para makababa.

Successful akong nakababa bago tuluyang tumakbo papalabas ng gate, day off  ng mga guards namin kaya 'di ako nahirapan.

Tinakbo ko din hanggang sa makalabas ako ng subdivision kaya halos mawalan ako ng hininga habang nakasakay ng taxi.

Papasok ng ako ng pinto ng biglang may makasalubong ako at talagang nagkabanggaan kami

"Ano ba 'yan?! You're so tanga!" 'di ko maiwasang sabihin

Nakayuko siya at may suot ding cap kaya 'di ko makita ang mukha niya.

Akmang lalampasan na niya ako ng hawakan ko siya sa braso at hawiin ang cap niya, pakiramdam ko kasi kilala ko siya

"A-andrea?" paninigurado ko

Hinablot niya ang cap niya mula sa akin bago mag-patuloy sa paglalakad.

"Andrea! Wait!" hahabulin ko pa sana siya pero nakasakay na agad siya sa isang big bike

What the heck is happening?

Tuluyan na akong pumasok sa hospital at dumiretso sa room ni Lacey, dito galing si Andrea, I wonder why? 'di naman sila close ni Lacey eh.

"I'm not baliw nga! Ericka naman! Isusumbong kita kina mommy! You're so sama!" 'yon agad ang narinig ko habang naglalakad sa hallway

Nang makalapit ako ay nando'n si Ericka at Cyndhie habang nakaharap sa pinto kung saan ang kwarto ni Lacey.

"As if makapagsusumbong ka eh naka--"

"Jack?" naputol ang sinasabi ni Ericka ng mapansin ako ni Cyndhie

Tinanggal ko ang cap ko at taas noong naglakad papalapit sa kanila.

Suicidal MissionWhere stories live. Discover now