Chapter XLV (Memories)

213 68 18
                                    

Hindi na lang ulit ako nagtanong kung saan ang lugar na pupuntahan namin.

Mas maganda kung ma-s-surprise ako.

Habang nasa biyahe kami ay panay ang kanta nilang pito dahil siguro sa boredom.

Napapangiti na lang ako kapag naririnig ang boses nila. Ang swerte-swerte ko kasi, live ko silang naririnig na kumanta.

Pagkatapos kumanta ni J-Hope na may kasamang rap ay turn naman ni Taehyung.

Nagsimula siyang kumanta. Kinilabutang pa 'ko ng marinig ang boses niya. My God, ang ganda talaga ng boses niya.

'Someone Like You' ang title ng song.

Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko, dahil ba sa boses niyo? o dahil sa nakatitig siya sa akin habang kumakanta?

Pakiramdam ko nakahinga lang ako ng maluwag nang matapos siyang kumanta. Ako lang ba o sadyang may pilit siyang sinasabi sa'kin habang kumakanta siya?

Tsk. Dami mong alam Anne!

Napaisip tuloy ako, ano kayang relasyon ko kay
Taehyung dati?

"Ikaw naman princess Jack!" sabi ni Jin

Umiling lang ako habang nakangiti.

"Sige na! Kakanta na 'yan!" pangungulit ni Jimin

At dahil mukhang wala silang plano na tigilan ako ay pinagbigyan ko na lang. Ang kulit nila eh.

Dahil wala na 'kong maisip na ibang kantahin ay kinanta ko na lang ang song nilang 'Butterfly'

Buong pagkanta ko ay nakatitig lang silang lahat sa akin.

"Shit, ang ganda pala talaga ng boses mo. Nakaka-in love" parang lutang na sabi ni Jungkook nang matapos akong kumanta

Napangiwi pa 'ko ng sunod sunod siyang batukan nila Suga, Jimin, Jin at Taehyung.

"Kaya pala sumikat 'yong video mo, maganda pala talaga ang boses mo" nakangiti namang sabi ni Jin

"Thank you" nakangiting pasasalamat ko

"Mag-kwento ka na lang Jack" sabi naman ni J-Hope

Natahimik bigla sa van at napatingin kaming lahat kay J-Hope. Wow, first time niya 'kong kinausap!

"What? Titingin na lang ba kayo diyan?" sabi ulit ni J-Hope

Ano 'yon? Kahit sila 'di makapaniwala na nag-salita si J-Hope?

"Baby Jack! Kwento ka dali!" basag naman ni Jimin sa katahimikan

Baby?, ah, siguro endearment niya 'yon sa'kin dati.

"Anong gusto niyong i-kwento ko? Eh ayaw niyo ngang marinig mga pangalan nila? Kayo na lang mag-kwento!"

Nagkatinginan pa silang lahat. Bago dumako ang tingin nilang lahat kay Taehyung.

"Bakit ako?!" angil pa niya habang nakangunot ang noo

"Kwento ka na V" ngiti ko

Lumingon siya sa akin at biglang lumambot ang ekpresyon niya.

"Fine! Sa'n ba niyo 'ko gustong mag-kwento?"

"Tungkol sa break up niyo ni Irene!" request ni Suga

Nawala ang ngiti ko, May naging girlfriend si Taehyung? Irene? Who's Irene? At ba't gano'n?

I felt my heart twitched. I mentally shook my head. Ano ba 'tong mga pumasok sa utak ko?! Ugh.

"Si Irene? Wala naman talaga kaming naging relasyon. Gusto lang ng fans kaya napilitan ako, tapos sa huli, ako rin ang humiwalay" parang wala lang na sabi niya

Suicidal MissionWhere stories live. Discover now