Chapter 1

6.2K 197 8
                                    

Ano'ng gagawin ko? Ano'ng gagawin ko? Ano'ng gagawin ko?

I'm sure. I'm very sure, kalat na kalat na sa buong school ang kabaklaan ko. Siguradong naipagsabi ito ni TJ sa lahat para makaganti sa'kin. Gaganti sya kahit wala naman akong ginagawang masama. Kasalanan ko ba na nailagay ng Diyos ang kaluluwa ko sa maling katawan? Kasalanan ba talaga maging bakla?

Para kay TJ siguro oo. Mukha kasing galit na galit talaga sya sa mga likong tao. Ano kaya ang dahilan ng pagkakaroon nya ng galit sa mga bakla? Meron ba talaga dahilan? Baka naman bakla din sya at ayaw nya lang umamin?

"Huy!" Napasigaw ako ng malakas nang may biglang tumapik sa likod ko. Agad akong lumingon upang tingnan kung si TJ ba iyong tumapik sa kanya. "Grabe ang OA mo, ha? Tinapik lang kita ungas."

Nakahinga ako ng maluwag ng malamang hindi si TJ ang tumapik sa'kin kundi ang kaibigan kong mas lalaki pa sa'kin kumilos.

Ehem, babae man po ang puso ko pero ayaw kong isagalaw o isakatawan. Kung kumilos at gumalaw naman ako ay parang lalaki, salamat sa echos. Kaya rin siguro walang nakakapansin na mas prefer ko ang obLong kesa sa diamond. Hindi ko talaga kahit kailan naisip o natipuhan magsuot ng pangbabae. Lalo na yung mga kolore sa mukha. Susme, 'hindi magandang tingnan' siguro ang pinakamaayos na term na pede ko ibigay. Well, no offense sa mga kalahi kong mga beki, opinyon ko lang 'yun. Kung gusto nyo magpahid ng makukulay na chemical sa mukha nyo, go ahead po.

Going back, si Hans lang pala 'yung tumapik sa'kin. Isa sya sa pinakamatatalik kong kaibigan. And as I've said earlier, despite of being a girl, mas lalaki pa yan kumilos sa'kin. Kung ako normal lang, siya naman ee maton. Napapasuot naman sya ng skirt basta uniform, pero di mawawala sa ulo nya yung round cap nya. Lagi ding nakapony tail ang buhok. Kelan ko ba yan huling nakitang maglugay? Uhm, a year ago... ay hindi pa nga pala. Kasi naman, kahit matutulog yan nakapony tail parin. Minsan nga iniisip kong may panot nalang syang malaki sa bunbunan nya kaya lagi syang nakaipit at nakacap. Pagtinanong mo kasi 'yan sisikmurain ka lang. Yup, ranas ko na yan at isang buong gabi akong walang kinain nun kasi di magfunction ng ayos ang mga organs ko sa tyan. Brrr.. ayoko na maalala pa ulit. Feeling ko nasusuka ako.

"Ba't ka ba kasi bigla-bigla nalang nananapik ng balikat?" Singhal ko sa kanya.

Inayos nya muna ang cap nya bago sumagot, "Bakit ka kasi nakasilip dyan sa gate ng ganyan? Sino bang tinataguan mo? Sabihin mo upakan natin."

Inirapan ko sya, syempre in a manly way. "No thanks. You can't win against him anyway. He's powerful." Mahinang sabi ko.

"Pota Glenn, superhero ba nakabangga mo?" Natawang sabi ni Hans. Binigyan ko naman sya ng nawiwirduhang tingin. "Aba sabi mo powerful, ee. Malay ko ba kung si Superman pala 'yan?"

Umiling-iling nalang ako. Bwisit, walang mararating ang usapan namin dahil sa kabaliwan netong kausap ko. Lagi nalang dinadaan sa biro ang lahat.

Biglang bumalik sa isip ko si TJ. Muling nanumbalik ang takot sa dibdib at isipan ko. Balak kalat na sa buong school ang sikreto ko. Bakit kasi ako nagpadala sa takot sa kanya eh. Dapat patuloy nalang akong tumanggi. Tanga ko talaga.

Pero bakit parang walang namang alam si Hans. Usually kasi kapag may kumakalat na chismis sa school na 'to, nasasagap agad ni Hans. Dami kasi nyang kaibigan dito kaya madami syang source. Advantage of friendlines, bow.

And just to make sure, para makasigurado lang, I need to ask her. "Uhm, Hana?"

"Hmm?" Tumingin sya sa'kin habang nakataas ang mga kilay nya sabay inayos ang pagkakasabit ng bagpack nya sa kanyang balikat. She looks so clueless pero I still need to make sure.

"By any chance, did you hear any rumors about me?" Dahan-dahan kong tanong kay Hans. Yes, calm down me. You need to do things slowly but surely. Wag pahalatang kabado ka.

"Alin? 'Yung sinilipan ka daw kahapon ng mga members ng soccer club habang nagbibihis ka? O yung may nagkakacrush daw sa'yo sa senior high na kamukha ni Justin Bieber? O baka naman 'yung kinuha ni Eroll yung boxer mong bago ng patago nung isang araw? Alin dun?" Dire-diretsong sabi ni Hans.

At ako? I was totally speechless with my mouth hanging open. Wtf? "You mean, 'yung bago kong bili boxer? Iyong nawala sa locker ko? That fcking thief, he's gonna get it. Wala ba syang pambili?" Imbyernang sabi ko. Look guys, I may be overreacting but that boxer? That cost an unexpectedly high price. That was my favorite since hindi lang iyon komportableng gamitin, mahirap pang hanapin 'yun kasi limited edition. Tapos nanakawin nya lang?

"Well, di mo sya masisisi. You've got a nice ass---"

"I'm taking it back, I'm going to take it back. Definitely. That guy, he won't get away from this." Sabi ko at inangat ang sleeve ko pataas. Asan ba 'yung gagong iyon? Sasampolan ko talaga.

"Wait lang, Glenn. Listen to me. Mamaya mo na kunin iyong mamahalin mong boxer, malelate na tayo. Tara na pumasok." Sabi ni Hans at hinila ang braso ko papasok ng university. At doon, muling bumalik sa isip ko ang katayuan ko ngayon. Nasa panganib nga pala ang buhay ko ngayon at may posibilidad na mabully ako.

"No, ayoko. Di ako papasok. Siguradong kumalat na 'yon sa school. Lagot ako. Ang tahimik kong buhay." Sabi ko at niyakap si Hans. Ramdam ko ang tinginan ng mga tao sa'ming dalawa pero wapakels ako. Nagdadrama ako. Wag silang epal.

"Ano ba kasing tinutukoy mo?" Sigaw ni Hans. Napa-oww naman ako dahil sa kabingihan pero nanatili akong nakaakap kay Hans na parang tuko. "Glenn, baka akalain ng mga tao boyfriend kita. Mandiri ka nga."

"Ayoko! Ayoko! Ayoko!" Sabi ko kay Hans habang pilit nya akong hinihila papasok ng school. Sinabi pa niyang konting konti nalang gagatukan nya ko. "Ayooookooo ngaaa eeeeh..."

Shit. Shit. Shit. Mura ko sa isip ko nang tuluyan na akong nahila ni Hans papasok ng school. Pinikit ko ang mga mata ko at hinanda ang tenga ko sa mga insultong matatanggap ko.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Eh?

Dahan dahang minulat ko ang aking mga mata dahil iba ang reaksyon na inaasahan ko sa mga studyante dito sa school.

Wala akong narinig ni kahit isang insulto. Yung iba, dire-diretso lang ang lakad at walang pake sakin. Yung iba naman tinatawanan ako dahil sa inaasal ko. Yung iba naman tamang tingin lang.

"B-But why?" Bulong ko sa sarili ko.

Malakas akong ginatukan ni Hans sa likod ng ulo ko. "What do you mean 'but why'? Look at the time, we're already two minutes late. Lagot tayo neto ee." Inis na sabi nya sakin dahil kanina nya pa akong hinihila papasok. "Tara na nga." Dagdag nya at nag-umpisa na ulit maglakad.

Nag-aalangan akong tumango bago sumunod sa kanya. Bago tuluyan makaalis dun, nilibot ko muna ang mata ko sa buong paligid dahil pakiramdam ko may nagmamatyag sa bawat galaw ko.

At mula nga sa isang tabi, nakasandal si TJ sa isang pader habang magkakrus ang mga braso. Matalim syang nakatingin sa'kin na tila may pinararating dyang mensahe. Makadaan ang ilang segundo, dahan-dahang umangat ang gilid ng labi nya at umismid sa'kin.

Napatigil ako sa paglakad nang bigla nyang inangat ang isang kamao nya at itinayo ang hinlalaki nya. Mula sa approve sign, dahan-dahan nyang pinihit ang kamao nya pababa. (please look at the photo, that's what I meant)

Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko. Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo sa katawan ko. At lalo pa akong nahintakutan nang may bigla syang binulong sa hangin. Nang maintindihan ko ang binulong nya, halos manlambot ang tuhod ko sa sobrang takot.

'You're dead'

Homophobic Bully (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon