Chapter 7

4.9K 186 54
                                    

Chapter 7

"Okay, that's it for now. You may go." Sabi ng teacher namin at nagligpit na ng kanyang gamit. Ganun din naman ang ginawa ko at nagmamadaling lumabas ng room.

Dumiretso ako sa restroom para tingnan kung ano ang hitsura ko ngayon. And I knew it, mukha akong pulubi. Natuyo na ang kape na binuhos ni TJ sa uniform ko at naninigas ang buhok. Gusto kong matawa sa itsura ko kung hindi lang ako nanggigigil sa galit kay TJ. He went too far this time.

Hinugasan ko ang buhok ko sa lababo. Di ko na kasi nagawang ayusin ang sarili ko kanina bago pumunta ng room dahil late na ako. Para akong sira ulo ng pinagtitinginan kanina dahil sa itsura ko. Patay malisya naman ang teacher namin dahil alam na nya kung anong nangyayari sa'kin. Talamak ang bully sa school na ito pero maraming kapit kaya wala silang magawa at mas pinipiling manahimik. Sino ba naman ang gustong mawalan ng trabaho?

"Oh," May narinig kong nagsalita sa likod ko kaya naman agad akong napatingin sa salamin sa harap ko. "It's nice seeing you again, Glenn." Nakangiting sabi nung lalaking tumulong sa'kin kanina.

"I-It's you..." Mahina na sabi ko sa kanya.

"Wow, wet hair! You look hot!" Sabi nya sa akin at tinapik ang puwetan ko. Nagulat naman ako doon kaya napaharap ako sa kanya. "What? Wag ka pavirgin!" Sabi nya at tumabi sa akin para hugasan ang kamay nya.

Namula naman ako sa sinabi nya. I am though. Ang bata ko pa kaya para hindi na maging virgin. Tsaka, wala pa sa isip ko ang mag-girlfriend. Family comes first nga, di'ba?

Kumuha ako ng panyo sa bag ko at kinuskos iyon sa buhok ko. Well, I have no choice kesa sa lumakad ako ng basang-basa.

"I-I'll be going then." Sabi ko dun sa cute na lalaki at akmang aalis na pero mabilis nya akong pinigilan.

"Wait! Wag kang pasal!" Sabi nya at hinila ako pabalik. Nanlalaki naman ang mata ko ng mapatingin ako sa kanya. Hindi ko ini-expect na malakas ang pwersa nya. "Napag-isipan mo na ba kung tatanggapin mo 'yung offer ko kanina?" Sabi nya.

Nangunot naman ang noo ko, "Huh? Anong offer ang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Wala naman kasi akong maalalang napag-usapan namin kanina.

Pinitik nya ako bigla sa noo, "Ayan! Nagmamadali ka kasing umalis kanina nang magbell na, kaya di mo di mo narinig 'yung sinabi ko." Sabi nya sa'kin. Nakuskos ko naman ang noo ko gamit ang palad ko sa sobrang sakit ng pitik nya.

"Aww, why do you have to do that?" Inis na sabi ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin. "Ano ba kasi 'yung inoffer mo at parang ang big deal sa'yo?" Tanong ko din agad sa kanya.

Ngumiti sya sa akin ng malawak, "Tutulungan kitang bumawi kay TJ." Masayang sabi nya. "He's bullying you, right? Kaya tutulungan kitang tumigil sya sa pambubully sa'yo." Excited na dagdag pa nya. What a weirdo!

Babawi? Kanino kay TJ? Well, that's tempting but, "No thank you." Mabilis na tanggi ko. Well, we only just met. Malay ko ba kung haters lang ito ni TJ at gusto lang ako gamitin para makapaghiganti sya. Edi ako ang kawawa sa huli. Hala!

Nawala ang ngiti sa cute na mukha nya, "Eh? Why?" Nagtatakang sabi nya. Nagtaka ako sa naging reaksyo nya dahil mariin na hinawakan nya ako sa magkabila kong braso. Walang emosyon sa mukha hinila nya ako papalapit sa kanya. Wo-hoa, that's creepy. "Don't tell me you like him?" Tanong nya habang diretsong nakatingin sa mata ko.

Bigla akong nakaramdam ng goosebumps sa ginawa nya. Gusto ko ko mang matawa sa itinanong nya pero may parte ng utak ko na nagsasabing hindi ito ang tamang oras para gawin ko iyon at masama iyong kalabanin.

Homophobic Bully (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon