"beast mode"

1.5K 30 0
                                    

Part 3

Bumalik ng opisina si Nick na hindi maganda ang mood. Salubong ang dalawang kilay at derecho sa kanyang opisina. Ni hindi pinansin ang kanyang sekretarya na bumati sa kanya.
Anong nangyari sayo? Ni mike na pumasok sa opisina ng kaibigan. Umupo siya sa tapat na upuan.
Tumayo si Nick para kumuha ng beer sa personal ref nito na nasa loob lang din ng kanyang opisina. Saka bumalik sa kanyang mesa at inabot ang isa kay Mike.
Now tell me what is it? Ni mike na binuksan ang beer in can.
Wala to. Maliit na bagay lang. Aniyang tinunga ang laman.
Ngayon pa ba tayo maglolokohan, matagal na kitang kilala. Kaya alam kong may problema ka. Ni mike na tumunga ulit.
He sighed. "Wala pagod lang ako". Aniyang hindi tumingin sa kaibigan. Ayaw niya kasing makita ng kaibigan ang totoog nararamdaman para kay cassandra.
Are you sure? Paninigurado naman ng kaibigan.
Tumango lang siya upang hindi na magtanong pa ang kaibigan.
Eh kung ganun, gimik tayo mamayang gabi.
Sige saan ba tayo gigimik? Aniya upang matahimik na si Mike sa pangungulit sa kanya.
Ito ang ayaw niya sa dalawang magkapatid, makulit.

* * *
Kinagabihan ay lumabas nga ang dalawang magkaibigan. Uminom ang dalawa sa isang sikat na resto bar. May bandang tumutugtog sa stage, Kaya hindi gaanong nainip si Nick.
Nakailang bote na ang dalawang kaibigan bago naging matabil ang dila ni Nick. Halos sa kanya na galing ang mga kwento.
Lam mo paree . . Kailangan na ata ni cashandra ng ala bakal na mga kamay mo, kashi nakakainish na eh. . Aniyang nagkakandasabit na ang mga dila sa pagsasalita.
Ganun ba pare? Anitong nakikisabay rin sa kaibigan. Hindi ito lasing. Sinadya talaga nitong lasingin ang kaibigan para malaman nito kung ano ang ipinagpuputok ng butsi pagkatapos maihatid si cassandra. At ngayon parang alam na niya kung ano yun. Dahil narin siguro sa katigasan ng ulo ng kapatid niya.
Bata pa silang dalawa ay magkaibigan na sila. Kaya para nang ipinagdugtong ang mga bituka nila. Pati rin mga pamilya nila ay magkaibigan. Dahil mgkasosyo ang mga ama nila. At ngayong pareho ding wala na ang kanilang mga ama ay silang dalawa ang tumatayong head ng companya at siya ring tumatayong ama kay cassandra.
Alam niyang matigas ang ulo ng kapatid. Kaya lang minsan hindi niya mahindian ang nagiisang rosas ng pamilya. A rose that needs to be gently cared for.
Parang kinutuban siya na may gusto ang kaibigan sa kapatid ayaw lang siguro nitong ipaalam sa kanya. Dati pa ay hindi na magkasundo ang dalawa. Dahil lagi nalang nagaaway ang dalawa kapag nagkakadikit.

* * *
Alas otso na sa orasan nang tingnan ni cass ang relo. Kaya bumaba na siya sa comedor para mag almusal.
Nagulat siya nang datnan ang mommy niya at kuya Mike niya at si Nick.
Whats going on here? Aniyang nakatingin kay Nick. Hindi na siya nagtataka kung bakit nandito sa bahay nila si Nick. Noon pa ay lagi itong tumatambay sa kanila. Kaya lang iba ang hitsura nito ngayon. Parang dito sa bahay nila natulog ang binata. At . . Is he drunk kuya? Mayamaya ay dugtong niya sa tanong.
Good morning baby girl. Bati sa kanya ng kanyang mommy.
Umupo ka muna at mag almusal cassey. Hindi magandang pinaghihintay mo ang pagkain. Ni mike na pinakiramdaman ang kaibigan.
Lasing ba kayo kagabi kuya? Aniyang hindi makatiis. Dahil sa nakita niya kay Nick na nakahawak ng bag na may lamang yelo. Alam niya na masakit ang ulo nito.
Nagkatuwaan lang kami cassey. Ni mike na humigop ng kape.
Hay naku, kayo talagang bata kayo hindi na mapaghihiwalay. Wika naman ng kanilang ina. "Daig niyo pa ang magkasintahan sa closeness ninyong dalawa".
Mommy! Paano magkakagirlfriend ang dalawang iyan eh, tingin ko hindi marunong manligaw ang mga iyan eh. Aniyang kay Nick nakatingin kaya nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa.
Matagal siyang tinitigan ng binata. Tsaka nito kinuha ang tasa ng kape at tumayo. "Doon muna ako sa pool tita. Magpapalamig lang ng ulo". Anitong bitbit ang tasa ng kape.
Wow sa wakas nagsalita din. Aniya nang mawala na ito.
Baby girl huwag mo namang ganunin si Nick. Ang bait ng batang iyon. Ng mommy niya.
Oo nga cassey! Sang ayon naman ng kuya mike niya. He's a good guy. Kung ayaw mo sa kanya, atleast do not be rude to him.
Oo na! Oo na! Ako na naman ang mali. Aniyang kumuha ng tinapay at itlog para kumain na.

-------abangan ang part 4
Nakakakilig parin.

Please vote for this part and dont forget to comment.

My Brother's Bestfriend/endedWhere stories live. Discover now