First night together

1.1K 26 0
                                    

       Pinapanood ni Cassey ang paglubog ng araw mula sa terasa ng  kanyang silid tsaka niya sinulyapan si Nick kasama si Mang Dante na nasa tabi ng dagat. Siguroy gusto nitong mapag-isa na wala siya.

       Lihim niya itong pinagmasdan mula sa mga mata nito at sa mahahabang pilik mata. Matangos ang ilong at mapupulang labi na parang laging nang-aanyaya ng halik. And every movement of his lips makes her  weak paano pa kaya kung hinahalikan na siya ng mga labing iyon.

        Naiiling siya sa mga naisip. "Stop dreaming cassandra! Hindi mangyayari ang bagay na iyon. He doesn't even take a look on you." Tsaka bakit ko ba iniisip na halikan niya ako. I dont like him." Saway niya sa sarili.

          Pumasok nalang siya sa kanyang silid at nagmukmok. Ngunit agad ding naalala na tulungan si Aling lydia na magluto. Kaya't nagtungo siya sa kusina at naabutan ang may edad na si Aling lydia.

          Ano po ang niluluto niyo aling lydia? Aniya rito.

          Sinigang na baka senyorita. Wika nitong ngumiti sa kanya.

          Ahm, paborito ni Nick!

          Oo paborito niya at ni Mike. Ikaw lang ang hindi kumakain ng sinigang eh. Kaya siguro napaka sexy ng katawan mo.

         Aling lydia naman, ang lakas ko kaya kumain. Nakaubos nga ako ng dalawang pinggan eh. Pero dapat ulam ko eh beef steak na luto niyo.

         Hay nakung bata ka hindi ka parin nagbabago. Malambing ka parin katulad noong bata pa kayong tatlo. Eh matanong ko lang, eh mag nobyo na ba kayo ni senyorito?

         Napaubo siyang bigla sa sinabi nito. "Nako Aling lydia hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya noh". Aniyang uminom ng tubig. Pakiramdam niya pulang pula ang mukha niya.

         Ah! Para kasi kayong may ano,  LQ ba tawag dun? Patuloy parin ng katiwala na parang nanukso sa kanya. Kaya lalo tuloy siyang napaubo.

        Kayo talaga Aling lydia mapagbiro. Ano pa po bang lulutuin niyo para umpisahan ko ng magbalat ng mga kakailanganin. Aniyang iniba ang usapan.

          Napangiti nalang ang katiwalang babae sa naging tugon niya.

                *         *         *
         Kinahapunan ay sabay na naghahapunan sina Cassey at Nick. Magkatapat ang kanilang upuan.

         Sasalinan na sana niya ang pinggan nito ng kanin nang pinigilan nito ang kamay niya. "I can do it on my own". Wika nitong kinuha sa kamay niya ang serving spoon.

        Tiningnan niya ito sa mga mata. "Okey!" Aniya tsaka tumingin kay Aling Lydia na parang sinabi nito na hayaan nalang ang binata sa gusto nito.

         Habang kumakain sila ay natanong niya sa kanyang isip kung kailan niya matitiis ang pambabaliwala sa kanya ni Nick. Pero hanggat kaya niya ay matitiis niya para rito. Magiging okey lang ito.

              *       *        *
          Pagkatapos maghapunan ay nagpahatid na ang binata sa silid nito. Kayat nagprisinta siya na siya nalang ang maghatid.

          Kumusta na ang pakiramdam mo? Aniya rito nang alalayan niyang makatayo sa wheelchair at lumipat sa kama nito.

           Sa tingin mo okey ba ako? Sagot nitong sa tonong pilosopo.

           Huminga siya ng malalim na parang sa hangin siya kumukuha ng lakas upang manatili pa rito. "Alam mo naisip ko rin iyan, kasi nakikita ko naman na okey ka at kayang-kaya mo ang sarili mo kahit wala ako dito, pero dahil may malasakit ako sayo pinili ko na alagaan ka. Sana lang alagaan mo rin ang sarili mo". Aniya tsaka tumalikod at lumabas ng silid.

         Hindi na nakaimik si Nick nang lumabas ang dalaga.

             *           *           *
         "What the f***".  Tanging nasabi nalang ni Nick nang lumabas na si Cassey. Pilit niyang kinokontrol ang sarili upang hindi na sila magkabanggaan o magkasagutan ng dalaga ngunit hindi niya mapigilan ang sarili na hindi ito maangilan. "Galit ba talaga ako sa kanya o hindi? Bakit kung wala siya sa paningin ko ay hinahanap ko siya"?

           Nagulat siya nang biglang bumalik sa silid niya si cassey at may dala ng kumot at unan.

           Dito ako matutulog sa ayaw at sa gusto mo. Wika nitong ni hindi tumingin sa kanya habang inaayos ang unan sa couch at pagkatapos ay humiga at ng kumot.

          Cassandra you dont have to sleep here just to make sure im okey. Aniyang sa tonong walang bahid ng galit kundi pag alala para sa dalaga. Bumalik ka na sa kwarto mo para makapag pahinga ka ng maayos. Mahihirapan ka kung diyan ka matutulog sa sofa.

          Well kasya ako dito, hindi ako mahihirapan. Ni cassey na walang pakialam sa hinihigaan niya. Goodnight!

          Baby girl . . . Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang tumalikod ito sa paghiga. Kaya hindi nalang siya muling nagsalita at hinayaan ito.

          Ilang oras ang nakalipas ay hindi parin makatulog si Nick. Lagi niyang sinusulyapan si Cassey na nasa couch at mahimbing nang natutulog. Gumalaw ito paharap sa dereksyon niya. Lumapit siya dito gamit ang wheelchair niya para mapagmasdan ito. Gustong-gusto niyang haplusin ang pisngi ng dalaga ngunit pinigilan niya ang sarili. Para itong batang mahimbing na natutulog.

         Isa sa mga katangian ng dalaga na gustong-gusto niya ay napakalambing nito. Kung may gusto ito ay ginagawa nito kahit ano makuha lang ang gusto. Yun nga lang spoiled ito. Ayaw nitong tinatangihan.

           Baby girl you've grown as a beautiful woman as what i expected. Kaya lang i hate it when i see you hanging out with your male friends. Bulong niya sa sarili.

           Ilang minuto pa niyang pinagmasdan ang dalaga. Hanggang sa naramdaman na niya na inaantok na siya. Kaya't hinalikan niya ang noo ng dalaga bago bumalik sa kanyang kama upang matulog.

Note: sanay nagustohan niyo ang chapter na ito. At abangan pa ang kanilang estorya sa susunod na mga eksena.

And please dont forget to vote. :-)

My Brother's Bestfriend/endedWhere stories live. Discover now